CHAPTER 16

1.6K 52 8
                                    

KLAY

Naiilang at nahihiya. Ganyan na ganyan ang nararamdaman ko ngayon habang naglalakad. Naiilang ako sa mga titig ng mga estudyanteng nadadaanan namin. Ayokong salubungin ang mga mata nila dahil pakiramdam ko ay kakainin nila ako ng buhay, kaya naman pilit ko na lamang iyon iniiwasan sa pamamagitan ng pagyuko. Nahihiya ako dahil hindi ko alam kung deserve ba naming makasabay ngayon sa paglalakad ang limang lalaking ito.

Matapos naming kumain kanina ay nagpaalam na kami nina Jaina pero bigla namang nag-alok si Ken na ihahatid nila kami sa building namin. Siyempre todo tanggi ako pero ang dalawa kong kaibigan ay sumang-ayon kaya wala na akong nagawa pa kahit na ayaw ko. Malamang ay pag-tsi-tsismisan na naman kami nito, hays. Sinulyapan ko sina Jaina at Kelly at mukhang wala lang sa kanila ang nangyayari ngayon. Parang hindi nila alintana ang mga matang nakatitig sa amin ngayon bagkus ay enjoy na enjoy pa sila. Mukhang ako lang yata ang apektado.

Binagalan ko ang lakad ko nang sa gayo'n ay mahuli ako. Nauuna na ngayon sina Jaina, Kelly, Ken, Fritz, Ivan, habang nahuhuli naman sina Zach at si.... walang iba kundi si Fidel.

Kanina ang akala namin ay talagang umalis na siya dahil bigla siyang nag-walk out. Ngunit, laking gulat namin nang paglabas namin ng cafeteria ay nakita namin siyang nakasandal sa pader na animo'y may hinihintay. Nagsungit pa ito sa amin na ang tagal daw naming lumabas. Sino ba naman kasi ang nagsabi sa kaniya na maghintay siya? Tsk.

Napailing-iling na lamang habang nakatitig ako ngayon sa likod niya. Nasa likuran niya ako kaya naman likod niya lang ang nakikita ko. Ayaw ko kasing tumingin sa paligid dahil alam kong wala akong ibang makikita kundi ang mga nanggagalaiting mukha ng mga estudyanteng naiinggit sa amin ngayon. Kaya naman diretso lang ang tingin ko. Kaya lang, maling desisyon yata ang pagpapahuli ko sa likuran ni Fidel nang biglang...

"Ouch!" Napahawak ako sa ilong ko nang biglang bumangga ang mukha ko sa likod niya. Bigla na lamang kasi siyang huminto!

Dahan-dahan naman itong lumingon sa akin at tinaasan ako ng isang kilay. "Tss... stupid," bulong nito at nagpatuloy na sa paglalakad.

Nakakainis! Ang akala ko pa naman magso-sorry siya! Kahit kailan hindi talaga niya alam ang salitang 'gentleman'!

Dahil sa inis ay binilisan ko ang lakad ko at sumabay kina Jaina. Mukhang hindi naman nila napansin ang presensiya ko kaya hinayaan ko na lamang sila. Hanggang sa nakarating na kami sa tapat ng building namin.

"Thank you pala sa paghatid. Sa uulitin hehe," parang batang sambit ni Kelly. Siguro kung hindi ko siya kilala at hindi ako sanay sa kaniya baka nainis na ako sa pagpa-pabebe niya ngayon.

"Thank you," ani Jaina.

"You're welcome," nakangiting tugon ni Fritz at biglang dumapo ang mga tingin nito sa akin. "Klay..." banggit niya sa pangalan ko.

"Yes?"

"Can I borrow your phone?"

Biglang kumunot ang noo ko. Ano raw? Gusto niyang hiramin ang phone ko? Pero bakit?

"Ahh... oo, sige." Nag-aalangan man ay pinahiram ko sa kaniya ang cellphone ko. Nakangiti niya naman itong tinanggap. Dahil sa curiosity kung anong gagawin niya sa cellphone ko ay talagang hindi ko inaalis ang tingin ko ro'n.

"Sorry nga pala hindi ako nakapag-reply kanina. Here." Ibinalik niya sa akin ang phone ko at kinuha ko naman 'yon. Chineck ko ang cellphone ko kung anong ginawa niya at nakita kong sinave niya lang ang number niya sa contacts ko.

Ngunit, natigilan ako nang ma-realize ko ang sinabi niya. "Ikaw 'yong nag-text sa akin kanina?" tanong ko.

"Y-Yes. Hindi ko na nagawang ipakilala pa ang sarili ko dahil bigla na lang na-lowbat ang phone ko. S-Sorry," sagot niya na humawak pa sa batok niya.

My Red Flag EnemyWhere stories live. Discover now