♡ 52 ♡

45 1 0
                                    

Celestine's PoV
   
 
  
Umalis ang pinakamumuhian kong tao sa buong mundo dito sa kwarto kung saan ako nagising.

Pero natira ang isa pang tao na kung saan unti-unti ko na ring kinaiinis.

"Bakit hindi ka umalis?"

"Kung nakipag-usap sa'yo si Luke, ganun rin ang gagawin ko."

Nanatali lang siyang nakaupo sa tabi ko habang nakatingin sa akin.

Sino nga ba siya? Narinig ko na ang pangalan niya kanina. Hindi ko lang matandaan dahil hindi rin ito importante sa akin.

"Paano kita naging kapatid?"

"Kasama niyo rin ako ni kuya Sep noon. Iniwan ako nila Mom sa lolo at lola natin dahil ang alam kong dahilan ay may sakit ka. Nagpapagaling rin ako noon dahil sa operasyong ginawa sa akin."

Itinuro niya yung kanyang kamay na kung saan mayroong hindi kapansin-pansing tahi.

"I donated a bone narrow just to save you."

Totoo ba ang sinasabi niya?

"Si Ms. Natividad na naman ang may kasalanan dito."

Tumahimik siya dahil sa sinabi ko. Yes, it is her fault. Wala siyang ginawa kundi iwanan kaming tatlo. Siya rin ang dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Mr. Linford.

Siya lang ang dapat sinisisi dito. Wala ng iba.

"Hindi porke kinakausap kita ay tanggap kita bilang kapatid ko. Isa ka pa rin sa kinamumuhian ko na may kaugnayan sa pamilya nilang sinasabi."

"Pero sinasabi ko na sa'yo ngayon na totoo lahat ng mga sinabi ko."

"I don't trust people that too easily. Lahat na lang ng tao sa paligid ko... ang daming tinatago."

Nakita ko kung gaano nang kalala ang kamay ko ngayon. Halos magkulay papel na ito sa sobrang putla. Nababakas rin dito ang ilang pasa na kung saan naging dulot ng aking sakit.

"Ikaw ba ang nagsabi kay Luke sa sakit ko?"

Umiling ito sa akin.

"Siya ang mismong nakatuklas dito. Mula pa noong highschool kayo."

Bakit niya naman malalaman ito kung walang magsasabi sa kanya?

Miski sila Hazel hindi alam ang sakit kong 'to.

Sa dinami-rami ng tao na malapit sa akin, bakit siya pa?

"Ano naman ang pakialam niya sa akin? Bakit niya hindi sinabi ang tungkol dito?"

"Mayroon pa siyang ibang dahilan kung bakit hindi niya ito pinaalam sa'yo."

"Sakit lang 'to. Bakit naman siya mag-aalala?"

"Your cancer is deadly. Muntik ka nang mamatay noon kung hindi agad nakahanap ng donor sila Mom." 
 
 
  
~~♡~~ 
  
  
 
Yes, I could still remember him even in the first place. I just don't know how to accept him from everything I have been through.

He is Celestial Linford. My twin brother. Naaalala ko noon na sobra kaming malapit sa isa't-isa. Kambal nga talaga kami. Laging pareho sa lahat ng bagay. Mas lalo na siguro kung pareho ang kasarian namin, baka mahirapan ang mga tao kung sino ba ang isa sa amin.

"Celestial, Celestine, come here. I baked some brownies for everyone."

Lumapit kaming dalawa ni Celestial habang nakatingin sa pinapalamig na brownies.

Loving YouWhere stories live. Discover now