CHAPTER 60

2.3K 64 13
                                    

KLAY

Magkatabi kami ngayon ni Darwin na nakaupo sa isang upuan dito sa labas ng bahay. Bahagya pa akong napayakap sa sarili ko dahil sa lamig.

"Sorry nga pala kung naabala kita," hingi niya ng paumanhin kaya lumingon ako sa kaniya.

"Okay lang," nakangiting saad ko.

No'ng tumawag siya sa akin kanina ay nagulat ako nang malaman na nasa labas pala siya ng bahay kaya agad akong lumabas para puntahan siya. Nakakahiya pa na napagkamalan kong siya si Fidel kanina.

"Anyway, ano nga pala ang ginawa mo rito? Paano mo nalaman na dito ako nakatira? At saka, saan mo nakuha ang number ko?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya.

Nakangiti naman siyang tumingin sa akin. "Hiningi ko 'yong number mo kay Jairo. Actually, gusto talaga kitang makausap kaya lang bigla ka na lang nawala after no'ng laro. Sakto namang nakita ko 'yong kotse ni Xander kaya sinundan ko siya. Nagulat pa nga ako no'ng makita kong magkasama pala kayo," paliwanag niya na siyang bahagyang nagpaawang sa bibig ko.

"Gano'n ba?"

He nod. "Uhm. By the way, thank you nga pala. Dahil sa 'yo, nanalo kami sa practice game kanina."

"Huh? Bakit ka naman sa akin nagte-thank you? Hindi naman ako member ninyo o ano para pasalamatan mo," natatawang usal ko.

"Malaki ang naging parte mo sa nangyaring game, Klay. Pinasigla mo ang team namin, lalo na si Jairo."

Natigilan ako nang mabanggit niya si Jairo. Naalala ko rin kasi 'yong sinabi ni Fidel sa akin na gusto raw ako ni Jairo. Ayokong maniwala agad pero totoo kaya 'yon?

"Ahm. Hindi ko alam ang sasabihin ko," tapat kong tugon sa kaniya.

"Maiba tayo, may namamagitan ba sa inyo ni Xander?" diretsong tanong niya kaya napalunok ako.

"Ahm..." Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kaniya. Sasabihin ko ba? Pero baka magalit sa akin si Fidel, e. "W-Wala, 'no! Magkaibigan lang kami no'n," may halong tawang tanggi ko.

"Really?" sa tono ng boses niya parang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko. "Ngayon ko lang narinig na may kaibigan palang babae si Xander."

Tipid lang akong ngumiti at hindi na nagsalita pa. Baka kasi mamaya kung ano pang masabi ko. Mas lalo ko na lang niyakap ang sarili ko dahil mas lalong lumalamig kapag dumadampi ang hangin sa balat ko.

"Dito ka pala nakatira? Kumusta naman kayo ng pamilya mo? Ng mama mo? Papa mo? Mga kapatid?" pag-iiba niya sa usapan.

"Uhm, pero kaming tatlo lang ni Mama at ng kapatid ko. Wala na kasi akong tatay e," sagot ko.

"What do you mean wala kang tatay?"

"Elementary pa lang kasi ako noon no'ng iniwan niya kami ni Mama para sa ibang pamilya niya. Hindi ko rin alam kung buhay pa ba siya or ano dahil wala naman na kaming balita sa kaniya." Malungkot na ngiti ang lumitaw sa mga labi ko.

"I'm sorry," usal niya.

Muli ay nabalot na naman kami ng katahimikan at wala man lang ang umimik sa amin. Maski ako ay hindi ko rin alam kung anong topic ba ang dapat naming pag-usapan.

"Huh?"

Napalingon ako sa kaniya nang bigla siyang mag-react. Nakatitig ito sa kamay ko kaya sinundan ko ang tingin niya at sa palagay ko ay sa suot kong bracelet siya nakatingin.

"Bakit?" usisa ko.

"Napansin ko lang... Iyang bracelet mo." Itinuro niya ang suot kong bracelet habang hindi niya pa rin inaalis ang tingin niya rito. "Saan mo nakuha 'yan?"

My Red Flag EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon