♡ 24 ♡

49 2 0
                                    

Mabel's PoV



Naabutan ko si Patricia na hingal na hingal habang nakahawak sa magkabilang tuhod. Tumigil ako sa tabi ng puno para magpahinga ng saglit.


"Hoy weird, bakit ka ba tumatakbo? Para kang nakakita ng--"

Hinigit ko agad yung dalang bottled water ni Zack at nilagok ang laman 'non.

"Akin 'yan!" bulyaw niya sa akin.

Pinunasan ko yung bibig ng bote at humarap kay Zack.

"Sorry Zack. Ibibili na lang kita ng panibagong tubig mamaya."

Hindi ko na hinintay na makalapit si Zack dahil tumakbo na muli ako palapit kay Patricia.

"Patch! Ok ka lang?"

Iniabot ko sa kanya yung bote ng tubig pero nakatingin lang ito sa damuhan.

"Uminom ka, Patch. Kanina ka pa pagod sa katatakbo--"

Bigla akong napaurong nang itulak niya ako palayo kaya natapon sa akin yung tubig.

"P-Patch..."

"Ano ba?! Bakit mo ako sinusundan?!"

"Patch... kasi--"

"Ilang beses ko na bang sinabi sa'yo na huwag kang lalapit sa akin?! Bakit ba ang tigas ng ulo mo?!"

"G-Gusto k-kitang t-tulungan..."

Itinulak niya ulit ako at pabagsak na sana sa damuhan nang may sumalo sa akin.

"Miss, hindi na tama 'yang ginagawa mo sa kanya."

Akala ko umalis na si Zack, yun pala nandito pa pala siya.

"Z-Zack... ok lang ako."

Inalalayan ako ni Zack na makatayo at tiningnan ko si Patch. Galit na galit ang mukha niya at kita mong naiinis siya habang nakikita ako.

"Sino ka para makisawsaw dito?!" sigaw ni Patch kay Zack.

"Nasasaktan yung itinutulak-tulak mo kanina. Akala mo ba hindi masakit 'yang ginawa mo? May ginawa bang masama si Mabel para tratuhin mo ng ganyan?!"

Dahil sa malakas na pagkakasabi ni Zack, nagsisimula nang maiyak si Patch kaya nagtatakbo na ito palayo.

"T*nga mo rin para hayaan mo ng ganun ang babaeng 'yon." suway niya sa akin.

Alam kong t*nga na ako. Pero kaibigan ko si Patch. Kahit sa kabila ng itinatrato niya sa akin ngayon, hindi ko magagawang ibalik lahat ng mga masasakit niyang ginawa sa akin.

"Ok ka lang ba?" tanong ni Zack sa akin na masungit pa rin.

"Bakit mo ako sinalo?"

"Kasi babagsak ka. Alangang pabayaan kitang bumagsak e nandito naman ako?"

Dahil sa mga sinabi niya, parang may naramdaman akong kakaiba.

"Ngayon mo lang ako iniligtas ng ganon. Bakit?"

"Puro ka 'bakit'!!!"

"Nagtataka kasi ako dahil hindi ka naman ganan dati. Hahayaan mo nga akong magkandarapa sa hagdan kapag tinatakot mo ako eh."

"Tsk."

Biglang umiwas ng tingin si Zack dahil sa mga sinabi ko.

"Umalis na tayo dito. Kung gusto mong sumama, sumunod ka sa akin."

Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon