CHAPTER 99

810 37 16
                                    

KLAY

"Lumayo ka nga," nahihiya at naiilang kong taboy sa kaniya. Ayoko naman din na basta na lang gumalaw dahil ilang inch na lang ang pagitan ng mga mukha naming dalawa.

Subalit, tila ba isa itong bingi na hindi man lang ako pinakinggan. Sa halip, ay mas lalo pa niyang inilalapit ang mukha niya sa akin. Sa sobrang pag-atras ko ay wala na akong maatrasan pa dahil nasa bandang bintana na ako.

"Ayoko nga. I-kiss mo muna ako," pangungulit niya habang hindi pa rin nawawala ang ngisi sa mga labi niya. Mukhang wala talaga siyang balak na lumayo. Sana man lang naisip niya kung ano ang magiging epekto sa akin ng ginagawa niya. Bakit ba siya ganito? Ang puso ko natataranta na. Walang awa. Tsk.

"Bakit ba ang kulit mo? Saka, hindi pa naman kita boyfriend para i-kiss kita!" singhal ko.

Sandali namang nawala ang ngisi sa mga labi niya na siyang bumalik din agad. "So? Whether I'm your boyfriend or not, you should still kiss me. Pambawi man lang sa sakit na ipinaramdam mo sa akin noon."

Aba't nangonsensiya pa ang loko!

"Isa pa, kiss lang naman ang gusto ko. Mahirap bang ibigay 'yon? Para namang hindi pa tayo nag-kiss noon. Ilang beses pa nga 'yon," dagdag pa niya.

"Tsk. Ang kulit!" inis kong bulong.

"Ano na? Iki-kiss mo 'ko o aanakan kita?"

My eyes get bigger in an instant, after hearing what he just said. "Hoy, Fidel! Maghunos-dili ka nga! Kung ano-ano na lang 'yang lumalabas sa bibig mo!"

"Tsk. Mamili ka, kiss o anak?"

Naikunot ko ang noo ko habang hindi makapaniwalang nakatitig sa seryoso at nayayamot niyang mukha. Ibang klase talaga ang lalaking 'to. Hayst! Ano pa bang magagawa ko? Pagbantaan ka ba namang aanakan! Kainis!

Dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata ko at ngumuso. Pagbibigyan ko na siya sa kiss na gusto niya. Baka mamaya, seryosohin niya pa iyong banta niya. Isa pa, tulad nga ng sinabi niya, pambawi ko na rin sa pananakit ko kuno sa kaniya noon.

Sa palagay ko, lumipas na ang isang minuto. Ngunit, wala pa rin akong nararamdaman. Ang tagal naman yata ng kiss? Teka, baka naman nag-iinarte pa siya?! Siya na nga 'tong pinagbibigyan, eh!

Ilang segundo pa ang lumipas ay nagtaka na ako. Kaya idinilat ko ang mga mata ko. My face frowned when he was no longer in front of me. Maayos na siyang nakaupo... habang bumubungisngis!

"So, you're now making fun of me, huh?!" inis kong bulyaw na may kasamang masamang tingin.

"Kunwari ka pang ayaw mo, pero gusto mo rin naman palang halikan kita," aniya at nagsimula na naman siyang tumawa.

I slouched at my seat as I crossed my arms right below my chest out of frustration. I took a deep breath while my brows were uniting. I hate him for making fun of me. Argh! I hate him! I really do!

"Galit ka?" tanong niya pero hindi ko siya pinansin. Bukod doon, mukhang natatawa pa rin ang boses niya. Talagang natutuwa pa siyang napahiya ako! "Hey, Klay! I was just joking."

Still, hindi ko pa rin siya pinansin. Naiinis talaga ako! Pakiramdam ko sobrang pula na ng mukha ko dahil sa inis. Nagawa niya pa akong paglaruan. Kaasar talaga!

"Oyy, Klay! 'Wag ka nang magalit, oh. Namiss lang talaga kitang asarin. Please, patawarin mo na ako. Klay..."

Hindi ako umimik at nanatili lang akong nakabusangot. Hindi nakakatuwa iyong ginawa niya. Nakakasama ng loob.

"Oyy, Klay." Sinundot niya ako sa braso pero hindi ko pa rin siya pinapansin. "Klay naman, eh. Gusto naman talaga kitang i-kiss. Kaya lang namiss kitang asarin, eh."

My Red Flag EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon