CHAPTER 10

1.8K 42 0
                                    

KLAY

Matapos ang ilang klase namin ay napagpasiyahan naming magtungo sa canteen. Ewan ko ba, nakakagutom talagang mag-aral. Habang naglalakad kami ay siyempre may kasamang kuwentuhan at tawanan. Ganyan kaming tatlo palagi.

Hindi pa man kami nakakapasok sa loob ng canteen ay napansin na namin ang mga matang nakatitig sa amin na nagmumula sa mga estudyanteng makakakita sa amin.

Pagpasok namin sa entrance ay agad na napuno ng bulungan ang paligid. Lahat rin ay napalingon sa amin. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad para maghanap ng bakanteng puwesto at hindi alintana ang mga matang nakapukol sa amin. Pero dahil sa curiosity ay pasimple kong pinagmasdan ang ilan sa kanila. May ilang masasama ang tingin, may ilan naman na parang malungkot at iba pang reaksiyon na ang hirap basahin.

"Anong meron?" clueless kong tanong pagkaupo namin sa bakanteng table.

"Well, probably the event yesterday was spread already," sagot ni Jaina na parang wala lang sa kaniya ang mga nangyayari.

"Tama. Mukhang 'yon nga ang dahilan. Hindi na nakapagtataka, basta tungkol sa BVP ng PU, asahan mo nang mabilis mong malalaman," naiiling na turan naman ni Kelly.

Hays, kaya naman pala. 'Yong tungkol naman pala kahapon ang dahilan. Pakiramdam ko tuloy ngayon may krimen akong ginawa at inaakusahan ako ng mga tao sa paligid ko sa pamamagitan ng mga tingin nila.

"Anyway, ako na lang ang bibili ng pagkain natin. Don't worry, treat ko," prisinta ni Jaina.

"Whoa! Thank you, Jaina! You're such an angel!" Kelly exclaimed. Thankful ako kay Jaina, dahil nababawasan ang mga gastos namin ni Kelly. Sa amin kasing tatlo, siya itong mayaman. Pero hindi namin siya kinaibigan dahil do'n.

"Wala namang special sa kanila."

"They looked cheap."

"You're right. Baka naman fake news 'yong kumakalat."

"Still, I hate them."

Nagkatinginan kami ni Kelly nang marinig namin ang bulungan ng mga estudyanteng nakaupo malapit lang sa puwesto namin.

"Akala mo naman kung sinong makapagsalita," iritableng bulong ni Kelly.

Napabuntong-hininga na lamang ako at hindi na pinansin ang nasa paligid namin. Wala akong pakialam sa kanila, wala naman akong ginagawang masama.

"What the heck!"

Naagaw ang atensiyon ng marami—kasama kami ni Kelly dahil sa malakas na sigaw na 'yon. Napatingin kami sa bandang counter kung saan may isang babae ang nakatalikod. Katulad noon ay nakilala ko agad kung sino ang babaeng iyon.

Talaga bang ginawa niya nang hobby ang pangbu-bully?

"Si Jaina!" nanlalaking matang sambit ni Kelly kaya naman muli kong ibinaling ang tingin ko sa babaeng nakatalikod.

Biglang tumakbo si Kelly papunta ro'n kaya naman dagli akong sumunod. Naabutan namin si Jaina na tumatayo mula sa sahig.

"Ano ba?! Hindi ka ba talaga titigil?! Bakit ba si Jaina na lang palagi ang pinagdidiskitahan mo?!" sigaw ni Kelly nang harapin niya si Hannah. Sa hitsura niya ngayon, mukhang ubos na ang pasensiya niya sa babaeng kaharap niya.

"Oh, another trash showed up," maarteng tugon ni Hannah at napansin ko ang pagkuyom ng mga kamao ni Kelly.

Bago pa man siya may magawa ay inawat ko na siya. "Kelly, tama na."

Bumaling naman ang ulo ni Hannah sa akin. "It's you again." Ngumisi ito at tuluyang humarap sa akin. "Akala mo ba nakalimutan ko na 'yong ginawa mong pagsampal sa 'kin noon? Huh, you stupid—"

My Red Flag EnemyWhere stories live. Discover now