CHAPTER 86

820 28 10
                                    

KLAY

Patungo kami ngayon ni Kelly sa cafeteria kasama sina Zach, Ken, at Fritz. Nakita kasi nila kami kanina at niyaya kaming kumain. Hindi naman kami makatanggi ni Kelly... Well, si Kelly lang naman talaga ang hindi makatanggi sa kanila.

Humanap ng bakanteng puwesto si Fritz at doon kami naupo. Si Ken naman ang nag-volunteer na mag-order ng pagkain.

"Nasaan pala si Xander?" tanong ni Kelly sa kanila na siyang gusto ko sanang itanong kanina pa.

"Ang sabi niya susunod na lang daw siya. Darating na rin 'yon kasi sinabi kong kasama namin si Klay," nakangiting sagot ni Fritz at tumingin sa akin.

Iniwas ko naman ang mga mata ko at itinuon kay Kelly na malapad na rin ang ngiti habang mapanuksong nakatitig sa akin.

"Sabihin mo nga sa akin, Klay. Kayo na ba ni Xander, ha?" nanunuksong tanong niya.

Sakto naman ang pagdating ni Ken kaya napasulyap ako sa kanilang tatlo. Nakatingin din sila sa akin na animo'y hinihintay rin ang sagot ko. Hays. Si Kelly talaga!

"Hindi pa, 'no! Hindi ko pa siya sinasagot."

"Gano'n? Pero, seriously speaking, Klay. Kailan mo ba siya balak na sagutin?" usisa niya pa.

"Oo nga, Klay. Kailan mo ba sasagutin si Xander?" gatong naman ni Ken na umupo sa tapat namin sa tabi ni Zach.

At this moment, gusto kong pagsabihan si Kelly. Sa dami kasi ng puwedeng itanong ay iyon pa talaga ang naisip niya na kahit ako mismo ay hindi ko rin alam kung paano sasagutin.

Itinuon ko ang paningin ko sa ibang direksiyon kasabay ang pagbuntong-hininga. Sakto namang natanaw ko si Ivan na kakapasok lang.

"Ivan!" tawag ko sa kaniya kasabay ang pagtaas ko ng kamay at pagkaway para makita niya agad ako.

Hindi ko naman napigilan ang pagngiti no'ng maglakad siya palapit sa amin. Simpleng lumingon ang tatlo kay Ivan at mabilis din na ibinalik ang tuon sa pagkain.

Thanks, Ivan! You saved me!

"Klay," sambit niya sa pangalan ko nang makalapit na siya amin. Ngunit, napansin kong hindi na ganoon kasigla ang boses niya tulad no'ng dati.

Nakatayo siya sa gilid namin nang mapatingin siya sa mga lalaking nakaupo sa tapat namin ni Kelly na parang walang pakialam sa kaibigan nila.

"Dito ka na pumwesto," nakangiti ko namang alok kay Ivan.

"Ha? Sigura—"

"Oo naman! Halika na!" Agad ko siyang hinila paupo sa tabi ni Ken bago pa man siya makapagsalita.

Napansin ko naman ang pagkailang ni Ken, gano'n din si Ivan. Naka-poker face lang silang tatlo pero alam kong gusto na rin nilang makasama ang team captain nila.

Tinapunan ko naman ng tingin ang katabi kong si Kelly dahil sa biglang pagbuntong-hininga niya. Mukhang galit pa rin siya sa ginawa ni Ivan. Nitong nakaraan lang sinabi ko sa kaniya ang tungkol sa ginawa ni Ivan sa akin. Nagalit siya pero natuwa siya no'ng malaman niyang wala pa lang nangyari sa amin. Si Jaina naman, hindi ko pa nasasabi sa kaniya. Minsan na lang kasi namin siya makasama kapag may pagkakataon. Kapag kasama naman namin siya palagi siyang tahimik at seryoso, na akala mo ay palaging may malalim na iniisip.

"Huh? Nasaan na 'yon?"

Lahat kami ay napalingon kay Kelly nang bigla itong mataranta na tila ba may hinahanap sa bulsa at sa bag niya.

"Kelly? Anong problema?" usisa ko.

"Iyong cellphone ko. Mukhang naiwan ko yata sa café," natataranta niyang sagot.

My Red Flag EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon