♡ 15 ♡

56 2 0
                                    

~~♡~~
Ang Kwento ng Barkada
~~♡~~



"Guys! Food trip tayo!"

Ang dalawang salita na sumisimbolo sa pagkakaibigan namin. Food Trip. Bakit hindi na lang ito ang pangalan ng barkada?

Sa pagkain nagsimula ang lahat. Sa isang tambayan nabuo ang pagkakaibigan. Pinatatag ng maikling panahon ang pagsasamahan.

Pero may isa pang tanong na bumabagabag sa isipan ko. Paano nga ba nagsimula ang salitang barkada?

Una, hindi ko rin alam. Mag-isa lang ako noon. Kung sinu-sino lang ang mga nagiging kasama ko. Walang permanenteng grupo. Wala ring nagiging problema.

Nang dahil sa isang pagkakataon, hindi ko alam na mapapalapit ako sa kanila.

Mula pa noon, iniisip ko kung bakit mahalaga sa atin ang magkaroon ng kaibigan?

There are too much dramas in peers. Magkakaiba kayo ng gusto. May mga sariling perception sa buhay. Nagkakaroon minsan ng kontrahan.

Pero dahil sa salitang pagkakaibigan, pinagsama ang iba't-ibang tao. Binigyan nito ng kulay ang buhay nila.

Wala nang mas hihigit pa sa pagkakaroon ng mga kaibigan. Magkasing halaga ito gaya ng salitang pagmamahal.

Ang mga kaibigan kong hindi kapalit-palit, ang mga memorya na kahit kailanman ay walang makakakuha. Naging matibay ang isang pagkakaibigan dahil sa isang pagmamahal na walang wakas.

Paano nga ba nagsimula ang kwento? Sino-sino ba ang nasa loob ng grupo?

Kailan ba talaga ito nagsimula?



Dito... Dito ang totoong pinagmulan ng barkada. Sila... Sila ang sinasabi kong mga kaibigan.



May limang indibidwal na tao. Dalawang pares ang mga may matalik na kaibigan. Ang natira... palaging nag-iisa.

Nakakunot ang noo. Hindi papatalo sa klase. Matalino. At pagkain lang ang pinapahalagahan.

Gusto niya ring sumama sa ilang grupo. Hindi siya pihikan sa mga tao. Pero wala siyang magustuhan na mapagkakatiwalaan at masasamahan.

Palagi niyang minamasdan ang lugar kung nasaan man siya. Iba't-ibang ugali meron ang mga tao sa paligid. Nahihirapan siyang makita kung sino ang sinasabi nilang totoong kaibigan.



"Ok class, divide yourselves into 6 different groups. Ang bawat grupo ay dapat may limang myembro."



Kalimitan, guro ang responsable kung paano maihahati ang mga estudyante sa isang panggrupong proyekto. Sa unang pagkakataon, malaya na ang bawat isa na pumili ng kanilang gustong grupo.

Ano nga ba ang gagawin niya? Paano siya pipili ng sariling grupo kung hindi naman siya malapit sa lahat ng mga kaklase niya?

Sabi ng isa, "Dalawa pa lang tayo, sinu-sino kaya ang gustong sumama sa atin?".

Wala na siyang mapagpipilian. Lima silang wala pang grupo. Kung kaya't lumapit ito sa kaninang naghahanap ng kagrupo.

"Tayo-tayo na lang ang bumuo ng grupo natin. Ikaw, pakilista ng lahat ng myembro."

Hindi siya marunong makipag-usap sa isang estranghero sa kanya. Maawtoridad lagi ang pananalita at kung minsan, mapapansin mong mataray ito sa lahat ng nakakausap niya.

Pinapanood niya ang kanyang bagong grupo. May tahimik, may maingay, may seryoso at may mabait.

Ito lamang ang isa sa mga bumabagabag sa kanyang isipan. Paano niya makakasundo ang iba't-ibang klase ng tao?

Dalawang linggo ang palugid para sa proyekto. Ano ang naging resulta ng unang araw nila?

Ito ang nangyari.



"No! Hindi ganyan ang maganda para sa project!-- Teka, hindi rin ganto ang makakapasa sa panlasa ni Ma'am-- Wait lang! Huwag mo munang simulan ang second step kung wala pa tayong first step dito sa project!"



Magulo. Hindi magkaintindihan. Laging may kontrahan. Ibang-iba ang mga opinyon mula sa mga kagrupo niya.

Natapos ang unang araw ng tahimik lang ang apat na myembro.

Umuwi siya sa bahay ng pagod na pagod at mukhang problemado. Unang araw pa lang, gusto na niyang sumuko. Paano pa sa mga susunod?

Kinalma niya ang kanyang sarili. Nagbasa ng libro at kumain. Ito ang mga gawain niya para malabanan ang inis.

Bago matapos ang kinakain, nakita niya ang proyekto na kung saan hindi pa masyadong nasisimulan.

Tinitigan niya ito sabay bumuntong-hininga. Naisip niyang ang sama niyang pinuno sa grupo. Nakaramdam siya ng awa sa apat dahil sa ginawa niyang pagsuway sa kanila.

Masunurin ang apat at hindi mo sila makikitaan ng problema kapag tumulong sa'yo. Hindi rin sila tamad at kusa silang kumikilos kapag sa gantong panggrupong proyekto.

Pangalawang araw sa pagtutulungan. Oo, nagtulungan sila. Kaso, walang kibuan sa isa't-isa. Mukha silang estranghero na pinagsama bilang isang grupo.

Hahayaan niya na lang ba na ganito sila hanggang matapos ang proyekto?

Nilakasan niya ang kanyang loob at sinabing, "Pagpasensyahan niyo na ako. Sadyang ganto lang ako umakto sa hindi ko kaclose."

Ngumiti ang apat sa kanya at kahit papaano, unti-unti ng nagsisimula ang isang pagkakaibigan.

Lumipas ang mga araw, nagbago ang trato nila sa isa't-isa. May itinatago palang kulit ang palangiti sa kanila. Laging laugh trip naman sa isa nilang kagrupo. Hindi lang poker face ang alam na gawin ng isa at masungit man yung natira, pero mabait naman ito.

Doon lang niya naramdaman ang kahalagahan ng salitang kaibigan.

Matapos ang proyekto nila, sila ng lima ang palaging magkakasama.

Start of friendship na ba?

Hindi pa d'yan nagtatapos ang kwento ng grupo nila.



P. ♡
07|09|12



~~♡~~

Loving YouWhere stories live. Discover now