The Law of Love (completed)

By sugarandalmonds

4.7M 128K 8.6K

(please read Blame me once first) Story of Ren Martinez Romualdez, ang makulit, madaldal at tinik sa sikmura... More

The Law of Love (completed)
TLL 1:
TLL 2:
TLL 3:
TLL 4:
TLL 5:
TLL 6:
TLL 7:
TLL 8
TLL 9:
TLL 10:
TLL 11:
TLL 12:
TLL 13:
TLL 14:
TLL 15:
TLL 16:
TLL 17:
TLL 18:
TLL 19:
TLL 20:
TLL 21:
TLL 22:
TLL 23:
TLL 24:
TLL 25:
TLL 26:
TLL 27:
TLL 28:
TLL 29:
TLL 30:
TLL 31:
TLL 32:
TLL 33:
TLL 34:
TLL 35:
TLL 36:
TLL 37:
TLL 38:
TLL 39:
TLL 40:
TLL 41:
TLL 42:
TLL 43:
TLL 44:
TLL 45:
TLL 46:
TLL 47:
TLL 48:
TLL 49:
TLL 50:
TLL 51:
TLL 52: Season 2
TLL 53:
TLL 54:
TLL 55:
TLL 56:
TLL 57:
TLL 58:
TLL 59:
TLL 60:
TLL 61:
TLL 62:
TLL 63:
TLL 64:
TLL 65:
TLL 66:
TLL 67:
TLL 68:
TLL 69:
TLL 70:
TLL 71:
TLL 72:
TLL 73:
TLL 74:
TLL 75:
TLL 76:
TLL 77:
TLL 78:
TLL 79:
TLL 80:
EPILOGUE
TLL SC 1: triple tumble trouble
TLL SC 2: triple rumble blissful
TLL SC 3: triple blather bother
TLL SC 4: triple adorable blackmailers

SIMULA :TLL

135K 2.4K 168
By sugarandalmonds

ANG STORY NI KULIT!

SIMULA:

"Wag mo akong pandilatan ng mata, hindi kita tatabihan!" una ni Josh kay Ren, agad kasi nitong hinarang ang bag nito sa silya na katabi nito."Mas gusto ko doon oh, maraming chicks!" turo nito sa upuan sa likod kung saan nakaupo ang isa pa nilang kaibigan na si Dexter, pinalilibutan din ito ng mga babae.

Wala siyang oras sa mga ganoon, isa lang naman kasi ang babaeng gusto niyang kalandian simula noong 12 years old siya, si Eunice. Nakakalungkot lamang hindi ito nagpapalandi sa kanya, lahat na lang ng pagpapansin ginawa niya na , pero sa huli, si Khalil na nerd ang sinagot nito.

"Tsk, kunwari hindi type pero nirereserba naman ng upuan," narinig niya pang bulong nito, hindi nya na lang yun pinansin, hindi naman kasi yun totoo, labong magustuhan niya si Darnang Flat na mukhang pera,nagkataon lang na partner sila sa subject na ito kaya dapat lang magkatabi sila kung hindi sana umupo ito sa tabi niya noong first day ng klase. Tsk.

"Nagbibingibingihan.."pahabol ni Josh, nasa likod nya pa rin pala ito, nakakainis lang, binalingan niya ito at binato ng kanyang bag na sinalo naman.

"Lumandi ka na doon, stop bothering me, narinig kita at walang katotohan ang sinasabi mo, masarap lang asarin si Darnang flat , gusto mo ikaw ang asarin ko? " natawa naman ito sa sinabi niya..

"wag na , sige diyan ka na sa Darna mo, Manawa ka sa kaasar sa kanya, para sa huli , madevelop na kayo, wag na ako ang asarin mo baka sa akin ka madevelop, kadiri!" pang-aasar nito na pinipilantik pa ang mga daliri, naririnig man ng ibang kaklase sanay na ang mga ito , ang mga babae naman sa tabi ay kinikilig pa.

Kung hindi pa dumating ang kanilang prof, hindi pa titigil si Josh. Ren look at his watch, 10 minutes had pass, saka siya bumilang ng sampu.

As usual si Darnang Flat late na naman ng 10 minutes sa kanilang Philippine Government subject, bumilang siya ng sampu, alam niyang humahangos na ito.

10

9

8

7

6

5

4

3

2

1.

"Good afternoon ma'am, I'm sorry I'm late," nakangiting bati ng babaeng bagong dating, nakaponytail at t-shirt ito na may cartoon character na nakaprint. May earphone din ito na pink na nakasabit lang sa leeg.

"As usual, you're MWF class won't be complete kapag hindi ka malalate sa subject ko," pagsusungit na teacher na sinagot lang nito ng peace sign. Occupied na ang lahat ng upuuan, napasimangot ito ng makita na sa tabi lang ni Ren walang nakaupo.

As usual.

"Palit tayo ng upuan, dito ka, dyan ako," agad na sabi nito pagka-upo na pagkaupo.

"ayoko nga." Masungit na sabi ni Ren.

"Hay, arte, okey pakisaksak nalang."

"sasaksakin kita?"

"Engot lang? sakal gusto mo?" iniaabot nito ang charger nito kay Ren , local phone lang yun, unlike yung kanya..tinitigan niya lang itong inaabot nito, labo nya yung kunin.

"magnanakaw ka na naman ng kuryente sa school?" sagot ni Ren dito na tinaasan naman nito ng kilay.

"wala ka na bang ibang linya kung hindi iyan? Noong una ganyan din ang sinabi mo, hanggang ngayon ba? Nagbabayad ako ng tuition sa school, kaya dapat lang na manghingi ako ng kaonting kuryente para sa cellphone ko no,"

"diba sabi mo iskolar ka? eh di wala kang bayad, kaming mayayaman ang nagpapaaral sayo," sagot ni Ren dito.

"yabang mo! Nagbabayad pa rin ako ng miscellaneous fee no!" pagtataray nito, hindi talaga patatalo.

"For me it's pagnanakaw,"

"For me its pagnanakaw," she mimicked his words, na sa halip ikainis ni Ren mas lalo niya pang gustong asarin ito. Ito lang kasi yung babeng sumasagot sa kanya sa school, marami kasing nagpapansin sa kanya, pero isa lang naman ang nakikita ng kanyang mga mata. He's into flings, pero alam niya kung sino lang ang gusto niya, kahit binigo siya nito, kahit paulit-ulit siyang sinasaktan ng babaeng yun.

"tabi na nga lang," nagulat siya ng yumuko ito at pinilit inabot ang saksakan na nasa gilid nya, nanlaki ang mga mata ng mga kaklase na nakatingin, buti na lang nakaharap ang prof sa board, narinig niya ang pagsipol ni Josh sa likod na ikinainis ng prof kaya humarap, buti na lang nayari na ang baliw na kaklase sa ginagawa.

"Pahirap ka talaga sa buhay ng mahihirap na," reklamo nito habang inaayos ang phone na nagchacharge.

"Darnang Flat," tawag ni Ren dito matapos ang sandaling katahimikan.

"Don't call me that, hindi nga kasi ako Flat," inis na sabi nito na hindi tumitingin sa kanya. Napatawa na lang si Ren, hindi niya maintindihan kung bakit natutuwa siyang asarin ito, may ugali kasi ito na katulad ni Ran na kahit hindi nya aminin palagay ang loob nya.

He remembered how he started calling her Darnang Flat,

"What's your name?"

"bakit?"

"para maireport ko yung pagnanakaw mo ng kuryente ng school,"

"ako si Darna, Busy ako palagi, kaya wag mo akong kausapin. " sagot nito na hilaw ang ngiting bumaling sa kanya.

Ang sungit!

"I believe si Darna malaki ang hinaharap bakit sa iyo flat? Hindi ka ba nag vitamins noong bata ka?" nagulat na lang si Ren ng hampasin siya ng librong hawak nito sa ulo. Ang kapal pa naman noon, naalog ang utak nya sa lakas .

"What's that for?" galit na sabi niya dito.

"May lamok ka sa ulo, pinatay ko lang," ngumiti ito ng nakakaloko sa kanya.

"Pero Flat nga talaga," iniharang na ni Ren ang kamay nya sa ulo, hahampasin kasi siya muli nito..

"May lamok ulit, ayaw mong patayin ko?"

"Sige pag ako ang napatay mo, lagot ka sa parents ko, mahal na mahal ako noon," sa pagkakasabi niya noon nagbago ang mood nito at hindi na siya pinansin hanggang sa matapos ang klase.

Napapansin niya rin na pagnatapos ang klase nagmamadali itong lumabas, natuklasan niya dahil pala ito sa gwapong prof daw na katabi ng room nila.

"Yung project natin," sabi ni Ren dito na binubunot agad ang nakasaksak na charger.

"Next week na busy pa ako, saka busy ka rin diba," sabi nito. Isang subject lang ang klase niya sa babaeng ito, hindi naman siya nag-aalala na hindi matatapos yun, kayang kaya nya naman yun, kaya lang team effort dapat yun.

"Ano uunahin mo yung pagsilay mo kaysa sa project natin?" pang iinis ni Ren dito."Hindi ka magugustuhan ni prof., flat ka nga kasi," nagulat na lang siya ng sinipa nito ang tuhod nya bago nagtatakbo sa pinto.

"Aray! Baliw na babae bumalik ka nga dito!"

"May langaw sa tuhod mo sinipa ko lang!" sagot nito bago nagtatakbo, hinabol niya ito sa pinto habang iika-ika, kausap na nito ang professor na lalake sa di kalayuan, tatawa tawa naman ang kanyang dalawang kaibigan sa likuran.

"Shut up, di nyo man lang ako ipinagtanggol," reklamo niya sa mga ito..

"Bakit ka namin ipagtatanggol, we are enjoying the show," si Josh na iniabot ang bag nya...

"Bumabalik ka sa dating ikaw, yung makulit na kaibigan namin kapag kausap mo siya," komento ni Dexter na nagpatahimik sa kanya.

Makulit. Ganoon nga siya dati, ganoon pala siya kapag kasama niya si Candice. Hindi nya alam.

"Pero bakit sa halos kapangalan pa niya? Eunice at Candice, Si Nice at si Dice..." tama si Josh magkarhyme nga..

"Ehem, alis na kami," nagpatinuna na ang dalawa.

Mga siraulo, iniwan ako!

"Ren," di niya inaasahan na nasa likod niya na si Eunice, napakaganda nito sa suot na uniform, blouse at skirt, para sa mga Fine Arts student ng kanilang university.

For the first time pinuntahan siya nito sa kanilang building. For the first time binisita siya nito, for the first time ito ang unang nakipag-usap sa kanya sa labas ng kanilang bahay.

"Can we talk," pakiusap nito... medyo na blangko siya at muling tinignan si Candice, aka Darnang Flat na nagpapacute sa kanilang binatang professor sa tapat ng faculty.

For the first time, parang gusto niyang tanggihan si Eunice at hablutin si Candice para parusahang gumawa ng kanilang project sa ayaw at sa gusto nito.

Bakit sa unang pagkakataon , nahihirapan siyang magdesisyon?

..................

all rights reserved 2014

@sugarandalmonds

Continue Reading

You'll Also Like

Broken Arrow By Cher

General Fiction

3M 114K 23
Si Mia Cara ang pinakaimportanteng kayamanan ni Mariah Rojas. Lahat ay kaya niyang gawin para sa kanyang anak. She is ready to endure pain just to ma...
30.6K 1K 10
Victoria Jule Crivelli is at the top of her game. Everything is going according to her plan. But somehow, she feels like her life is dull. Like somet...
636K 10.9K 38
Alina Scott met Travis Morgan, son of her mother's rapist. © 2014 SilentInspired All Rights Reserved
1.6M 19.5K 57
Si Ivan James Scoth... The number one multi billioner in the world... Owner of different companies all over the world. He's successful in life, Hav...