CHAPTER 66

953 35 6
                                    

KLAY

Pagpasok ko sa loob ng bahay ay nadatnan ko silang lahat sa sala, habang ang mga mukha ay tila ba nag-aalala.

"Anong meron? Ang seryoso ninyo na naman yata?" takang tanong ko sa kanila.

"Klay! Saan ka ba nanggaling, ha?! Kanina pa kami nag-aalala sa 'yo!" sigaw ni Mama sa akin nang tumayo siya mula sa pagkakaupo.

"Oo nga po, Ate. Kanina pa po kami nag-aalala sa 'yo. Bigla ka na lang po kasing nawala ro'n sa court e," sabad naman ni Kalvin na nakaupo sa tabi ni Papa.

"Ma, may pinuntahan lang naman po ako. Hindi n'yo naman kailangan na mag-alala pa sa akin," rason ko at naupo sa tabi ni Kuya Darwin.

"Kahit na, Klay. Sana nagsabi ka man lang kung aalis ka o kung saan ka pupunta! Lalo na ngayon at hindi namin maiiwasan na hindi mag-alala," sermon ni Mama.

"Saan ka ba nanggaling, anak? Kanina pa kami alalang-alala ng mama mo sa 'yo. Akala namin kung ano na ang nangyari at hindi mo pa sinasagot 'yong mga tawag namin," kalmadong turan naman ni Papa.

Huh? Tumawag ba sila?

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa sling bag ko at chineck. Oo nga... Ang dami nga nilang texts at missed calls. Nakalimutan ko na na-i-silent ko pala 'tong cellphone ko kanina. Mukhang kailangan ko na yatang iwasan na mag-silent ng phone.

"Sabihin mo nga sa 'kin, Klay. May boyfriend ka na ba, ha?"

My eyes automatically rounded. "Ma?! Wala pa po akong boyfriend! Bakit ninyo naman po naisip 'yan?"

"Manliligaw pa lang siguro," dinig kong bulong ni Kuya kaya pasimple ko siyang siniko.

"So, saan ka nga nanggaling?" muling tanong ni Mama nang bumalik siya sa pagkakaupo niya sa tabi ni Papa.

"Iyon na nga po, Ma. Nakipagkita po kasi ako sa mga kaibigan ko. Kilala po sila ni Kuya. May ibinigay po kasi sila sa 'kin." Inilapag ko sa maliit na mesa sa gitna namin ang envelope at doon nabaling lahat ng tingin nila.

"Ano naman 'yan?" tanong ni Mama.

"Mga litrato po na kuha sa CCTV no'ng araw na nasagasaan po kayo. Ma, ebidensya po 'yan na makapagpapatunay na sinagasaan nga po kayo," litanya ko na may bahid ng gigil.

Pansin ko ang galit sa mga mata ni Mama nang kunin niya 'yong envelope at kinuha ang laman niyon.

"Ibig sabihin, si Ma'am Demi nga ang sumagasa sa akin," hindi makapaniwala at may gigil na wika niya.

***

Nang magising ako ay agad akong naghanda. Matapos kong mag-shower ay lumabas ako ng kuwarto at naabutan ko si Mama sa sala habang tinititigan ang mga pictures na ibinigay ko kagabi.

"Ma, ano po pala ang balak ninyo ngayon?" pag-agaw ko sa atensiyon na.

Sumulyap siya sa akin at ibinalik din agad ang paningin sa mga litrato. "Haharapin ko siya. Tatanungin ko siya kung bakit at paano niya nagawa sa akin 'yon. Kaya pala bumait siya bigla no'ng bumalik ako sa trabaho. Pero wala talaga akong matandaan na may nagawa ako sa kaniyang mali para gawin sa akin 'yon."

Umupo ako sa tabi niya at napayuko. "Ma... sorry. Kasalanan ko talaga 'yon, e. Kung hindi dahil sa akin hindi po 'yon mangyayari sa inyo."

"Anak, bakit ka nagso-sorry?" takang tanong ni Mama. "Hindi ikaw ang dapat na nagso-sorry. Si Ma'am Demi ang dapat na mag-sorry sa akin. Bakit mo ba sinisisi ang sarili mo, Klay?"

"Alam ko po kung bakit ginawa 'yon sa inyo ng amo ninyo at dahil po 'yon sa 'kin."

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap na nangyari 'yon kay Mama nang dahil sa akin. Hindi ko akalain na 'yong pagiging matapang, palaban, at pakialamera ko ang siyang magiging dahilan para mapahamak si Mama.

My Red Flag EnemyWhere stories live. Discover now