CHAPTER 76

880 31 9
                                    

KLAY

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana. Bumangon ako at nag-inat ng katawan. Lumabas ako ng kuwarto at nagtungo sa sala, subalit wala man lang akong nadatnan.

"Ate! Nasaan po sila?" tanong ko sa isang maid namin. 'Ate' ang tawag ko sa kanila dahil hindi ako sanay na tawagin silang 'yaya'.

"Nasa garden po, ma'am."

"Salamat po," turan ko kasabay ang pagtango saka ko iginalaw ang mga paa ko patungong garden kung saan malapit sa court.

Medyo malayo pa man ako ay natanaw ko na sina Mama at Kalvin na nakaupo sa patio habang kumakain.

"Good morning," bati ko sa kanila nang maupo rin ako kasama nila.

"Good morning, anak. Nag-breakfast ka na ba?" tanong ni Mama habang malilikot ang mga mata na tila ba may pinapanood.

Out of curiosity ay sinundan ko ang tingin niya. Si Kuya pala ang pinapanood niya habang naglalaro ng basketball.

Ibinalik ko ang paningin ko sa mesa at kumain ng cookies — nang bigla akong matigilan. Muli akong sumulyap sa kinaroroonan ni Kuya at mabilis na namilog ang mga mata ko nang makita ko ang hindi inaasahang bisita.

Si Fidel!

Dagli akong tumayo at walang paalam na kumaripas ako ng takbo palayo sa garden at bumalik sa loob ng kuwarto ko.

Habol-habol ko ang hininga ko nang sumandal ako sa pinto. Hindi ko inaasahan na nandito pala siya. Naku naman! Muntikan na niya akong makita. Mabuti na lang at nakaalis ako agad do'n. Nakakahiya na makita niya akong nakasuot pa ng pantulog at wala man lang hilamos.

Dumiretso ako ng bathroom at naligo. Kalahating oras din siguro ang nakonsumo ko bago ako lumabas at nagbihis. Siyempre, nag-ayos din ako kahit papaano. Nakakahiya naman sa manliligaw ko.

Bumalik ako ng garden. Napahinto naman ako sa paglapit kina Mama nang makitang kasama na nila ngayon sina Kuya at Fidel.

"Klay!" Napaigtad ako nang bigla akong tinawag ni Kuya. "Come here! Join us!"

I sighed. Pinakita ko sa kaniya ang ngiti ko bago ako nagpatuloy na lumapit sa kanila.

"Naku, anak. Sayang at bigla kang nawala kanina. Napanood mo sana ang laban nila," bungad ni Mama sa akin pag-upo ko. "Ang galing ni Xander!" dagdag pa niya.

"Hindi naman ho. Sa tingin ko po, tsamba lang po 'yong nangyari," nahihiyang sabad ni Xander. Medyo nakayuko siya habang ang isang kamay ay nakahawak sa batok niya.

"Hindi 'yon basta tsamba lang. Natalo mo talaga ako. Ngayon, napatunayan mo sa 'kin na talagang seryoso ka nga sa kapatid ko," ani Kuya at nakangiting tumingin sa akin.

Kung gano'n, 'yong laro nila kanina ay 'yong one-on-one nilang dalawa? Sayang naman at hindi ko napanood.

"Excuse me po. Ma'am Klay?" Lumingon ako sa maid namin na siyang lumapit sa amin. "Pinapatawag po kayo ni Sir Karter sa office niya."

"Ahm. Sige. Pupunta na ako. Salamat," sagot ko sa kaniya. Tumango naman ito sa akin bago umalis.

Lumingon ako kay Fidel at nagsalubong ang mga mata namin. Nginitian ko lang siya saka ako sumenyas na aalis muna ako.

Nagtungo ako sa office ni Papa. Honestly, hindi ko alam kung bakit niya ako biglang pinatawag. Baka may importante yata siyang sasabihin.

"Pa? Pinatawag ninyo raw po ako?" magalang kong tanong nang makita ko siyang tutok sa laptop niya habang nakaupo sa swivel chair.

My Red Flag EnemyWhere stories live. Discover now