Special Chapter 2

67 1 0
                                    

Acey's PoV  
  
 
 
I am alone at the hallway while waiting for someone to get out from the E.R.

Ako na lang ang natitirang tao na dapat hindi mawala sa tabi ng lahat.

Oo. Ako na ang laging nahuhuli. Ako ang laging naiiwang mag-isa. Buhay ko kasi 'to dati. Ang gustong-gusto na mapag-isa.

Pero sa kabila ng lahat na mga nangyari sa buhay ko, heto ako ngayon at handang sabihin ang sarili kong kwento.

Isinara ko ang dalang libro dahil hindi naman ako ganung kahilig sa pagbabasa. Kailangan ko kasi itong basahin para bigyang gabay ang taong nasa likod ng pintong nakaharap sa akin.

Bumuntong hininga ako at mahigpit na hinawakan ang rosary na nasa kabilang kamay.

"Sana maging mabuti ang kalagayan ni Patch." dasal ko.

Napalingon ako sa gilid nang maaninag ang isang pigura ng tao na nakatayo malapit sa akin.

"Kanina ka pa nagdadasal d'yan. Magiging maayos rin si Patch. Sus, sa tapang ba naman ng kaibigan natin, nag-aalala ka pa?" biro ni Kean para mawala ang kaba na nararamdaman ko.

Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay kong may nakasabit na rosary.

"Natatakot lang ako dahil baka katulad rin siya ni Hazel."

Noong nanganak kasi si Hazel, halos isang buwan siyang nasa ospital. Nahirapan kasi siyang manganak noon dahil na rin siguro sa naging sanhi ng kondisyon niya.

"Wala namang sakit si Hazel pero bakit nahirapan pa rin siyang manganak?" tanong ko.

"Hindi ko alam kung bakit ganun yung nangyari. Baka mahina lang ang loob ni Hazel noon o sadyang hindi niya ganung kaya ang manganak pa. Alam mo kasi si SG, payat pa rin. Pwedeng ayun ang naging dahilan, di ba?"

Ewan. Hindi ko rin alam. Mukhang ang hirap pala talagang magdalang tao.

Matapos ang ilang minuto, lumabas ang doktora kasama si Terrence.

"Anong balita?" tanong ni Kean kay Terrence.

"Kamag-anak rin ba kayo ng pasyente?" tanong naman ng doktora.

Umiling ako. "Mga kaibigan niya po kami."

"Kung gayon, sasabihin ko pa rin ang naging kondisyon ng kaibigan niyo. Walang naging problema mula sa panganganak niya. Sige, papasok ulit ako sa kwarto. Mr. de la Verde. Once again, congrats sa'yo."

Nang mawala ang doktora, nakita naming nakangiti si Terrence kaya hindi ko maiwasang gumaya sa kanya.

"Girl or Boy?"

"Secret."

"Huh? Ba't secret?"

"Mamaya niyo na lang alamin."

Psh. Kahit kailan talaga ang lalaking 'to.

Matapos ang ilang oras, nailipat na si Patch ng private room pero natutulog pa rin siya mula kanina. Sa ngayon ay naiinip na akong malaman kung ano ba talaga ang anak nila. Babae ba o lalaki.

"Ayaw pa kasing sabihin eh." bulong ko habang masama ang tingin sa direksyon ni Terrence.

"O, baka matunaw 'yan. Melted pops ang maging resulta." biro ni Kean na katabi ko ngayon sa mahabang lounge.

"Ayaw pa kasing sabihin. Gusto pang magsurprise."

"Iba talaga kapag magiging ninang. Mas excited sa magulang."

Loving YouWhere stories live. Discover now