♡ 20 ♡

55 2 0
                                    

Hazel's PoV  
  
   
  
Pagkabalik sa F.A., halos ilang araw na akong nag-iisang pumapasok at naglilibot sa paaralan.

Wala ang dati kong mga kasama. Kahit nakikita ko si Shamy, pilit niyang umiiwas sa akin sa hindi malamang dahilan.

Sa ngayon, mag-isa akong nasa canteen habang hinihintay ang susunod na klase.   
    
 
 
To:
It's been awhile. Kamusta kana? Mag-isa nga lang ako sa canteen ngayon. Hindi ko kasama yung bago kong mga kaibigan. Ikaw ba, kamusta na|--  
  
  
  
I quickly deleted the draft text I made. Hindi ko kayang isend ito. Ayokong mang-abala pa sa kanila. Nangako akong pagkatapos ng lahat-lahat, walang dapat magparamdam sa isa't-isa.

Ito pala yung pakiramdam ni Shamy. Masakit nga talagang mag-alala sa mga kaibigan mo pero wala ka ng karapatang lumapit sa kanila.

Sa sandaling ito, naramdaman ko yung sinasabi nila sa akin dati.

Ang manhid ko palang tao. Ngayon ko lang nalaman.

Kung hindi sana ako ganto, pwede pang naiwasan ang lahat ng mga nangyari dati.

Paalis na sana ako ng cafeteria nang makita ko si Mabel na papasok sa loob nito.

Bago pa man ako makaliko ng direksyon, napansin na niya agad ako kaya wala na akong nagawa at hinarap siya.  
  
 
  
Shamy's PoV 
 
  
  
"H-Hindi ko na po alam ang g-gawin ko. Ilang araw na po kami sa gantong sitwasyon. Ano na lang po kapag nalaman ng magulang ko ang nangyari sa amin? At hindi rin po pananagutan ng boyfriend ko ang pagbubuntis ko--"

Napasabunot ako sa buhok dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Hindi ko kayang iresolba ang problema niya. Masyadong kritikal na.

"Ate Shamy, tulungan mo 'ko..."

"A-Ano...--"

Hinawakan niya ang kamay ko at nagsimulang magmakaawa. Anong magagawa ko sa problema niya?

Hindi ba't sinabi ko dati na hindi pwedeng magcounsel ang problemadong tao?

Plus dumagdag pa ang isang napakabigat na problema ng nagpapacounsel ngayon.

Nabuntis siya. Hindi papanagutan ng boyfriend niya ang pagbubuntis nito.

Hindi ko rin alam ang gagawin ko sa kanya.

"Beshie, saglit lang ha. Yung president na lang ng club ang bahala sa'yo."

Medyo nakaluwag yung pakiramdam ko nang dumating sina Pres at Herza. Sinenyasan ni Pres ang best friend ko na lumabas muna kaming dalawa.

Tinanong ako ni Herza kung saan ko gustong tumambay. Ang sabi ko na lamang, sa isang tahimik na lugar.

Kung kaya't dinala niya ako sa likod ng main building.

"Kumain ka Shamy. Sabi ni Pres hindi ka daw nagmerienda kanina."

Nakatingin lang ako sa fries na inaabot ni Herza. Dati rati, hahablutin ko na agad ang pagkain at uupakan pagkatapos. Pero ngayon, nawawalan na ako ng gana dahil sa mga nakalipas na araw.

"Hindi ako nagugutom." matamlay kong rason sa kanya.

"Beshie please, kainin mo na 'yan. Hindi na masarap ang fries kapag malamig na. Akala ko ba ayaw mo ng makunat nito?"

Dahil sa kakapilit ng best friend ko, tinanggap ko ang pagkain.

"Beshie, nakakahiya na tinawag mo pa si Pres para pumalit sa akin. vacant time niya ngayon. May klase pa siya mamaya."

Loving YouWhere stories live. Discover now