CHAPTER 68

925 38 5
                                    

KLAY

Iginala ko ang mga mata ko sa paligid habang hinahanap sila. Nasaan na naman kaya sila? Sana naman nandito pa sila. Medyo matagal-tagal ko na rin silang hindi napupuntahan, baka isipin nilang nakalimutan ko na sila. Huwag naman sana.

Bago ako ihatid ni Fidel sa bahay, naisip ko munang puntahan sina Sasha. Naisip ko lang kasi na naipakilala ko na sa kanila sina Ken at Zach. At ngayon si Fidel naman ang dinala ko. Malamang, magtatanong na naman sila kung sino ang kasama ko at kung boyfriend ko ba. Pero at least, ngayon ay hindi lang basta kaibigan ang isasagot ko, kundi manliligaw ko na.

Walang imik si Fidel na nakasunod lang sa akin na siyang may dala ng mga pagkain at mga damit na pinamili ko para kina Shasha which is siya rin naman ang gumastos.

Mayamaya pa ay nakarinig ako ng mga boses at natanaw ko sila sa hindi kalayuan. "Sasha! Ayan! Gio! Gia!" nakangiti kong tawag sa kanila.

Naagaw ko ang atensiyon nila at bakas ang saya at gulat sa mga mukha nila no'ng makita nila ako. "Ate Klay!"

Patakbo silang lumapit sa akin at niyakap ako sa bewang ko kaya isa-isa ko silang hinawakan sa ulo at ginulo ang mga buhok nila.

"Kumusta kayo? Naku, sorry. Ang tagal ko na kayong hindi napupuntahan. Namimiss ko na kayo."

"Namiss ka na rin po namin, Ate Klay. Palagi ka nga po namin hinihintay e," sagot ni Gio.

"Pasensiya na talaga. Daming ganap ng Ate Klay ninyo, e. Pero may dala ako para sa inyo. Kumain na ba kayo?"

"Hindi pa nga po ate e," sagot naman ni Ayan na humawak pa sa tiyan niya kaya bahagya akong naawa.

"Sakto, may dala akong mga pagkain at mga damit para sa inyo," nakangiti kong ani sa kanila.

"Yeheeeyy!" hiyaw nila nang magtatalon sila sa tuwa at excitement. Nakakatuwa talaga sila.

"Huh? Kuya Pogi?" biglang sambit ni Gio habang nakatingin sa likuran ko kaya napakunot ang noo ko.

Kuya Pogi?

"Kuya Pogi?!" mangha rin na sambit nina Sasha, Gia, at Ayan. At sabay-sabay na tumakpo papunta sa likuran ko.

"Kuya Pogi! Ikaw nga!"

Lumingon ako sa likuran ko at namutawi sa akin ang pagtataka nang makitang nakalingkis na sila ngayon kay Fidel. Kung gano'n si Fidel pala ang tinutukoy nila.

"Kumusta kayo?" naaaliw na tanong sa kanila ni Fidel at tulad no'ng ginawa ko sa kanila kanina ay isa-isa niya ring ginulo ang mga buhok nito.

Teka...

Namilog ang mga mata ko nang may mapagtanto.

Ibig sabihin... Si Fidel?! Siya ba 'yong Kuya Pogi na tinutukoy nila noon na nagbibigay rin sa kanila ng pagkain?!

"Ate Klay, bakit kasama mo po si Kuya Pogi? Magkakilala po ba kayo?" tanong ni Sasha kaya nabaling sa kaniya ang tingin ko.

"Yes. Manliligaw ako ng Ate Klay ninyo," biglang sagot ni Fidel na ngumiti pa sa akin.

"Ayieeeeeee!" panunukso ng mga bata sa amin habang tumatawa pa kaya medyo nahiya rin ako.

Alam kong naisip kong ipapakilala ko sa kanila si Fidel bilang isang manliligaw ko. Ngunit, hindi ko inasahan na mangyayari 'to.

"Ahm, mga bata. Pasensiya na kayo, ha? Kailangan na rin kasi namin talagang umuwi, e. Ito oh, kunin ninyo." Ibinigay ko sa kanila 'yong mga paper bags na naglalaman ng mga pagkain at damit na siyang bitbit ni Fidel.

"Thank you, Ate Klay!"

"Hayaan ninyo, dadalawin ko ulit kayo next time. Okay?" Nginitian ko sila at masaya silang nagpunta sa gilid habang dala 'yong mga ibinigay namin.

My Red Flag EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon