♡ 18 ♡

71 2 0
                                    

Shamy's PoV



Forever



This word sucks. Maraming tao ang naniniwala dito pero kahit kailanman ay hindi ito nag-exist sa ating mundo.

Forever means a thing would last for an eternity. Buhay nga ng tao maikli lang, yun pa kayang mga bagay dito na madaling agawin at nakawin?

Isa pa ang pag-ibig na 'yan. Tama naman yung iba na nagsasabing 'walang forever'. Let's think about it literally. We are all mortals who can only live in this world less than a hundred years.

Nothing lasts forever. This is only just a word. A word which could hurt and fool everyone.



Sa madaling salita. Paasa



Hazel is a strong girl. Kahit na ganun ang nangyari sa kanya, nakakaya pa ring maitago ang sakit na nararamdaman niya.

I wish I could be just like her.

Pareho kaming may nasirang barkada. Kaso nga lang, nabigo na ang puso niya sa pesteng salita na pag-ibig.

Ako kasi ay nagtatanga-tangahan pa rin sa salitang 'yon.

"You can cry infront of me but why did you keep holding your tears? I am your best friend, remember? I could be a shoulder that could lean on. I could be a tissue that could wipe your tears away. Para saan pa ang salitang kaibigan kung hindi mo kayang mag-open up sa akin?"

We're both smiling and at the same time, we're hurting inside.

"Hindi ko kasi alam kung bakit nakakaya nitong tiisin ang sakit." sabay turo niya sa kanyang dibdib.

"I understand."

And the second time around, parang nakaramdam ulit ako ng isang kaibigan na nang-iwan sa ere.

Why should I expect that Hazel will open up on me? Kababago lang naming magkaibigan, magagawa na ba niya agad magsabi sa akin ng mga problema niya?

Ang kapal rin ng mukha kong tawagin siyang best friend. May best friend siya before. At sure kong siya pa rin ang lamang kaysa sa akin.

Nararamdaman kong sumisikip ang dibdib ko dahil sa naisip. Ang sakit pala na hindi ka pinagkakatiwalaan ng kaibigan mo.

Alam ko namang mas mahalaga ang dating barkada sa kanya. Pinipilit ko pang ipagsiksikan ang sarili ko sa mga bago kaysa sa mga dati kong mga kaibigan na gustong ibalik ang lahat.

Bakit kaya ganun ang tao? Alam mo nang masasaktan ka pero ipagsisiksikan mo pa rin ang sarili mo sa nakakasakit sa'yo?

Makakamit ko ba ang kasiyahan kung sakaling ituring siyang best friend kahit na alam kong mas matimbang ang dati niyang barkada?

Magiging masaya ba kapag sumama ulit ako sa dating grupo?

Ayoko na ngang umulit ang lahat. Kaya nga ako umiiwas sa kanila dahil kapag nangyari ulit ang lahat sa nakaraan, naapektuhan ang nasa kasalukuyan.

Gaya ng ginawa ng sarili kong best friend. Akala ko ang bait niya. Akala ko isa siya sa mga taong hindi magpapakatanga sa pag-ibig.

Pero pare-pareho silang binilog ng iisang tao. Mas pinili nilang masira ang grupo namin kaysa iwasan ang pesteng tao na nanggulo sa barkada namin.

Naramdaman kong yumakap sa akin si Hazel. Saka ko lang nalaman na umiiyak na ulit ako ng iabot niya ang kanyang panyo sa akin.

"Sorry Shamy..."

"Si H-Hazel talaga! Ok lang rin ako 'no?! Hahaha! K-Kung ok ka, ok na rin a-ako!"

Pinipilit kong tumawa para mawala ang sakit na nararamdaman ko. Kaso walang epekto. Mas pahihirapan ka talaga ng mga pekeng bagay kaysa ibuhos mo ang iyong nararamdaman sa totoong buhay.

Loving YouWhere stories live. Discover now