CHAPTER 15

1.6K 46 6
                                    

KLAY

"Ouch!" angal niya nang medyo madiinan ko ang pagdampi ng bulak sa gilid ng labi niya.

"Sorry," I apologized at sinubukang magdahan-dahan sa paggamot ng mga sugat niya. Nakaupo kami ngayon sa isang bench kung saan walang tao ang paligid. Medyo maliwanag naman gawa ng mga ilaw at ng buwan.

Matapos no'ng nangyari kanina ay hinila ko siya at naghanap ako ng bukas pang convenience store para bumili ng mga kailangan para kahit papaano ay magamot man lamang ang mga sugat niya. Bumili na rin ako ng drinks naming dalawa.

"Ikaw naman kasi, bakit ba kasi hinayaan mo lang na bugbugin ka ng mga mayayabang na 'yon? Bakit hindi ka man lang lumaban?" panenermon ko sa kaniya. Hindi kasi mawala sa utak ko iyong nakita ko kanina kung paano siya pinagtulungan no'ng tatlo.

"Ayos lang naman ako," he replied.

"Ayos? Eh, nakahandusay ka na nga kanina. Kung hindi pa ako dumating, malamang nakaratay ka na ngayon sa hospital."

Bigla naman itong natawa ng mahina. "I'm totally fine. You have nothing to worry about. Sana... umalis ka na lang sana kanina. What if sinaktan ka nila?"

Nang matapos ko na ang ginagawa kong paggamot sa mga sugat niya ay saka ko lamang siya sinagot. "Actually, naisip ko rin 'yan. Pero ewan ko ba, hindi ko alam kung saan ko ba nakukuha 'yong tapang ko."

"You're such a brave girl. Ngayon lang ako nakakita ng babaeng katulad mo," papuri niya sa akin.

"Masuwerte lang tayo dahil kilala ko 'yong isang kasama nila. Kung hindi? Naku! Baka pareho tayong nasa ospital ngayon."

"Yeah, you're right. Hindi ko alam na nakilala mo na pala si Jairo. At mas lalo mo lang akong pinahanga dahil nalaman ko kung gaano ka kabuting tao," saad niya. Nakaramdam naman ako ng hiya sa mga puri niya sa akin.

"Anyway, kilala mo sila, 'di ba? Anong nangyari? Bakit mukhang bad mood yata sila sa 'yo?" pag-iiba ko sa usapan. Curious din kasi ako kung anong nangyari at bakit nauwi sila sa gano'ng sitwasyon.

Bigla naman siyang umiwas ng tingin sa akin at diretsong tumingin sa kawalan. Natahimik din siya kaya naman naisip kong baka ayaw niyang pag-usapan. Bakit ba kasi iyon pa ang itinanong ko, eh.

"They're actually my friends... before," sagot niya at uminom sa canned juice na binili ko.

"Before? Meaning to say, hindi na ngayon?" Tulad niya ay uminom din ako sa canned juice ko.

Narinig ko naman siyang nagbuntong-hininga. "Yeah, but everything has changed when I transferred to Phyton University. And now, they treat me as their opponent." Naging malungkot ang boses nito kaya naman nag-isip ako ng paraan kung paano pagagaanin ang usapan namin. Sana pala hindi ko na lang in-open ang topic na 'yon.

Tumikhim muna ako bago magsalita. "Siya nga pala..." Inilahad ko ang isang palad ko sa kaniya na siyang naguguluhan niyang tiningnan. "Kailangan mo 'kong bayaran."

"Bayaran?"

"Oo. Kailangan mong bayaran 'yong mga ginastos ko. 'Yong mga binili kong panggamot sa mga sugat mo at pati na rin 'yong sa drinks," paniningil ko.

"Uh... Wait." Bigla siyang may dinukot mula sa bulsa sa likod ng pantalon niya at nakita ko ang wallet niya. Nanlaki ang mga mata ko nang bumunot ito ng one thousand pesos sa wallet niya. "Here, take this—"

"Ah, hindi! Biro lang!" pigil ko sa kaniya bago pa man niya tuluyang makuha ang isang libo sa wallet niya. "Nagbibiro lang ako. Hindi mo na kailangang bayaran." Grabe naman 'tong lalaking 'to, baka mamaya isipin pa nitong mukha akong pera.

My Red Flag EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon