CHAPTER 87

950 29 9
                                    

KLAY

"How are you feeling?" he asked in a worried tone as his eyes are full of uneasiness. Nakaupo siya sa edge ng kama at nakaharap sa akin. Hawak din ng mga kamay niya ang isang kamay ko.

"Ayos lang ako," may tipid na ngiti kong sagot. "Ikaw? Kumusta ang braso mo?" Tinapunan ko ng tingin ang braso niyang may benda na rin ngayon.

"I'm fine. I'm all fine. Walang-wala 'to kumpara sa sugat na natamo mo." Bahagya niyang inilapit sa akin ang mukha niya. "Sobra mo 'kong pinag-alala kanina... Tinakot mo 'ko, alam mo ba 'yon?"

Hindi ko inaalis ang titig ko sa mga mata niyang malamlam. Mukhang nag-alala nga talaga siya nang husto.

"Sorry... Hindi ko naman kasi alam na mangyayari 'yon. I'm sorry..." Napayuko ako nang maalala ko 'yong nangyari kanina.

Bumuntong-hininga siya at hinawakan ang kaliwang pisngi ko habang ang isa niyang kamay ay nakahawak pa rin sa kamay ko. "Puwede bang sa susunod... 'Wag ka nang aalis at pupunta sa kung saan na hindi mo 'ko kasama?" mahina ang boses na turan niya.

Nag-angat ako sa kaniya ng tingin at ganoon pa rin ang pares ng mga mata niya na puno ng pag-aalala. Mukhang mahirap ang pakiusap niya pero tumango na lang ako nang sa gayoon ay maibsan kahit papaano ang pag-aalala niya.

"I love you," he said, then kissed me.

Tumugon ako sa halik niya at ilang segundo lang iyon nagtagal. "I love you too," I replied. "Ahm, Fidel..."

"Hmm?"

Sandali akong napaisip. "Palagi ka na lang nandiyan para sa 'kin. Palagi ka na lang dumarating sa tuwing nalalagay ako sa alanganin—"

"Magpapasalamat ka na naman ba?" putol niya sa sinasabi ko.

"Sa totoo lang, hindi pa sapat ang magpasalamat ako sa 'yo. Ilang beses mo nang iniligtas ang buhay ko. Gusto kong suklian ang mga nagawa mo sa 'kin. Gusto kitang pasayahin..."

"Sa paanong paraan mo naman ako pasasayain, huh?" pilyo niyang tanong.

Naisip ko lang kasi na ilang beses na niyang napapatunayan ang sarili niya sa akin. Hindi ko rin alam kung dapat ko pa ba siyang paghintayin nang matagal.

"Fidel... Sinasa—"

"Klay!" Hindi ko naituloy ang dapat na sasabihin ko nang biglang bumukas ang pinto. "Oh, no! Are you okay?!" nag-aalalang tanong ni Jaina habang papalapit siya sa amin.

"Jaina, ayos lang naman ako," sagot ko ngunit napansin kong nakatuon ang tingin niya kay Fidel na siyang nakatalikod sa kaniya dahil nakaharap ito sa akin.

"I'm glad you're fine. Nag-alala ako sa 'yo," turan niya nang muli niyang ibaling sa akin ang tingin niya kaya napangiti ako.

Napatingin ako kay Fidel nang maramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko. Nakapukol din sa ibang direksiyon ang mga mata niya.

"Klay!" Muling bumukas ang pinto, bahagya pa akong napapitlag dahil sa malakas na boses ni Kelly na agad pumasok kasama ang apat na kaibigan ni Fidel. "OMG!" Naitakip niya ang dalawang kamay niya sa kaniyang bibig habang gulat na nakatitig sa mga damit namin ni Fidel na puro dugo. "Anong nangyari?! Ayos ka lang ba, Klay?! Sinong gumawa nito sa 'yo?!" Lumapit siya at naupo rin sa kama para i-check ang katawan ko.

"Ayos lang ako, Kelly. Nahiwa lang ako pero hindi naman ako masyadong napuruhan."

"Sigurado ka ba?" Inangat niya ang damit ko sa bandang tagiliran ko at tumambad sa kaniya ang sugat kong may benda na rin. "Kasalanan ko 'to, eh. Kung alam ko lang na mangyayari 'to, sana sinamahan na lang kita at hindi kita hinayaan na mag-isa," mangiyak-ngiyak niyang pagsisi sa sarili.

My Red Flag EnemyWhere stories live. Discover now