♡ 68 ♡

43 1 0
                                    

Mabel's PoV  
   
   
  
"Mabel."

Natutulog ako sa tabi ng bintana habang ginigising ako ni Celestial. Ano ba 'yan, kakaidlip ko lang sabay umurong agad ang antok ko.

"Bakit Zack?" medyo naiirita kong sabi sa kanya.

"Akin na yung inilagay ko sa bag mong liniment. Kailangan daw ni Acey kasi kanina pang nahihilo si Hazel."

Inabot ko sa kanya yung white flower sa bag at pumikit. Gusto kong bumalik sa pagtulog. Ilang araw na akong puyat kaya kailangan kong bumawi ngayon.

"Kailan pa naging mahiluhin si Hazel sa byahe?" rinig kong tanong ni Celestial.

"Matagal na. Simula pa ata noong bata siya, ganyan na 'yan at laging may motion sickness. Nahihilo siya malimit sa van, bus or mismong sa ordinaryong kotse. Dahil airplane ito, sure nang mahihilo nga siya ng todo." paliwanag ko.

"Ah, kaya pala. Ang hirap naman ng kalagayan niya."

Hindi ko alam kung ano ang pakiramdam kapag nahihilo ka sa byahe. Masasabi kong hindi siya mahirap dahil no experience ako dito. Pero kapag kasi nakikita ko si Hazel, sobrang putla niya. Siguro at mahirap nga ang sakit na 'yon.

Dahil naririnig kong nag-iingay pa si Acey sa likod, nagmulat akong muli ng mata at inabot yung water jug kong may lemon sa loob.

"Acey, painumin mo rin ito sa kanya kapag kakain siya. Lemon will help her to prevent nausea. Effective 'yan kesa dun sa mga candies na kinakain niya."

Nagpasalamat sa akin si Acey at tinanggap yung water jug. Bago ako umupo ng ayos, inabot niya naman sa akin yung mga candy.

"Hehehe. Eto gusto ko kapag nasa byahe."

Feeling ko tuloy may fieldtrip kami. Kaso ang sosyal naman kung field trip 'to. Destination ay from Philippines to Seoul huh? Astig lang kung ganon.

"Baka mamaya ikaw magsuka dyan dahil sa candy." sabi ni Celetial.

"Hindi ah. Wala akong motion sickness."

Kumuha rin siya ng candy matapos kong alukin. Siya ang katabi ko sa airplane dahil pinagtabi-tabi ng couple ang mga love birds. Since siya ang boyfriend ko, siya ang dapat kong makatabi.

Nandito rin si Luke dahil in the first place naman ay kasama talaga siya papuntang Seoul. Actually, si Celestine lang ang hindi nakakaalam tungkol dito.

I am happy for the two. Atleast kahit papaano ay naging maayos na muli silang dalawa. Akala ko nga at hindi na magkakabalikan sila Luke at Celestine. Sayang naman kung hindi dahil matagal ng nagbago si Luke eh. Nagstay lang siya sa Singapore ng mahabang taon kaya matagal-matagal bago nalaman ni Celestine ang lahat.

Sa katapat namin sa kanan nakaupo sila Patricia at Terrence. Wala naman kaming problema tungkol sa relationship nila. Basta ang alam namin, maayos silang dalawa kahit parang aso't pusa pa rin kung maglambingan.

As for the two singles on my back, ok rin naman silang dalawa.

Humahanap pa rin kami ng paraan para malaman kung saan muli nagtatago si Kean. We have a guess that he is still staying in Cavite. Pero parang mali eh. Pakiramdam namin ay nasa ibang lugar ito.

At tungkol naman kay Hazel, I know that someday she would be happy once again.

Parang ang bilis namang ipaalam sa amin ni Gun ang tungkol kay Ford. Ano bang meron at nagtatago siya? Don't tell me...

...may panibago ulit na plano ang lalaking 'yon?

Fine. Kung para naman ito sa ikaaayos ng lahat... at mas lalo na sa ikasasaya ng kaibigan namin... hindi kami hahadlang sa mga plano niya.

Loving YouWhere stories live. Discover now