The Law of Love (completed)

By sugarandalmonds

4.7M 128K 8.6K

(please read Blame me once first) Story of Ren Martinez Romualdez, ang makulit, madaldal at tinik sa sikmura... More

The Law of Love (completed)
SIMULA :TLL
TLL 1:
TLL 2:
TLL 3:
TLL 4:
TLL 5:
TLL 6:
TLL 7:
TLL 8
TLL 9:
TLL 10:
TLL 11:
TLL 12:
TLL 13:
TLL 14:
TLL 15:
TLL 16:
TLL 17:
TLL 18:
TLL 19:
TLL 20:
TLL 21:
TLL 22:
TLL 23:
TLL 24:
TLL 25:
TLL 26:
TLL 27:
TLL 28:
TLL 30:
TLL 31:
TLL 32:
TLL 33:
TLL 34:
TLL 35:
TLL 36:
TLL 37:
TLL 38:
TLL 39:
TLL 40:
TLL 41:
TLL 42:
TLL 43:
TLL 44:
TLL 45:
TLL 46:
TLL 47:
TLL 48:
TLL 49:
TLL 50:
TLL 51:
TLL 52: Season 2
TLL 53:
TLL 54:
TLL 55:
TLL 56:
TLL 57:
TLL 58:
TLL 59:
TLL 60:
TLL 61:
TLL 62:
TLL 63:
TLL 64:
TLL 65:
TLL 66:
TLL 67:
TLL 68:
TLL 69:
TLL 70:
TLL 71:
TLL 72:
TLL 73:
TLL 74:
TLL 75:
TLL 76:
TLL 77:
TLL 78:
TLL 79:
TLL 80:
EPILOGUE
TLL SC 1: triple tumble trouble
TLL SC 2: triple rumble blissful
TLL SC 3: triple blather bother
TLL SC 4: triple adorable blackmailers

TLL 29:

53.3K 1.5K 96
By sugarandalmonds

Kapag pinaghalo....

#unedited

...

29.

Hiyang hiya si Candice lalo na't nasasabon siya ng inis at tukso mula kay Jose, walang banlawan,parang kanina lamang namutla ito dahil napagbantaan. Agad nitong naibalita ang masamang tsismis sa girlfriend nito, dinaig pa siya.

Kaya naman nakahanda na ang mga pang-aasar ni Michelle pagkapasok niya sa trabaho. Hindi siya pakakawalan nito hangga't hindi daw siya nagkukwento.

Kilig na kilig naman ang bruha kahiy wala pa man, nalimutan yata na minsan inayakan niya yung lalaki na yun.

"So ibig sabihin, talagang nahintay siya. Imagine that, hinintay ka ng isang Ren Romualdez?! IKAW NA!"

"Hinaan mo nga boses mo." Saway niya dito habang tinatakpan ang bibig. Tapos na ang kanilanh duty kaya naupo muna sila sa sulok.

" Ang cute kasi, noong nalaman niya na nakipagdate ka sa mabait na si Topher eh bigla lumitaw siya ulit para magparamdam! Hindi siya nagparamdam before kasi wala naman umaaligid sayo, pero ngayon na nakita niyang meron, minamarkahan ka na niya  bilang kanyang teritoryo. Hala ka!" Dagdag pananakot nito. Kinikilabutan na nga siya eh, mas lumalala kasi sa dating Ren, kung noon pag nakikipagtalo siya dito ay gumaganti lang ito... ngayon yung mga ganti nito may halong, malisya.

Kaya hangga't maari, iiwasan niya ito. Hindi talaga niya ma-take, ayaw niyang maging talk of the campus sa kanya last sem.

" Uwi na ko," sinuot niya ang kanyang salamin, sumasakit na ang ulo niya sa kaiisip. Buti at wala ito, bumalik ito kanina para kuhanin ang kanyang number...nag text ito na may gagawin daw. Hindi naman siya nagreply dahil wala siyang load, Free FB nga lamang ang ginagamit niya. Tumawag ito nang hindi siya sumagot sa text.

"Bakit di ka nagrereply?"

"Wala kong load." Matabang niyang sagot.

"Ah..."Namatay naman agad ang linya. Maya maya may nag text sa kanya, may load na dumating. Tiyak na niya na galing dito.

"Yan, meron ka ng load pang one month, call and text, kaya makakareply ka na," sabi nito matapos niyang sagutin ang tawag.

Ngayon obligado pa siyang magreply, kaya naman bago matulog, nakikipagtext siya dito, kung hindi daw siya magrereply ay tatawag ito. Hindi pwede, nasa tabi niya sina Bea at Britney na marami ng tinatanong na mga bagay bagay. Minsan nga kinukuha nito ang cellphone niya para daw i check kung may boyfriend siya na nagtetext.

Ngayon hindi niya na pwedeng iwan ang phone o ipahiram ng basta basta.

Ren:

Fav color?

Candice:

Black

Ren:

Tlga? Baka biro lng?
Fav. Movie?

Candice:

Jerry Maguire

Ren:

Bakit yun?

Candice:

Gwapo si Tom Cruise

Ren:

Tss, labo talaga mata mo. Di hamak mas gwapo ko dun.Tanda na yun eh...

Candice.

:(

Ren:

Hahaha, galit ka na niyan?
Fav. Flower?

Candice:

Ano to slam book?

Ren:

Hahaha. Hindi ,text book-let :)

Candice:

Corny :(

Ren:

Hindi na..fav. flower mo nga kasi.

Candice:

Wala. Ayoko ng bulaklak, wag mo ko bibigyan lagot ka sa akin!

Ren:

Hindi.

Candice:

Antok na ko.

Ren:

Cge.cge. tulog ka na.
Dream of me. Good night :)

Hindi na siya nagreply matapos noon. Ibinaba niya na ang phone sa table. Naisip niya na burahin ang mga menshe, pero hindi naman niya magawang pindutin ang delete icon.

Ito na nga ba ang sinasabi niya eh. Idinidikta ng isip niya na ayaw, pero iba ang sinisigaw ng puso niya. Lalo pa at kanina sinabi nito na nanliligaw talaga ito sa kanya.

Nalintikan na talaga.

...

Mabilis siyang umalis para sa kanyang OJT, ilang oras na lamang at matatapos na iyon. Buti talaga at mabait ang boss nila dahil kahit ilang oras lamang siyang pumasok ay okey lang. Mababait ang nasa Agustine law firm, dito niya talaga pinilit pumasok, kukuha din siya ng Law kahit anong mangyari kaya mas maganda kung maaga pa lamang ay namumulat na siya dito.

Nagpaalam na siya dahil may klase pa siya, kaya lamang paglabas niya ay nakareceive siya ng GM na wala daw klase due to some faculty meeting. She decided na siguro umuwi na lang para makatulog. May text din na galing kay Ren, hindi niya na na open dahil may tumawag sa kanya.

"Hi Candice!" Paglingon niya nakangiting si Topher ang lumapit sa kanya. Naka uniform ito at may dalang bag

"Hello," pumantay ito sa kanyang tabi.

"Papunta ka sa school? "

"Hindi, wala rin palang klase, baka uuwi na lang ako." Sagot niya dito. Pakiramdam niya kapag kausap niya ito , kailangan niyang magbehave at magpakabait. Nakakahiya kasi kung magiging brutal siya dito gayong kabaitan naman ang pinapakita nito sa kanya.

" Hatid na kita, dala ko yung kotse ko, nandoon naka park, may binili lang ako sa Pandayan," nakita niya ang hawak nito. Hinatid kasi siya nito sa bahay niya noong nakaraan. Napa enjoy siya sa pakikipag usap noon. Isang taon pa ito, dahil limang taon ang kurso ng mga ito.

"Naku wag na nakakahiya!" Tanggi niya dito.

Kapwa sila natigilan ng may magsalita sa kanilang harapan. Mayabang itong nakahalukipkip.

"Oo nga, nakakahiya nga naman. Nahihiya pa naman yan paminsan minsan. Kaya umalis ka na, magaling na lalaki." Seryoso ito at yun ang nakakatakot doon. Napalunuk si Candice.

"Okay, una na ko Candice. Ingat ka." Paalam nito.

" Bye, salamat." Nakalayo na ito pero , pero yung tingin ni Ren sa likod nito ay masama pa rin.

Napasinghap siya ng nakakunot noo itong bumaling sa kanya.

"Ingat?! Bakit mo kailangang mag-ingat ako ang kasama mo? Ako ang bahalang mag ingat sa'yo!"

"Friendly goodbye, di mo alam?"

"Tss." Hinawakan nito ang kanyang kamay, hindi na siya nagreklamo dahil...mukhang hindi maganda ang mood nito at masamang salubungin ang galit nito.

Nakita niya ang sasakyan nito na nakaparada sa di kalayuan. Pinagbuksan siya nito. Umikot ito papunta sa driver seat.

"Wala akong klase." Sabi niya dahil baka pumunta sila ng school , useless naman.

"Alam ko."

"Uuwi na ako." Sagot niya dito...amoy mabango ang kotse nito.Mabango na ito, perommas mabango ngayon.

"Alam ko, nagtext ako, di mo binasa." Matabang na sabi nito. Nilabas niya ang phone at meron nga, susunduin daw siya nito at may pupuntahan sila.

"Ngayon ko lang nabasa." Napahawak siya labi, dumating kasi si Topher.

"Tss," tumagilid ito. Mabango talaga. May kinuha ito sa likod, Boquet ng bulaklak at nilagay sa kanyang lap.

Nagulat siya doon.

"Ayaw ko ng bulaklak!" Reklamo niya. Minamanioba na nito ang sasakyan palabas ng kalsada. Bumaling ito at binawi ang bulaklak sa kanyang harapan saka tinapon sa likod.

"Alam ko ayaw mo, di ko naman bininigay ,pinapakita ko lang." Napanguso siya at lumingon sa backseat. Gayon na lang ang panlalaki ng mata niya ng makita niyang puno iyon ng mga bulaklak. Ibat-ibang klase, kaya pala iba ang bango, bakit ngayon niya lang napansin?

"Magbebenta ka ng bulaklak?" Komento niya, hind iyon nakakatawa dahil hindi ito tumawa.

"Tss.Hindi ko yan ibinibigay sa'yo, pinapakita ko lang." Lumingon ito habang nakaangat ang labi. Nakangiti na.

Pero, aksayado ito. Ano ang mangyayari pagkatapos? Sayang naman...porket mayaman.

"Alam mo nag aaksaya ka ng pera ng parents mo." Sermon niya dito.

"Hindi yan pera ng parents ko. Pera ko yan, pinagtatrabaho din ako ng daddy ko at sumusweldo ako, kaya pera ko yan," paliwanag na'to. Napanguso na lamang siya. Sige talo na siya. Napalingon pa rin siya sa likod. Ang ganda ng mga bulaklak. Kaya lang sayang dahil hindi niya pwedeng kunin. Kung bakit kasi sinabi niya na ayaw niya? Yan tuloy nakakahiyanh kumuha kahit isa.

Sayang talaga.

"San tayo pupunta?"

"In my place."  Huminto sila sa isang condo building, napakatayog at mayayaman naman lang ang nakatira dito. Pinagbuksan siya nito at hinawakan sa kamay.

Pilit niyang hinihila ang kamay niya pero ayaw nitong bitawan.

"Wag na kasing holding hands, hindi naman ako tanga para mawala pa dito." Reklamo niya. Nakakahiya kasi. Hindi siya kumportable. Nagpapawis pa ang kamay niya sa kaba. Sabihin pa  nito na maarte siya, kahit na.

"Wag ka ng tumakas, mainit pa ang ulo ko kaya, wag ka ng magreklamo." Sabi nito, sabay lalong higpit sa pagkakahawak sa kanya.

Bakit mainit ang ulo eh ang lamig naman ang aircon sa sasakyan nito.

Binati ito ng guard, nakita niya ang logo ng building. Pang mayaman talaga. Hawak siya nito hanggang sa elevator , sa pinaka taas sila nagpunta.

Nakanganga lamang siya dahil unang beses niyang pumasok sa ganito. Kaya lang, naklimutan niyang itanong kung ano ang gagawin nila dito.  Bago pa sila pumasok sa tapat  ng isang marangyang pinto, okupado nito ang buong floor.

Napahawak siya sa braso ni Ren para huminto ito.

"Sandali, uuwi na ako!" Nagpapanic na wika niya. Naku!Naku! Napanood niya na ito, kapag pumasok ang virgin na babae sa loob ng unit, lalabas siya ng building na hindi na virgin!

Jusko po! That can't be!

"Uuwi na ako!" Sigaw niya dito. Tinuktukan naman siya nito sa ulo.

"Wag ka ngang praning. Wala akong gagawing masama," nag sign of the cross na lamang siya. Pagkabukas ng pinto ng unit ay may lalaking sumalubong sa kanila. Nakangiti ito at labas an malalim na dimple.

"Hi!Beauty dito na si Bayaw." Sigaw nito sa nasa kusina. Nakahinga ng maluwag si Candice, buti may kasama sila. Nakatingin siya sa kwarto na tinawagan nito. Lumabas doon ang isang magandang babae, maputi na nakamahabang damit. May maliit pa itong korona na nakapatong sa ulo.

Kahit nakita niya na ito dati. Nakakastarstruck pa rin. Ang ganda kasi, super ganda ng kapatid ni Ren na si Ran. Yumakap ito sa lalaki. Nakangiti ito sa kanila pero present pa rin ang masungit na aura na lumalabas dito.

"You really bring her," komento nito...nakaka  inggit sa ganda.

Naramdaman niya ang kamay ni Ren na nakaakbay sa kanya.

"Syempere, alangan naman na kayo lang ang masaya."

Masaya nga ang loko. Tumatawa na. Samantalang siya nahihiya, dahil sa mapanuksong tingin ng dalawa, si Ran at yung lalaki, nakilala bilang si Yuan.

...

Tbc



Continue Reading

You'll Also Like

193K 3.7K 21
Dice and Madisson
1.7M 49.1K 47
Barkada Babies Series #5 PUBLISHED UNDER PHR ❣ Price: 199php -- Lahat na ata ng klase ng pagmu-move on ay ginawa na ni Michelle. Umakyat sa bundok, n...
49.5K 3.2K 13
El Amor De Bustamante Book 4: WATER UNDER THE BRIDGE An anti-social strategy and planning director. A bright and sunny assistant. What does fate hav...