♡ 69 ♡

69 1 0
                                    

A/N: Two chapters before Epilogue :) Keep reading guys! Vote if deserve ng story. Comment kung may katanungan tungkol sa chapter or kahit sa ibang magulong part ng story. XD Anyways, here is the soundtrack for this chapter: Just Like You by Louis Tomlinson. Hanggang ngayon, directioner pa rin si Acey. Lol. Nakakamiss tuloy ang 1D. :(


~~♡~~

After two years...

Acey's PoV

"One... Two... Three... WAH!"

Everyone was busy for preparing our flight in Paris tomorrow. Lahat kasi kami ay magbabakasyon doon para naman maka-relax from work.

Dalawang taon na ang nakalipas matapos ang engagement party nila Jia at Gio. Dalawang taon na rin mula nang makauwi sila dito sa Philippines.

Ang bilis ng panahon, they already have their own child after getting married last year.

"Lysa naman! Huwag mong gulatin! Alam mong isang buwan pa lang 'to sabay gugulatin mo agad."

"Para matuto na siya magsmile, Yunabels. Kanina pa kasi namin inaabangan ni Aceybels ang smile niya eh."

Dinamay pa ako.

"Kapag ito umiyak, ikaw ang mag-aalaga dito."

Karga ni Yuna ang one month old baby nila Jia dahil umalis saglit ang couple para magmall. May bibilhin daw kasi silang gamit ng anak nila kaya naiwan ang bata sa amin.

Ako at si Lysa palang ang nandito kila Yuna. Dahil wala nang bahay si Lysa sa Pilipinas, kila Yuna siya laging nakikituloy kapag umuuwi.

"Akin na nga muna si baby Eunice."

Ibinigay ni Yuna si Eunice kay Lysa habang todo ang suporta nito sa ulo.

"Dahan-dahan ha. Malambot pa ulo niyan."

"Oo na po, ninang Yuna. Grabe maka-sermon sa akin eh. Alam ko naman po ang tamang paghawak sa batang sanggol."

"Tama 'yan."

Inakyat muna ni Lysa si Eunice sa guest room at naiwan kami ni Yuna dito sa salas.

"Tagal nila Patch. Sarap pagsaraduhan ng bahay." sabi ko habang nag-uunat ng mga kamay.

"Hindi kana nasanay sa kanya. Laging dalawang oras kung malate. Isa pa si Celestine, parehong-pareho sila ni Patch."

"Nakakatamad. Labas tayo ng bahay."

"Saan naman tayo pupunta? Pati hindi pwede, may inaalagaan ako."

Tumayo ako sa pagkakaupo at lumapit sa pintuan.

"Mag-iikot muna ako sa bayan. Pa-text na lang kung dumating na sila Patch."

Sinenyasan ako ni Yuna na pwedeng umalis kaya lumabas na ako ng bahay.

Wala akong dalang kotse dahil sabay-sabay kami sa van nila kuya Sep kapag papuntang airport.

Nagcommute na lang ako since sa bayan lang ang punta ko. Pati mura lang naman ang pamasahe since malapit lang ang pupuntahan ko.

Pagkalabas ko ng mansyon, bumungad sa akin ang mansyon nila Ford.

Sa sobrang kalumaan na nito, kita ko ang pagiging mala-haunted niya dahil sa napabayaan na ng tuluyan.

Sabi ni Gun dati, ipaparenovate niya daw yung mansyon ni Ford. Anong nangyari? Bakit lumang-luma pa rin ang itsura?

Pagkarating ko sa kanto, nag-aabang ako ng jeep nang makita si Hazel habang may dalang maleta.

Loving YouDonde viven las historias. Descúbrelo ahora