♡ 34 ♡

48 1 0
                                    

Terrence's PoV   
   
   
   
Kung hindi ko madaling makakausap ang iba sa grupo, si Mabel ang tamang tao na kaya pang lapitan.

Matapos sa huling klase, agad akong sumugod sa parking area ng F.A. at sumakay ng sasakyan. Kailangan kong bumalik sa amin para makita si Mabel.

Mula nang mawala ang barkada, si Hazel na lang ang natitira sa apartment na dating tinutuluyan nila.

Sakto at hindi ganung katraffic pabalik sa probinsya kaya nakarating agad ako kila Mabel.

Ang masaklap lang ay inabot na ako ng dilim sa kalsada. Gising pa kaya siya?

Naghintay ako ng ilang minuto sa tapat ng bahay nila para kung sakaling may lumabas ay may mapagtatanungan ako.

Pero inabot na ako ng isang oras at wala ni isa akong nakitang tao na lumabas ng bahay nila.

Paalis na sana ako nang makita si Mabel na may bitbit na basura at lumapit sa poste.

Pagkalapag na pagkalapag niya ng supot, napansin niya sigurong may tao sa harapan niya kaya nagulat ito.

Sa una, hindi pa niya kayang magsalita. Pero nang magbalik ang kanyang diwa, bumalik ito sa dating ayos.

"Terrence?"

Bakit parang ako pa ata ang nagulat sa kanya?

Ibang-iba kumilos si Mabel ngayon. Siya ba 'to? O nagbago siya gaya niya matapos masira ang dating barkada?

"Mabel... ikaw ba talaga 'yan?"

Normal ang kilos niya hindi gaya dati na tuwang-tuwa ito kapag may makikitang kilala na tao.

"Yes. It is me. Bakit ka nga pala nandito?"

Sasagot na sana ako nang makita si Iza, ang kapatid niya, na nasa tabi ng gate.

"Si kuya Terrence! Ate, papasukin mo siya sa bahay."   
   
  
 
~~♡~~ 
  
 
  
Masaya ang kambal na makita ako. Ayon sa kanila, halos ilang buwan nang hindi sila nakakakita miski kahit sino daw sa amin sa barkada. Ganun na lang ang naging tuwa nila dahil akala nila ay nagkawatak-watak na ang grupo namin...

...na kung tutuusin ay totoo ang hinala nila.   
  
 
  
"Iza, Van, umakyat na kayo sa kwarto niyo. Kakagalitan kayo ni Papa kapag nakita niya kayong gising pa."

"Ate, alas-syete pa lang naman."

Sumunod ang dalawa kay Mabel nang mapansing nakangiti ito sa kanila. Nang mawala ang kambal dito sa salas, pumalibot sa amin ang nakaririnding katahimikan.

"Bago tayo mag-usap, pasensya kana sa mga kapatid ko. Nagtataka lang kasi sila na wala ni isa sa barkada ang dumadalaw dito sa bahay. Lalo na si Acey o kaya si Kean na malimit nilang makita. Alam mo naman kung anong nangyari sa grupo natin..."

Pinapanood ko lang si Mabel na kumakain ng mga maliliit na chichirya sa inihandang meryenda.

"Pasensya na rin kung may napansin kang kakaiba sa akin. Kahit sila Hazel noong makausap ko ulit, nagulat sa pinag-iba ko."

Ikinuwento sa akin ni Mabel yung rason kung bakit naging normal na ang kilos niya ngayon. Dahil pala sa isang aksidente mula sa kotse noong bata pa siya kaya naapektuhan ang pag-iisip niya at kilos.

"Kailan mo nalamang naging normal na ang kinikilos mo?"

"Noon pa matapos ang highschool."

"Bago pa tayo magcollege?"

"Oo. Noong huling check-up ko matapos akong hampasin ni Luke ng baseball bat."

Loving YouWhere stories live. Discover now