♡ 6 ♡

53 3 0
                                    

Shamy's PoV   
   
    
    
Since the day I become one of the members of this club, pakiramdam ko ay mistulang may mahika akong tinataglay.

Hindi ko alam kung yung mga salita kong binibitawan ay didibdibin nila. Kalimitan sa counseling ay prangka ako. Ayoko kasing nakakakita ng drama. Malas lang nila kapag nasaktan sa mga advices ko.

I'm always ready to receive violent reactions mula sa mga bumisita, bumibisita at bibisita dito sa booth namin. But all my expectations only stayed in my dreams.

About 70 percent, nakatulong ako sa mga taong broken-hearted dulot ng mga ka-ek-ekang advices ko.

The rest were silent. Ok lang kung hindi sila sumunod sa mga advices ko. I'm not a God who knows what's the real right and wrong.

And I'm thankful na marami akong natulungan.

Today, right after my class in Chemistry, nagpaparty si Pres sa booth dahil marami na ang mga supporters ng club namin.

I don't know if I'm only dreaming or not. Umakyat sa top most popular ang Counseling Club namin. At oras-oras, may nagpapacounsel dito sa booth.

Sarado ngayon ang booth dahil nga may party. Kumpleto kaming limang miyembro dito at inimbitahan ko rin sila Gun, Hazel at Allen. Kaso wala pa yung mokong. Sila Gun, Herza at Hazel ang mga outsiders na ka-jamming namin ngayon.

"Whohooo! PAAARRTYYYY!" sigaw ni Herza na hindi nagpapatalo sa speaker.

"Hoy Herza! Lasing ka na!" awat ko sa kanya na sumasayaw-sayaw kasabay ang loud music.

"H-Hindi pa. *hik*" Tsk. Hindi pa daw. Bangag na nga eh.

Sinenyasan ko si Gun na alalayan ang girlfriend niya bago pa ito magwala ng todo. Graduate na ako sa pag-awat d'yan tuwing lasing. At graduate na rin ako sa pagiging bangag kapag nakainom rin.

Napansin ko si Hazel na nanonood lang sa amin at nakaupo sa lounge habang may bitbit na... ano 'yon? Alak rin ba?

"Hazel! Maki-party ka rin!" yaya ko sa kanya.

Nagthumbs up siya sa akin at nanood ulit sa mga nagwawala kong ibang clubmates.

"Ano 'yan?" nilapitan ko si Hazel at tinabihan sa lounge. Ayoko namang pabayaan 'tong mag-isa. Ako pa naman ang nagyaya sa kanya dito.

"Iced tea."

"T-ice?"

"Gaga. Binaliktad mo naman sinabi ko eh."

"Hindi ka ba umiinom?"

Umiling ito at ngumiti. Ok. Mukhang pure dalagang pilipina talaga ang isang 'to ah.

"Ah, ok." ang nasabi ko na lamang.

"Nakakatuwa yung mga clubmates mo." sabi niya habang natatawa sa mga clubmates kong mukhang mga bulate na nabuhusan ng isang baldeng asin.

She's laughing but deep inside, ramdam kong may problema siya. I don't know kung job ko rin bilang kaibigan ang makialam sa mga personal problems niya.

Nasesense ko kasing parang hindi normal na tahimik ito at palangiti. My mind keeps saying that there's something wrong deep inside of her. Her true self is too faraway from what we usually see. Ikinukulong niya ang kanyang sarili sa isang hawla.

Things that were caged could also be freed even the hardest chain has tied them up.

And I remember the word beast.

Hazel was not a beast. She's like an angel.

A pure-hearted angel but I could sense some darkness keeps following her.

Loving YouWhere stories live. Discover now