♡ 11 ♡

64 2 0
                                    

Shamy's PoV   
  
  
  
Ayokong umattend ng party. Bukod sa hindi ako bagay sa ganung pangsosyal na event, ayokong makita silang lahat.

Hindi naman ako makatanggi sa best friend ko dahil siya ang gumastos ng susuotin ko para sa party. Hindi ko kasi ugaling mang-iwan ng kaibigan sa ere kaya wala akong magagawa kundi umattend kasama sila.

"Beshie! Look oh! Ang gorgeous mo na!"

I nodded on what she said. Iniligpit niya ang ilang kolorete sa ibabaw ng dresser bago tanggalin ang suot kong polo shirt.

"Taaadaaah! Oh ha? Dahil sa taglay na galing ko sa make over, mas lalo kang gumanda. Not only that, bagay rin ang suot mong dress sa cosmetics na inapply ko!"

"Thanks for this." sabi ko at ngumiti ng mapait.

Kinuha niya ang isang black na mask at inabot sa akin. Mayroon itong glitters at sequens na silver and blue. Mas lalo pa itong naging maganda dahil sa black, white at blue na feathers.

Ang theme ng party ay winter. Yah, same color like the invitation I received few days ago.

Hindi ko nga lang akalaing pupunta ako sa party niya.

After an hour, dumating sa bahay ni Herza si Gun para sunduin kami.

"Akala ko ba kasama si Hazel? Bakit hindi pa rin dumadating?" agad kong tanong pagkapasok ng sasakyan.

Sa rearview mirror ako tiningnan ni Herza. Nasa tabi siya ni Gun kaya mag-isa lang ako sa back seat.

"Nako beshie, hindi daw siya sasabay sa atin. Gustong dalhin ang kotse. Alam mo na, sosyal."

Inirapan ko si Herza dahil sa kanyang sinabi. Ano namang problema ni Hazel at hindi pa sumabay sa amin?

Ayokong maging third wheel dito. Ma-o-O-P na ako, lalanggamin pa dahil sa kasama kong over sa sweetness.

Sana may kasama pa kaming isa dito.

Kung pwede lang si Allen...

Si Allen...

Bakit sumagi sa isip ko ang lalaking 'yon? Dahil ba ito sa ilang araw na kaming hindi nagkikita?

Kamusta na kaya 'yon? Nakakapagtaka at hindi na kami ulit nakakapag-usap sa isa't-isa.

Tahimik lang ang sasakyan habang nagmamaneho si Gun. Minsan, nag-uusap ang dalawa sa unahan. Pero ang madalas kong nakikita, tikom ang bibig naming lahat.

Himala at hindi sila maingay.

Mabilis lang ang biyahe dahil medyo malapit ang hotel kung saan gaganapin ang debut party.

Pagkatapat sa hotel, may valet na lumapit sa sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto. Pagkalabas ng kotse, tumingala ako para pagmasdan ang hotel na nasa aking harapan.

Ofcoure, pamilyar ako dito. It's a nostalgic place. And I hate it so much.

Bumaba na rin ng sasakyan si Gun at pinagbuksan ng pinto ang best friend ko.

"Oh wow! Nandito ulit tayo sa Royaux Hotel! How nostalgic!"

I told you.

"Beshie, oh my God! Nakakamiss ang JS Prom natin."

"Hindi ko namimiss."

"Awww. Si Shamy talaga."

Matapos maibigay ni Gun ang susi sa valet, iniabot niya sa amin ang mga masquerade mask. Dapat na kasi itong isuot bago pa man makapasok ng lobby.

Loving YouWhere stories live. Discover now