♡ 48 ♡

62 1 0
                                    

A/N: Ok, mukhang ang bilis ata ng pagkukwento ko tungkol kila Gio at Jia. Anyways, atleast ok na rin sila. Haha XD

Thank you ulit sa mga nagbabasa nito!! Offline/Online Silent Readers! Lalo na sa mga votes! Thank you so much! ♡ - R.A.



Soundtrack for this chapter: Stargazing by Kygo ft. Justin Jesso



~~♡~~



Lysa's PoV



From: Jiabels

I made to fix everything between us, Lysa. Hindi muna ako makakabalik sa States about a month. Ikaw, kamusta na kayo ni Dennis?



I turned off my phone even I need to reply Jia ASAP. I need to breathe some air inorder to relax.

Mula sa mga nangyari kahapon, hindi ko mapigilang tanungin sa sarili ko na worth it ba ang mga ito para sa akin?

Maswerte pa ba kami ni Dennis na humantong kami sa gantong posisyon?

Hindi ko alam. Basta ang nakikita ko ngayon, isang madilim na langit kung saan maraming bituin na nakakalat sa buong parte nito.

Habang katabi ko naman sa gilid si Dennis... na kung saan... tinatapos na namin ang lahat...



~~♡~~



Oct. 27; Morning



Pagkarating ko sa isang park, nadatnan ko si Dennis na nakasandal sa porch ng bridge.

Maraming nagbago sa kanya. Kitang-kita ko ang bilog na piercings nito sa kaliwang tenga. Kuminang ito dahil sa sikat ng araw.

Sa kaliwang kamay niya, mayroon itong maliit na tattoo. Bigla akong nakaramdam ng lungkot dahil sa simbolo nito.

Habang pinagmamasdan ko siya sa malayo, kita ko pa rin ang pagkaseryoso ng kanyang mukha.

Matagal na rin noong huli kaming nagkita. Dito sa mismong lugar na 'to, kung saan tinapos ko ang kung ano mang meron kami dati.

Huminga ako ng malalim at lumapit sa kanya. Pagkakita ni Dennis sa akin, hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha nito.

Matagal kaming nanatili sa posisyon na nakatingin lang sa isa't-isa. Ito rin ang senaryo kung saan una kaming nagkakilala.

Malamig ang pakikitungo niya sa akin. Parang wala kaming pinagsamahan noon. Mistulang isa akong estranghero na kahit kailan ay hindi naging malapit sa kanya.

Tahimik ang paligid. Wala pa rin sa amin ang gustong magsalita. Ako na ang umiwas ng tingin mula sa aming dalawa. Dahil dito, narinig ko ang kanyang yabag ng mga paa, kung saan nagsisimula nang maglakad si Dennis palayo.

Sa paglalakad namin, wala pa rin ang gustong makipag-usap sa isa't-isa. Patuloy lang akong nakasunod sa kanya at sa hindi inaasahang pagkakataon...

...papasok kami sa isang sementeryo.

Anong gagawin namin dito? Hindi ba pwedeng sa parke na lang kami mag-usap? Bakit niya ako dinala sa gantong klaseng lugar?

Sinusundan ko lang si Dennis at di ko maiwasang tingnan ang buong paligid. Gaya ng kaninang parke, mas lalong tahimik dito sa sementeryo.

Maraming tuyong dahon na nakakalat sa lupa. Mas dumadami na ang mga puntod na nadadaanan namin dahil lumalayo na kami sa pinaka-entrance.

Tumigil kami sa isang himlayan na kung saan may estatwa ng isang anghel ang nasa tabi nito. May hawak na bituin ang estatwa kaya nakilala ko na kung kanino itong puntod.

"Umupo ka. Mangangalay ka sa pagkatayo."

Same dialogue from the past. But I guess, not all the old memories will repeat again.

Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon