CHAPTER 100

1.8K 44 3
                                    

KLAY

"Oh, anong nangyari sa 'yo? Para kang na-estatwa riyan?" natatawa kong puna sa kaniya. Ilang sandali pa ay bigla siyang napakurap.

"T-Totoo ba 'to? Hindi ba ako nag-iimagine lang?" hindi makapaniwalang tanong niya na hindi man lamang natinag na akala mo'y ginawa na siyang bato ng ibong adarna.

"Umayos ka nga. Para kang tanga, eh!" sita ko. Although I understand what he feels, I'm just also trying not to be oblivious to my emotions.

At last, he finally moved. He touched my cheeks which I didn't expect. "T-Tayo na? Totoo na ba 'to, Klay? Sinasagot mo na ako?"

Pinigilan ko ang ngiti kong nagbabadyang lumitaw. "Oo nga. Paulit-ulit? Tsk," pagsusungit ko para itago ang kilig ko.

"Yes! Yahoo!" Nagulantang ako nang bigla siyang magsisigaw at magtatalon. "Finally!"

"Hoy, Fidel! Tumigil ka nga! Nakakahiya 'yang ginagawa mo, eh!" saway ko sa kaniya habang palinga-linga ako sa paligid. Mabuti na lang talaga at abala ang mga bata sa pagkain.

"Hindi ko lang talaga maitago ang saya ko," tuwang-tuwang saad niya sa akin. Namumula na rin ang mukha nito. "I just can't believe na tayo na. Thank you!" Bigla niya akong niyakap. "Thank you, Klay. Thank you."

Hindi ko maintindihan kung bakit siya nagpapasalamat. Ngunit, ang makita siyang ganito kasaya ay sapat nang rason para magdiwang ang puso ko.

"Fidel, baka makita tayo ng mga bata. Nakakahiya," bulong ko sa kaniya dahil sa tagal ng pagkakayakap niya sa akin.

"Sorry." Natatawa siyang humiwalay sa akin. Sandali niyang sinulyapan ang mga bata at hinawakan ang isang kamay ko. Akala ko kung anong gagawin niya nang bigla niya akong hilahin papasok sa isang pinto at isinara iyon. He suddenly pinned me against the wall and our faces were just inches apart.

"F-Fidel," kinakabahang usal ko.

"Ngayon, wala ng mga bata. Puwede ko na bang gawin ang gusto ko?" My heart jumped into the huskiness of his voice. "You're now mine, aren't you?"

My heart rate is higher than normal. Tila ba nakikipag-unahan ito sa bilis. He really has no idea how often he makes me feel this way. He's making me damn crazy!

"Y-Yes. I'm now yours, Mr. Fidel Alexander Tan," sagot ko habang nilalabanan ang mga mata niyang nakikipagtitigan sa akin. Pakiramdam ko hinihigop ako ng mga titig niya.

Hanggang sa... naramdaman kong lumapat ang mga labi niya sa mga labi ko. It was just a smack kiss. But I felt some voltage flow over my system. Bumaba ang tingin niya sa mga labi ko, gano'n din ako sa mga labi niya. Nakaramdam ako ng pagnanais na muling masakop ang mga iyon. Kaya naman inunahan ko na siya at hinalikan.

He immediately responded as I felt his hand around my waist. He pulled me closer to him and my hands moved their way to his nape. We've been kissed for how many times before, but this feels so good. I couldn't explain why, but this one... is different from the past. Aggressive, full of longing, yet feels so hot.

I felt a burning sensation when I felt his tongue inside my mouth. Dahil sa mainit na halik na aming pinagsasaluhan, hindi ko man lang namalayan na nabuhat na pala niya ako paupo sa isang mesa. Mas lalo pa akong kumapit sa batok niya nang maramdaman ko ang kamay niyang naglandas papasok sa loob ng damit ko.

Subalit, pareho kaming natigilan nang makarinig kami ng kaluskos mula sa pinto. May kutob akong may taong papasok kaya mabilis kong itinulak si Fidel palayo sa akin at bumaba sa mesang kinauupuan ko. Sakto namang pagbukas ng pinto at bumungad samin ang isang madre.

"Oh? Xander, narito lang pala kayo?"

"Y-Yeah, Sister Lydia," utal na tugon ni Fidel.

"Anong ginagawa niyo rito?" tanong nito sa amin dahilan upang magkatinginan kami ni Fidel. Ngunit, mabilis din akong umiwas at ibinalik ang paningin ko sa madre.

My Red Flag EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon