♡ 16 ♡

56 2 0
                                    

~~♡ ~~
Ang Kwento ng Barkada
~~♡~~



Ang pagpapatuloy ng storyang walang hihigit pa sa iba. Ang storyang kagaya ng meron sa ilan, pero may espesyal itong taglay sa limang indibidwal na pinagbuklod bilang isang grupo.

Ano ang nangyari sa mga nakalipas na sandali matapos ang sinasabing panggrupong proyekto?

Naging masaya ba sila? O naging malungkot?

Walang nakakaalam. Dahil sa storya na ito, dito lang natin malalaman kung ano na ang mga sumunod na nangyari.

Sa kalagitnaan ng taon nila bilang mga estudyante sa mataas na paaralan, normal lang sa mga ito na sabihing mayroon silang kinikilalang barkada.

Ano ba ang ibig sabihin ng barkada?

Kung alam na natin ang salitang kaibigan, ano naman ang ipinupunto nito?

Madalas, tahimik ang isa sa kanila. Dati rati, ang matalik lang niyang kaibigan ang kaya niyang pakisamahan.

Mahiyain at sobrang bait na animo'y di makabasag pinggan.

Pero hindi lang pala ito ang taglay niyang ugali.

Napapansin ng pinuno ng kanilang grupo, may kabaligtaran siyang nakikita ditong katauhan.

Isang babae na matapang, may lakas na tinataglay at alam niya rin ang salitang pagtatanggol.

Sino nga ba ang taong ito na itinutukoy niya?

Bakit sa kanilang apat, siya ang mas napapansin nito?

Isa lang ang ibig sabihin 'nan.

Mayroong magaganap na konektado sa taong ito.

Kung meron man, makakaapekto ba ito sa sinasabi niyang barkada?



Food Trip

Food Trip

at Food Trip



Walang kasawa-sawa sa dalawang salitang ito. Tila busog na busog na ang kanilang tiyan sa pagkain, busog rin ang puso nila sa pagmamahal ng isa't-isa.

Hindi lamang sila ang magkakaibigan. Minsan may sumasama rin sa kanila.

Gaya na lang ng isang lalaking malapit sa masungit nilang kamyembro.

Pero hindi lamang ang tahimik ang napapansin ng pinuno ng grupo.

Kundi ito ring lalaki na 'to.

Sino nga ba siya bukod sa magkababata sila ng masungit na kamyembro?

Malalaman rin ito sa takdang panahon.

Walang araw na hindi sila naging masayang lima. Panay takot ang kanilang ginagawa sa isang myembro na sobrang positibo sa buhay.

Kahit na pagpatayan mo ng ilaw sa CR o pagtripan ng kung anu-ano, nakangiti pa rin ito.

Siya rin ay napapansin ng pinuno. Napag-isip-isip rin niyang baka siya ang pinakalakas ng kanilang grupo.

Samakatwid, ang kasiyahan ng barkada ay hindi lang nagtatapos dyan.

Dahil magsimula ng ikatlong antas nila sa mataas na paaralan, may dadating na mga tao na makakaapekto sa pagkakaibigan nila.

Unang araw ng pasukan, dahil ang tahimik na myembro ang hindi mo aakalaing mapapalapit sa isang lalaking baguhan sa kanilang paaralan, nagtaka ang pinuno ng grupo mula sa nangyaring ito.

Naisip niyang, "Itinadhana ba ang dalawang 'to? Unang araw pa lang, may nararamdaman na sa isa't-isa."

Magkaiba man ng nararamdaman ang dalawang pinagtagpo ng tadhana, isang bagay lang ang naging klaro ukol dito.

The girl hates the boy.

Pagkarating ng lalaking misteryoso sa grupo nila, nagsisulputan naman ang mga kasama nito.

Mga kaibigan na mas nakatulong sa pagpapasaya ng mga myembro sa grupo.

Bukod sa isa, na si pinuno ng grupo.

Hindi siya kailanman nainggit sa kanila na nakatagpo sila ng katapat.

Pero hindi niya maiwasang, may dadating pa ba para sa kanya?

Sa kalagitnan ng selebrayson ng kaarawan ng kanyang kaibigan, doon niya naramdaman sa isang lalaki ang salitang pagmamahal, kahit na nagkaroon ito ng kasalanan sa kanya.

Masaya naman ang pangatlong taon nila sa highschool. May kaunting pagsubok silang natanggap sa barkada. Bumalik man ang isang taong balak sumira sa grupo nila, kailanman ay hindi ito natinag.

Masaya magkaroon ng barkada. Hindi mo rin ito maipapaliwanag gamit ang mga salita dahil puso ang nakakaramdam, hindi ang bibig.

Kung nakakapagsalita man ito, tiyak ay madali nating maipapaliwanag ang ating nararamdaman.

Lumaki ang sinasabi nilang barkada. Mas lalo ring nadagdagan ang kanilang kasiyahan na nararamdaman sa loob ng grupo.

Naging walo sila sa loob ng pagkakaibigan. Idagdag mo pa ang lalaking misteryoso at mga kasama nito.

Kahit na ilan pa ata ang magtangkang sumira sa barkada nila, wala atang makakatalo sa kanilang pagkakaibigan.



P. ♡
04|04|14



~~♡~~

Loving YouWhere stories live. Discover now