The Law of Love (completed)

Galing kay sugarandalmonds

4.7M 128K 8.6K

(please read Blame me once first) Story of Ren Martinez Romualdez, ang makulit, madaldal at tinik sa sikmura... Higit pa

The Law of Love (completed)
SIMULA :TLL
TLL 1:
TLL 2:
TLL 3:
TLL 4:
TLL 5:
TLL 6:
TLL 7:
TLL 8
TLL 9:
TLL 10:
TLL 11:
TLL 12:
TLL 13:
TLL 14:
TLL 15:
TLL 16:
TLL 17:
TLL 18:
TLL 19:
TLL 20:
TLL 21:
TLL 22:
TLL 23:
TLL 24:
TLL 25:
TLL 26:
TLL 27:
TLL 28:
TLL 29:
TLL 30:
TLL 31:
TLL 33:
TLL 34:
TLL 35:
TLL 36:
TLL 37:
TLL 38:
TLL 39:
TLL 40:
TLL 41:
TLL 42:
TLL 43:
TLL 44:
TLL 45:
TLL 46:
TLL 47:
TLL 48:
TLL 49:
TLL 50:
TLL 51:
TLL 52: Season 2
TLL 53:
TLL 54:
TLL 55:
TLL 56:
TLL 57:
TLL 58:
TLL 59:
TLL 60:
TLL 61:
TLL 62:
TLL 63:
TLL 64:
TLL 65:
TLL 66:
TLL 67:
TLL 68:
TLL 69:
TLL 70:
TLL 71:
TLL 72:
TLL 73:
TLL 74:
TLL 75:
TLL 76:
TLL 77:
TLL 78:
TLL 79:
TLL 80:
EPILOGUE
TLL SC 1: triple tumble trouble
TLL SC 2: triple rumble blissful
TLL SC 3: triple blather bother
TLL SC 4: triple adorable blackmailers

TLL 32:

51.8K 1.4K 107
Galing kay sugarandalmonds

#unedited

...

32.

Saturday. Sarap ng tulog ni Ren, katext niya si Candice kagabi at talagang nag enjoy siya sa pangungulit dito, kahit short replies lang ang binibigay nito. Nagpaalam na lang ito na maglalaba daw, naawa naman siya at the same time bumibilib sa kasipagan nito. Ang alam niya ulila na si Candice at sa ate niya nakatira, maybe that's why ahe carries a strong personality. Hindi niya maiwasan na makita ang honey niya dito, noong mga panahon na silang tatlo lamang ang magkakasama. Yun din ang nakikita niyang dahilan kung bakit espesyal ang tingin niya dito.

Palakad siya sa hallway ng makita ang tatlong kapatid na nakatingin sa baba, pawang gulantang ang mga ito, lumapit siya para maki usyoso. Inakbayan niya si Ran, tumingin naman ito sa kanya.

"What did you do this time?" Akusa nito, naguguluhan siya dahil wala naman siyang ginawa maliban sa pakikipag text kay Candice.

"Wala ah, I'm innocent," nakita niya din ang paglingon ng dalawang kapatid na lalaki na parehas masama ang tingin."Hoy, ano ba kau?!"

"Let's how innocent are you?" Tinuro ni Ran ang baba, kung saan may mga lalaking nagpapasok ng mga bulaklak...puro fresh lahat, nasa timba pa nga ang iba...parang walang katapusan.

"The maid said na two trucks daw yan, galing kay dad." Si Rojan na naiiling iling.

"Now tell me, what made you provoke him this time?" Naka arko ang kilay nito.

Siya naman ay napanganga habang napahimas sa batok.

"I just gave honey some flowers," na para sana kay Candice. Inosenteng sabi niya dito...pero alam naman niya na may halo ng pang-iinis yung kagabi.

Napapapalatak na lamang si Ran.

"You and dad, when will you ever stop your petty jealousy over mom?" Naiinis ito.

"I'm just being sweet." Pagtatanggol niya sa sarili.

"So much for being sweet ans ao.much for having a childish dad. You know he will never forget how you almost ruin his forever." At umalis na ito kasama ng kanyang kapatid pababa.

Humalik sila sa pisngi ng kanilang kinikilig na ina, siya ang huling humalik at yumakap sa kanan nito. Si Rojan kasi ay nasa kabila at nakayakap sa beywang.

"Honey are we going to sell flowers now?" Inosenteng wika nito. Patuloy pa rin kasi ang pagpasok.

Nakarinig sila ng pagtikhim sa kanilang likod. Bumitaw na siya sa ina kahit hindi lumilingon, maging si Rojan ay bumitiw na rin para maki-usyoso sa mga nagbubuhat. Yumakap ito sa likod ng kanilang ina.

"Thank you for these...kahit malalanta lang naman ang mga ito, but i really love it!" Puri ng kanyang mommy, siya naman ay nakahalukipkip sa gilid.

"Well of course, I'm the one who love you the most." He sense bitterness in that voice. Naramdaman niya ang pagsiko ni Ran sa kanyang gilid.

"Is it better kung sa condo muna ako uuwi?" Tanong niya sa kakambal.

"I think that's an excellent idea. Leave before he forget that you are his son."

Hay.

...

"Tita Dice, kailan mo ako tuturuan mag bike?" Kinukulit siya ni Justin, nasa labas sila, nagbabike sina Bea at Britney.

"Kapag strong ka na, kaya dapat pagaling ka." Hindi katulad ng mga kapatid, may asthma ito, kaya naman limitado ito sa mga laro, bawal ang masyadong nakakapagod.

"Lagi mo naman sinasabi yan." Nakalabi ito, nagtatampo na. Hinawakan niya sa magkabilang pisngi nito saka pinanggilan. Tumawa naman ito. Sabado ngayon, wala ang parents ng mga ito kaya siya ang bantay.

"Tita."

"Cute cute talaga ng baby!" Napangiti na rin niya ito.Sabay nilang pinanood ang dalawang babae na tawa ng tawa, isa lamang ang bike at naghihiraman naman ang mga ito. Yun nga lang medyo di makausad kasi may kabigatan ang mga pamangkin niyang babae. Masigla kasi kumain, siksik, liglig kumabaga.

Nang mapagod ang mga ito ay naupo sila sa tapat ng bahay. Pinunasan niya ang mga likod ng mga ito, binigayan niya rin ng tubig na dala nila sa labas. Mahirap na kasi magpapasok pasok.

"Tita gusto kong pizza?" Umaandar na naman si Bea, pwede naman silang mag order. Sige na nga, sumahod naman siya, order na lamang siya ng pizza ,tutal parang gusto niya na rin kumain.

"Okey, pizza tayo!" Tumayo ng mga motor na huminto sa kanilang harapan. Delivery man ng isang sikat na pizza parlor.

Tignan mo ng naman mas natatakam tuloy silang apat.

" Candice Calatrava po maam?" Tanong nito.

"Yes,"

"Pakipirmahan, delivery po." Binuksan nito ang box at kinuha ang tatlong malalaking box ng pizza, nakanga nga ang kanyang mga pamangkin.

"Nag magic ka tita?" Si Justin

"Sorry sir, hindi ako nag order."

"Order po ito para sa inyo," nakangiti na ito at umalis. Pumasok naman sila sa loob, excited ang tatlo, tig iisang binuksan, iba iba ang flavor. Siya naman ay lutang pa rin.

Pumunta siya sa kwarto para makuha ang kanyang phone. Napangiti siya ng makita ang isang pangalan na nandoon.

10miscalls.

23 messages.

Grave. Isang tao lang galing. Hindi niya muna binasa ang mga mensahe, nag compose agad siya ng message.

Candice:

Salamat sa pizza.

Nagreply naman ito kaagad.

Ren:

Welcome :) Nagustuhan mo?

Candice:

Yep :) ang galing mo gusto ko ngang kumain ng pizza lalo ng mga pamangkin ko.

Ren:

Tlga? That's nice to hear...puso ko sana ipapadala ko, kaya lang baka mabigla ka, kaya pizza na lamang muna...:)

Hindi niya na mapigilan ang ngisi, pagkabasa ng huling mensahe. Hindi tuloy siya agad nakareply kaya naman nagtext agad ito.

Ren:

Can i call? Nakakainip mag -isa dito, pinalayas ako sa amin :(

Naguguluhan siya, sinilip niy ang kusina kung saan busy ang tatlo sa pagkain. Hindi naman siguro masama.

Candice:

Cge.

Ilang segundo lamang ay nagring na ito.

"Hello,"

"Na miss ko agad boses mo." Nararamdaman niyang nakangisi ito sa kabilang linya. She tried not to giggle. Ang landi talaga ng kausap.

" pinalayas ka sa inyo?" Curious niyang tanong. May ginawa ba itong maganda.

"Not actually, ikaw kasi di mo tinanggap yung bulaklak kahapon." Nagtataka siya kung ano ang kinalaman noon sa issue.

"Why? Sabi ko ayaw ko ng flowers diba? Anong nangyari?"

"Pag uwi ko, binigay ko yung flowers kay honey, dad got mad because of that, kailangan ko munang lumayo sa kanya ng ilang dipa."

"What?" Di niya alam kung matatawa o ano sa sinabi nito. Para kasing ewan lang, pero seryoso ito sa pagkakasabi.

"Seryoso ka?" Pag uulit niya dahil hindi talaga siya kumbinsido.

"Yup believe it or not, my father have this little grudge againts me." Tumawa na lamang siya dahil tumawa na rin ito.

"Nakakagaling yung tawa mo, nawawala ang lungkot ko."

"Siraulo." Huli na dahil nasabi niya na ang nasa isip niya. Nagsasalitang kanto na naman siya, pero tumawa lang din ang nasa kabila.

"Pati yang , pagmumura mo nagugustuhan ko rin, sabi ko naman maaddict ako sa'yo. Ikaw eh, sana dati po, sana dati tayo." Napapailing na lamang siya. She wish that he is real. Kakaibang warmth ang nararamdaman niya kapag kausap o katext ito. Lalo na kapag magkalapit sila. Sa sobrang kakaiba nakakatakot mapalapit. Nakakatrauma kasi na ang mga mahal niya sa buhay ay iniiwan din siya a huli.

" but thank you talaga Ren." Bumunting hininga ito sa kabilang linya.

"If you're really thankful, puntahan at samahan mo ako dito."

"That can't walang kasama mga pamangkin ko." That's one reason. Isa pa, nakakatakot na sila lang sa isang bahay, tiyak na wala si Ran. Nakakatakot na nasa paligid ito.

Nakakatakot ang karisma nito na konting konti na lang hindi niya na matatanggihan.

"Ok lang, but if you change your mind , my offer still stand." Saka ito nag paalam.

Siguro naman mapipigilan niya ito sa kung ano, nasa tao rin naman yun. Pero hindi rin naman siya makakaalis walang bantay sa tatlo.

"Mommy!Daddy!" Narinig niyang sigaw ng mga bata sa labas. Dumating na ang mga parents nito na akala niya maghapon wala.

Now?What to do?

...

Tbc










Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

1.9M 24.4K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
503K 20.8K 21
"Fear the cold and crave the burn." - Pinterest ZETA WEIBLICH COMMUNITY SERIES: a series collaboration of Frappauchino and YGDara. ZWCS#9: Playing wi...
310K 16.8K 29
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.