CHAPTER 63

1K 38 17
                                    

KLAY

After the game, my brother invited us to eat. That's why we're here inside the cafeteria, while some people are staring at us. It's also evident on the faces of our companions at the table that they can't believe what they've just found out.

"I still can't believe this. Klay is your sister? How did that happen?" Jairo asked my brother, looking confused.

"Is it really hard to believe that she's my sister? Why? Don't we look alike?" My brother jokingly replied.

Tinapunan ko rin ng tingin isa-isa ang mga teammates ni Kuya, pati na rin sina Jaina at Kelly. Until now, pare-parehas pa rin talaga sila ng reaksiyon. Sabagay, nakakagulat naman kasi talagang malaman na magkapatid pala kami ni Kuya Darwin. Kahit nga ako hindi pa rin makapaniwala.

"Anyway, Klay. Thank you for your support and loud cheer earlier. Na-appreciate ko 'yon," nakangising turan ni Kuya sa akin. Subalit, napansin ko ang kakaibang ngisi niyang iyon. Tila ba nanunukso.

"You're welcome!" pasinghal kong tugon sa kaniya at natawa lamang siya.

"Hays. Paano ba 'yan? Hindi na pala namin puwedeng pormahan si Klay niyan?" ani Mac sa dismayadong boses.

Tumingin naman sa kaniya si Jairo at napayuko. Unti-unti na tuloy akong nakukumbinsi na totoo 'yong sinabi ni Fidel na may gusto si Jairo sa 'kin.

"Kahit pormahan ninyo rin ang kapatid ko. Wala rin naman kayong pag-asa sa kaniya," natatawang buwelta ni Kuya. "Isa pa, wala ring puwedeng manakit kay Klay dahil mananagot sa 'kin ang mananakit sa kaniya," dagdag niya.

Napangiti ako sa itinuran niya. Ang sarap pala sa feeling na may kuya. Ang sarap sa feeling na alam mong may po-protekta rin sa 'yo.

Muli akong sumulyap kay Jairo dahil hindi man lamang siya umiimik. Ano kaya ang nangyari sa kaniya? Apektado kaya siya sa pagkatalo nila sa laro kanina?

Sumubo ako ng pagkain at ngumuya nang biglang makarinig kami ng hiyawan. Hindi na rin ako magugulat kung sila Fidel ang dahilan.

And I was right. Dahil papunta na sila sa direksiyon namin. Hindi ko maalis ang tingin ko kay Fidel. Ngayon ko lang yata na-realize kung bakit siya tinitilian ng mga kababaihan.

"Hey, Xander!" bati ni Kuya sa kaniya nang tumayo siya. "Congrats to all of you. It was a good game," usal ni Kuya sa kanila.

"Thanks, Cal!" nakangiting tugon naman ni Ivan. "Sister mo pala ang..." Ivan paused and looked at me, "babaeng gusto ko?"

Bahagya akong nabigla sa sinabi ni Ivan. Talagang dito? Sinabi niya talaga sa harapan nila Kuya?

"Yeah. I had no idea na gusto mo rin pala ang kapatid ko. Parehas pala kami ng kapatid ko na malakas ang appeal," natatawang usal ni Kuya.

"Well, you two are good-looking and nice. No wonder that you are siblings," nakangiting compliment naman ni Ivan.

"Mukhang nagpapalakas sa kuya mo si Ivan," biglang bulong ni Kelly sa tainga ko.

Nang sulyapan ko naman si Kuya ay nakangiti lang ito na animo'y tuwang-tuwa sa narinig niya.

"Anyway, Xander. Ang galing mo no'ng last quarter. Hindi ko in-expect 'yon. Mukhang effective 'yong pag-cheer ng kapatid ko," baling ni Kuya Darwin kay Fidel na siyang nagpakunot ng noo ko.

"Ha?" gulat na reaksiyon ni Fidel.

"Nevermind. Congrats ulit."

Hays. Ibig sabihin alam ni Kuya na 'yong ginawa ko kanina ay hindi talaga para sa kanila kundi para kay Fidel. Nakakahiya!

My Red Flag EnemyWhere stories live. Discover now