♡ 9 ♡

71 3 0
                                    

Shamy's PoV  
  
  
  
"BESHIE, GISING NA!!!"

Napabalikwas ako sa kama nang may humampas sa balikat ko. Pagkatingin sa gilid, nakita kong tumatawa si Herza habang hawak pa ang tiyan.

"Ahahahahaha! LT ka na naman Shamy!"

"Ikaw babae ka! Bakit mo 'ko hinampas?!"

"Ang hirap mong gisingin ngayon eh. Lasing ka ba?"

"Hindi."

"Bakit parang puyat ka?"

Sinimulan ko nang tiklupin yung kumot na ginamit kanina sa pagtulog.

"Hindi ka na nasanay sa akin kapag puyat. Mahirap ako gisingin kapag ganun ah?"

"At anong reason ng pagpupuyat mo?"

Suddenly, naalala ko yung nangyari kagabi.

"Shamy? Yohoo!"

"Sa lobby mo na lang ako hintayin. Mag-aayos pa ako ng gamit."

"Ok."

After my daily routine, nadatnan kong kasama na ni Gun ang best friend ko sa lobby.

"Good morning."

"Same. Tsk."

"Hatid ko na kayo sa Engineering Building at baka malate pa."

Agad namang nagcling si Herza sa braso ni Gun kaya napairap na lang ako.

Habang naglalakad, palingun-lingon ako sa paligid dahil may hinahanap ako.  
       
     
      
Wala pa ata si Hazel.  
      
     
     
"Here we are! Thanks sa paghatid sa amin ni beshie, lovey doves. Mag-iingat ka ha?"

"Sige. Ikaw rin. Huwag pasaway. Pati Shamy..."

Tiningnan ko si Gun na tumawag sa pangalan ko.

"Pwede ba kaming tumambay dalawa mamaya sa booth?"

Nagwave lang ako ng kamay na ibig sabihin ay ok lang sa akin. Matapos ng sweet goodbyes nila, pumasok na ako ng classroom at sumunod naman sa akin si Herza.

"Sana walang pasok ngayon."

"Bakit naman? Hindi tayo ganung kabusy ngayon tapos saka ka nagdasal na sana walang pasok."

"Shamy, ano kasi... Ang lakas kaya ng ulan kagabi. At balita ko may bagyo daw."

"Oh, tapos?"

"Sana at magcut ng klase."

"Asa ka naman sa officers dito."

"Huwag na nga lang sana umulan mamayang uwian. Magiging basang-sisiw ulit tayo 'nan."

"No worries. May payong ako ngayon."

Matapos kong magsalita, pumasok si Hazel ng classroom at kinawayan ko.

"Morning." bati niya sa aming dalawa.

"Hello Hazel! Oh, bakit ang dami mong patak ng tubig sa uniform?" tanong ko.

"Naambon na kasi sa labas."

"Na-ano?"

"Umaabon. Babanat ka na naman, Shamy."

"Hahaha! Eto talaga si Nanana Girl."

"Ewan ko sa'yo." sabay tulak niya ng mahina sa akin.

Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon