♡ 46 ♡

76 2 0
                                    

[A/N: Time setting is October 25. Bago mangyari ang mga event sa Chapter 40 - 41]  
  
  
  
Shamy's PoV  
     
  
 
This is the last day for our first semester.

Ipinasa ko na agad ang test paper ko sa prof. namin. Halos pigain na niya ang utak ko kanina dahil sa mga kumplikadong computations.

"Atlast, natapos rin ang Final Exam!"

Pagkalabas ko nang classroom, nakita kong naka-abang si Gun sa pintuan at mukhang hinihintay ang girlfriend niya.

"Tapos na agad exam mo?" tanong ko.

"Yup. Madali lang 'yon."

"What?! Di ba apat na major subjects ang naka-sched sa'yo ngayon?"

"Tama. Madali naman talaga para sa akin."

Hindi man lang naging humble eh.

"Dyan kana nga. Magbabantay pa ako sa Counseling Booth."

"Sige. Pupuntahan kana lang namin ni lovey doves."

"Fine." 
  
 
 
Counseling Booth 
 
  
 
Pagkapasok ko sa loob, nakita kong busy mag-aral si Pres habang may kinakain na jelly beans.

"Hmmp, nice timing. Papaalis na rin naman ako para mag-aral sa library."

"Yah. Good luck sa finals niyo."

"Kaya 'yan."

Pagkaalis ni Pres, umupo ako sa kanina niyang inuupuan at nagpangalumbaba sa harapan ng pinto.

Maghihintay ulit ako maghapon sa magpapa-counsel. Mabuti na lang at last day na ngayon. It means, hindi na ako maiinip sa pagbabantay ng booth.

Patuloy kong tinatapik yung table nang bumukas ang pinto at pumasok si Gun na may dalang maraming plastic.

"Para sa'yo."

Agad niyang binigay sa akin ang isang plastic at nakita kong punung-puno ulit ito ng fries. May kasama rin siyang pasta at soft drinks para na rin siguro for lunch time.

"Thanks."

"Always welcome beshie."

"Yuck! Huwag mo nga akong matawag na beshie. Para kang bakla sa pagkakasabi 'non eh."

Umupo siya sa lounge at kumuha ng burger sa isa niyang dalang plastic.

"Bakla agad? At isa pa, magbeshies kayo ni Herza kaya beshie na rin tayo."

Umirap ako na ikinatawa niya.

"Ewan ko sa'yo."

Kuha lang ako ng kuha ng fries mula sa plastic at napansin kong ilang minuto na pala ang nakalipas pero wala pa rin si Herza.

"Nasaan ba ang girlfriend mo at hindi pa dumadating dito?"

"Magccr lang daw siya kanina. Hindi ko alam kung bakit ang tagal."

"Saan na kaya napadpad ang babaeng 'yon?"

Naiwan na naman kami ni Gun dito sa club room. Nakakainsulto lang 'tong kasama dahil akala mo kung sinong mabait. Makulit rin naman 'yan from the other side.

Nakita kong naubos na ni Gun yung kinakaing burger kanina kaya tinawag niya ako.

"Shamy."

Loving YouWhere stories live. Discover now