♡ 28 ♡

53 2 0
                                    

Gun's PoV  
  
 
 
"Lovey doves, sigurado ka bang kailangan kong puntahan sila Lean ngayon?"

"Oo. Ibalita mo sa kanya yung nalaman ko."

"Sige."

Pagkaalis ni Herza, sakto namang dumating si Celestial na ikinangisi ko.

Why you know, may iba pa palang nakakaalam tungkol sa kapatid ko bukod sa aming lahat?

Sino ba ang taong ito at maraming alam sa nangyayari sa amin?

At isa pa, totoo ba yung narinig kong may gusto siya kay Mabel?

Napansin niya siguro ako kaya nagpaalam siya kay Mabel na aalis muna. At ito namang si Mabel, normal ang paglapit niya sa akin.

Anong meron?
   
"Hello Mabel."

Mukhang may hinahanap siya at panay ang tingin sa magkabilang side. Mas lalo itong lumapit sa akin sabay tiningnan ang likod ko.

"Bakit?" tanong ko sa kanya na titig na titig sa akin.

"Hindi mo ata kasama si Herza?"

"May klase siya ngayon."

''Huh? Imposible yung sinasabi mo Gun. Kanina ko lang kausap si Shamy sa club nila."

Doomed.

"Ok. Nagkamali lang ako ng sabi. NagCR lang siguro siya."

Tumango siya sa akin at hindi pa ata kuntento sa naging sagot ko.

"Nagtataka lang ako kasi parang ok kana sa kalagayan na 'yan. Buti at kaya mo na yung sarili mo kahit wala si Herza?"

"I'm older enough to take care of myself. Hindi ba pwedeng pagkatapos na mainjured, ok nang gumalaw ng ganto?"

I waved my hands to let her see that I'm already fine. But for safetiness, I act that I broke my bone.

"Masakit pa rin pala. Haha!"

"Yabang mo kasi. Ayan ang napapala ng nagmamayabang."

"Mas masakit pa ata yang sinabi mo ah."

"Hahaha. Just kidding! Peace tayo Gun!"

Weird.

Nagpatuloy sa pagsasalita si Mabel nang may mapansin akong tao na naglalakad papunta sa gilid ng cafeteria.

"Mabel, I'm sorry to interrupt our conversation. Pwedeng mag-usap na lang tayo sa susunod? Pasensya na kasi at may hinahanap akong tao."

Nalungkot si Mabel sa sinabi ko kaya tinapik ko siya sa balikat.

"Sige na nga. Atleast nakapag-usap ulit tayo kahit ilang minuto lang. Hehehe. Hanggang sa muling pagkikita, Gun!"

There's really something different on her. O baka naman kung anu-ano lang ang naiisip ko?

Fine. Nevermind.

Umalis na ako habang kumakaway pa siya sa akin. Binilisan ko yung paglalakad para maabutan ko pa ang tao na nakita ko kanina.

Sa ngayon, kakaunti lang ang tao sa gilid ng cafeteria kaya nasusundan ko siya.

Nakasuot ito ng black hoodie at kung hindi mo mapapansin, medyo kita ang suot niyang colored na t-shirt. Halatang hindi siya nakauniform dahil sa suot niya.

Nalagpasan na namin ang gilid ng cafeteria at napansin kong papunta kami sa likod ng main building.

Sa gulat ko sa pagharap niya, bigla akong napatalikod at sinubukang magpatay malisya.

Loving YouWhere stories live. Discover now