CHAPTER 98

721 29 5
                                    

KLAY

Nakatayo ako ngayon sa tapat ng isang shelter. Saturday ngayon at naisip kong pumunta rito. Ayon kasi kay Zach, every weekend ay pumupunta rito si Fidel. Kagabi ay sinend niya agad sa akin ang address nito tulad ng sinabi niya. Nakakalungkot man pero alam kong nasaktan ko siya.  Hindi ako nagpunta kagabi sa café dahil ayokong mag-desisyon nang biglaan. Bukod do'n, mahirap din kasi ang sitwasyon ko na pumili sa kanilang dalawa. Kung papayag ako sa gusto ni Zach, unfair iyon para sa kaniya. Mas lalo ko lang siyang masasaktan at ayokong mangyari iyon. Saka ko na lang siguro siya kakausapin kapag nagkaroon ako ng pagkakataon.

Naglakad na ako palapit doon sa guard at inihanda ang Visitor's I.D Card ni Zach na ipinahiram niya sa akin.

"Hello po. Good morning po. Ako po si Klay," magalang kong pakilala sa sarili ko. Tinitigan niya ako na para bang sinusuri ang buong pagkatao ko. "Kaibigan po ako ni Zachary John Silvestre. Ito po 'yong I.D Card." Ipinakita ko sa kaniya 'yong I.D.

"Ikaw po ba 'yon, Miss? Sige po, puwede na po kayong pumasok," turan niya kaya napangiti ako.

"Salamat po."

Isinuot ko sa leeg ko 'yong I.D Card at pumasok na sa loob. Dire-diretso lang ako habang iginagala ko ang mga mata sa paligid. Malawak ang shelter na 'to. May mga madre rin akong natatanaw pero bilang lang sa daliri. Naka-ilang hakbang pa ako nang makarinig ako ng ingay.

Napahinto ako nang matanaw ko ang ilang mga bata. Pito sila kung bibilangin. Tatlong batang babae at apat na batang lalaki. May isang lalaki naman ang naka-squat at nakaharap sa mga bata habang nakatalikod sa akin. Sandaling bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko man makita ang mukha niya, kilalang-kilala ko pa rin ang likod niya.

Hindi ko namalayan na unti-unti na palang sumisilay ang ngiti sa mga labi ko habang pinagmamasdan sila. Nakakatuwa siyang tingnan habang nakikipagtawanan sa mga bata. Ngunit, sa isang iglap ay nawala rin ang ngiti ko nang magsalubong ang mga mata namin ng isang batang lalaki. Titig na titig ito sa akin, siyempre hindi naman ako nagpatalo.

Biglang umusbong ang pagpa-panic ko nang bumukas ang bibig nito at itinuro ako. Dali-dali naman akong tumakbo at nagtago sa isang malapit na puno.

"Nakakaloka naman ang batang 'yon! Ituro ba naman ako?" anas ko sa hangin habang nakahawak ang kamay ko sa dibdib ko. "Hindi ako puwedeng makita ni Fidel."

"At bakit hindi kita puwedeng makita?"

Nailunok ko ang sariling laway. Dahan-dahan kong iginalaw ang ulo ko para lingunin ang lalaking biglang nagsalita. Tila ba nais ko na lamang na lamunin ako ng lupa nang bumungad sa akin ang nakangisi niyang mukha.

"Fidel..."

"It is so unexpected to see you here, Ms. Klay. Puwede ko bang malaman kung bakit nandito ka?" kalmado niyang tanong.

Klay, mag-isip ka ng sagot! pilit ko sa sarili ko, subalit bigo ako. Hindi kasi ako makapag-isip kaya wala rin akong naisagot sa kaniya.

"Don't tell me.. you already missed me that's why you're here, aren't you?" nakangisi niyang tanong. Humahangin na naman ang mokong pero hindi ko talaga siya makontra. Para kasing naputulan na ako ng dila at hindi ako makapagsalita. Naghalo kasi ang kaba, gulat at hiya sa loob ko sa katotohanang nasa harapan ko siya ngayon. Bigla naman siyang tumawa nang mahina. "Halika. Ipapakilala kita sa kanila."

Hinawakan niya ang kamay ko at kinaladkad ako. Hindi na rin ako umangal at napatingin na lang sa kamay naming magkahawak. Matagal na rin no'ng naghawak kami ng kamay. Nakakamiss din pala ang pakiramdam na 'to.

"Hey, kids!" tawag niya sa mga bata at nagsilapitan naman ang mga ito. "May ipapakilala ako sa inyo. Siya si Ate Klay n'yo," pakilala niya sa akin.

"Hello!" Kumaway ako sa kanila gamit ang libre kong kamay dahil hawak pa rin ni Fidel ang isang kamay ko at ngumiti sa kanilang lahat.

My Red Flag EnemyWhere stories live. Discover now