♡ 40 ♡

80 2 0
                                    

Lysa's PoV  
   
  
 
Nakaka-ilang araw na rin nang bumalik ako dito sa Pilipinas at ilang araw na ring mailap sa akin si Yuna.

I'm always trying to have a mere conversation with her but she's the one who's keeping a distance from me.

"Ang bilis ng araw, October 26 na agad ngayon." sabi ni Mabel habang binubuklat yung kalendaryo.

"Sembreak niyo na nga pala. Atleast makakasama ko na kayo dito ng matagal." sabi ko sa kanya.

Umupo si Mabel sa isang bakanteng upuan at nakita kong bitbit niya ang kanyang phone.

"It's been two months ago since they broke up. Parang kailan lang na masaya rin tayong lahat." ika niya.

"So... they broke up about a day before their monthsary?"

Malungkot na ngiti ang pinakawalan ni Mabel. Kahit ako ay nanghihinayang rin sa relasyon nila.

Kahit pa nauna kami ng ilang taon sa relationship, masasabi kong mas matibay ang kila Hazel at Ford.

But not now that their relationship was gone.

"Mabel, I will go back to States tomorrow." sabi ko sa kanya.

"Sure kana ba sa desisyon mo?"

"Oo. Kailangan ko ring makausap si Dennis. Ito na ang panahon para ayusin pa kung ano man ang meron sa amin dati."

"Kailan mo kakausapin si Yuna?"

"Siguro--"

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Mabel at nakita namin si Yuna na pumasok.

"Gun needs you in F.A. Kailangan mong pumunta doon mamaya." sabi niya habang nakatingin kay Mabel.

"Bakit daw?"

"He found something inside the school. Nahanap niya daw yung dati niyang hinahanap."

"Ok. Naintindihan ko. Patext na lang na pupuntahan ko siya ngayon din."

Nagpaalam na sa akin si Mabel at babalik siya ng F.A. ngayong oras. Pagkalabas niya ng kwarto, agad kong tinawag si Yuna na bababa na rin sa salas.

"Yuna, pwede ba tayong mag-usap?" tanong ko.

Ilang minutong katahimikan ang pumalibot sa akin bago siya sumagot.

"Huwag dito. Doon tayo sa garden."   
  
 
 
~~♡~~ 
 
 
 
Mabel's PoV 
 
 

"Anong meron? Bakit urgent ata ang pagpunta niyo dyan?"

Walang pasok ngayon sa F.A. kaya siguradong sarado ang school. Kausap ko si Gun sa cellphone habang nagdadrive. 
 
  
 
[I am only with Louie. Ikaw ang naisip kong pumunta dito dahil ikaw lang ang nakakaalam nito sa kanilang lahat.
 
 
 
He's with that guy again?! 
 
 
 
"Bakit siya ang kasama mo? Kailangan ba talaga siya ngayon?" 
  
 
 
[Huh? Di ba siya naman ang isa pang naghahandle ng plano?"
 
 
 
Right. Bigla ko lang nakalimutan na magkapatid sila. And Louie is also in charge of the plans.
 
 
 
"Papasok pa lang ako ng express way. After one hour baka nandyan na rin ako." 
  
Exactly about an hour and few minutes, nakarating na rin ako sa Free Academy. Hindi ko magawang iparada sa loob ng school ang sasakyan kaya iniwan ko lang ito sa gilid ng premises nila.

Pumasok ako sa loob ng F.A. gamit ang back entrance gate at nakita ko sila Louie at Gun na nakatayo sa tabi ng fountain.

"I'm here." sabi ko.

Loving YouTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang