♡ 29 ♡

54 2 0
                                    

Shamy's PoV
     
  
  
After that dark fairy tale, I met the wicked witch again.

She's looking at me with that fake smile and deadly sharp eyes. Just when I saw everything and noticed the place becomes so quiet...

We were back dreaming Again.

"Kailan ba ako titigilan ng mga taong kulang sa pansin? Ang pagkakaalam ko nga hindi ako sikat para i-notice ko lahat ng pampam!"

Hindi man lang nagbago ang reaksyon ng kausap ko dahil nakangiti pa rin siya.

"Sawa na akong makarinig ng mga pekeng storya. Uulit na naman ba ang lahat sa dati?" tanong ko habang matalim ang tingin sa kanya.

"Kaya siguro hindi na tayo magkaibigan dahil ganyan pala kagaspang ang ugali mo 'no? Bakit ngayon mo lang pinakita ang totoo mong pagkatao?"

"At may gana ka pang sabihan ako nan!"

Hahablutin ko na sana ang buhok niya nang may pumagitna sa amin.

"At talagang kinakampihan mo pa ang babaeng 'to!" sigaw ko sa estrangherong umawat.

"Ituloy mo ang gusto mong gawin. O, dumating lang siya pero natakot ka agad?"

Pagbigyan ko nga ang babaeng 'to! May umeepal kasi eh.

"Shamy, why?" Hindi niya ba talaga ako titigilan?!

"Magkampihan pa kayong dalawa! Tingnan natin kung sino ang mas nakakaawa sa huli." sabay sinamaan ko ng tingin ang lalaking nasa gitna namin ni Geu.

Nakatingin ito ng seryoso sa ibang direksyon habang nakabuka ang mga kamay na nagsisilbing harang sa aming dalawa.

"Ang dami mo rin palang alagad, Geu. Tama lang na natapos ang pagkakaibigan natin! Tutal ginagawa mong laruan kaming lahat! You keep playing with your deadly games! It's not even funny dealing with all your stupid rules and tricks!"

"Shamy, stop it." seryoso pero nakakatakot na suway ng pakielamero.

"Siya ang pagsabihan mo! Akala mo kung sinong mabait--"

"I SAID STOP IT!"

Huminto ako saglit at hindi pa rin nagpaawat sa pagsasalita.

"Kung alam ko lang na 'yan pala ang ugali mo Geu, matagal ko nang tinapos ang pagkakaibigan natin dati. Itinuring pa kitang best friend tapos ganto lang ang gagawin mo sa amin?!"

"Bakit ka sa akin nagagalit? Hindi ka naman kasali sa mga sinaktan ko, di ba?" 
    
  
   
Tama.  
   
   
   
Tama rin ang mga sinabi niya.   
   
   
  
Pero hindi porke hindi ako kasama sa mga sinaktan niya, hindi ako natutuwa sa mga ginawa niya noon.

Isang barkada na walang pangako, pero iniisip na walang hanggan. Ang masaklap na katotohanan, matagal ng may katapusan.

Heto ako at umaasa pa rin sa kawalan. Na maibabalik ko pa ang lahat kahit na imposible na sa aming apat.

"Sana dinamay mo na rin ako. Hindi mo na lang sana ako ginawang exception. Alam mong inosente ang mga kaibigan natin. Pero dahil dyan sa katangahan mo kay Louie, mas kinakampihan mo pa siya kesa sila Abyssa at Claire."

Wala akong intensyon na pagbintangan ulit si Louie. Pero hindi ko mapigilang sisihin siya sa nangyari sa aming magkakaibigan dahil ayoko nang sumama sa paningin ni Geu sila Abyssa at Claire.

"Ang hirap isaksak sa'yo ang lahat ng totoo. Bakit ayaw mong maniwala sa akin na si Louie ang may gawa ng lahat ng 'to?!"

"Huwag mong sisihin si Louie." matigas na pagkontra ng pakielamero.

Loving YouWhere stories live. Discover now