CHAPTER 08

1.8K 47 1
                                    

KLAY

Naka-focus lang ako sa pagnguya. Pagkatapos ay susubo ulit kahit na may laman pa ang bibig ko.

"Klay. Dahan-dahan naman," dinig kong suway ni Mama sa akin.

"Ang sarap naman po kasi ng mga pagkain eh," tugon ko nang hindi tumitingin sa kaniya.

"Grabe naman siya. Ngayon lang ba siya nakakain ng masarap?"

"Eww, she looks like a beggar."

Nagpanting ang tainga ko nang makarinig ako ng bulungan. Alam kong ako ang tinutukoy nila. But what? Ako? Mukhang beggar?!

Nginuya ko nang mabuti ang laman ng bibig ko saka ko ito nilunok. Binalingan ko ng tingin ang table na malapit lang sa amin kung saan may tatlong babae ang nakaupo. Sinamaan ko sila ng tingin nang magtagpo ang mga mata namin. Mabilis nilang iniwas ang mga mata nila at maarteng sumubo ng pagkain.

Pinagmasdan ko naman ang iba pang mga costumers na nandito at gano'n din sila kung kumain. Ang tipid naman yata nilang kumain? Diet ba sila? Pero sabagay, mayayaman nga pala sila. Napansin ko rin ang ibang costumers na umaalis habang marami pang pagkain na naiwan sa mga mesa nila. Seriously? Um-order sila ng marami tapos iiwan lang nila ng gano'n lang?

Mga mayayaman nga naman. Napailing na lang ako sa naisip ko. Hindi ko na lang din pinansin ang nasa paligid ko at ninamnam na lang ang sarap ng mga pagkain. Wala akong pakialam ano man ang isipin o sabihin ng iba riyan. Problema na nila 'yon.

"Nga pala, anak. Sino nga pala 'yong binatang kasama mo kanina?" tanong ni Mama na hindi ko alam kung sino ba sa amin ni Kalvin ang kinakausap niya.

"Oo nga, Ate. Boyfriend mo ba 'yon?" biglang tanong ni Kalvin kaya natigilan ako.

Kumunot ang noo ko sa kaniya. "Anong sinasabi mo riyan? Wala akong boyfriend!" singhal ko.

"Eh, sino 'yon? Manliligaw mo?" si Mama na ang tono ay parang nang-aasar.

"Ma, hindi ko alam kung anong sinasabi n'yo. Wala akong boyfriend at wala rin akong manliligaw. Ni hindi ko nga alam kung sinong binata ang tinutu—" Muli akong natigilan nang mapagtantong baka si Ivan ang tinutukoy nila.

"Sayang, akala ko pa naman manliligaw mo. Ang guwapo pa naman," saad ni Mama. "Eh, ano mo siya? Kaibigan? Hindi naman siguro kayo mag-uusap kung hindi kayo magkaibigan, 'di ba?"

Binitawan ko ang kutsara at tinidor na hawak ko at bumaling kay Mama. "Ma, hindi ko rin po siya kaibigan."

Kumunot ang noo nito sa isinagot ko. "Huh? Hindi mo boyfriend, hindi mo rin manliligaw, at hindi mo rin kaibigan? Eh, ano?"

Nag-isip naman ako kung anong term ang puwede kong gamitin. "Kakilala ko po. Schoolmate po kasi kami." Tama naman ang sinabi ko. Hindi kami kaibigan kaya akma na siguro kung kakilala dahil iyon naman talaga ang totoo.

"Ate, ano po pala ang pangalan niya? Pamilyar po kasi sa akin 'yong mukha niya eh," biglang tanong ng kapatid ko na malamang ay si Ivan ang tinutukoy.

"Ivan," tipid na sagot ko.

"Ivan? Ivan Borja po ba, Ate?"

Nakakunot ang noo kong sinulyapan ang kapatid ko. Paano niya nalaman ang surname ni Ivan? "Oo, kilala mo ba siya?"

"Kaya pala pamilyar po 'yong mukha niya. Opo, Ate. Kilala ko po siya. Kasama po siya sa PU basketball varsity players," proud na sagot nito.

Nanlaki ang mga mata ko. "'Wag mo sabihin sa 'kin na kilala mo rin si Zach?" tanong ko nang maalala ko no'ng gabi na akala ko ay nawawala siya, 'yon pala ay kasama lang siya ni Zach.

My Red Flag EnemyWhere stories live. Discover now