♡ 63 ♡

52 2 0
                                    

Gun's PoV



"Target is moving rapidly going to Eastward of the premises."

Matapos mag-anunsyo sa kinalulugaran ng kalaban, lumabas ako sa pinagtataguang lugar at pinakinggan ang katahimikan ng paligid.

The abandoned place of F.A. is too quiet as if we are inside a cemetery.

Maraming puno na nakapalibot sa akin na nagmimistulang mga higante sa isang madilim na lugar.

"Dennis, nandito pa rin ba ang target?" anunsyo ko.

"Oo, nandyan pa. Pero lumalapit sa'yo ang active na tracker ni Lean."

Huh? Buhay pa rin 'yon? Akala ko ba nawalan na 'to ng signal kanina?

~~♡~~



"Sino ang nakapulot ng ear piece ni Lean? Sumagot ka!"

Tumahimik silang lahat para pakinggan ang linyang nag-uugnay sa amin.

Pero kahit ilang beses kong sigawan ang taong ito, mukhang hindi siya sasagot.

Hanggang sa mawalan ng signal yung linya ng tracker, hindi niya sinagot yung tanong ko.



~~♡~~



Nagtanong ako muli ng lokasyon ng target para subukang sugurin siya mag-isa.

Habang tumatawid ako sa isang makitid na tulay, tumigil ako sa pagkilos nang makarinig ng yabag ng mga paa.

Inilabas ko ang baril mula sa bulsa ng pants ko at kinasa ito.

Dahan-dahan akong tumalikod pero nabalewala ang pag-iingat ko nang may dumikit sa aking leeg na isang malamig na bakal.

"How's being a leader?"

Itinago ko muli ang baril sa loob ng bulsa at agad bumuntong hininga.

"Kuya."

Seryoso ang mukha nito at parang sinusuri pa ang buo kong katauhan.

Napansin ko sa gilid si Herza kaya mas lalong lumuwag ang pakiramdam ko.

"Nakita ko siya dito. Pasensya na kung di ko siya napigilan sa sorpresa niya." sabi ni Herza.

Nagulat rin ako sa patalim na nakatutok dahil akala ko ay si kuya Altair na ang haharapin ko.

"Kuya, akala ko ba aalis kana ng bansa?"

Hindi nito sinagot ang tanong ko dahil naglakad lang siya palayo sa amin.

Ganon lang ang kamustahan namin? Hindi man lang niya pupurihin ang pagiging lider ko sa planong 'to?

Bago pa man siya lumayo, humarap muli ito sa amin at narinig ko ang phone sa bulsa na biglang tumunog.

"He told me that he has no intention in going back to New York. Pati isa pa, parte rin ng plano niya ang iligtas si Hazel ng mag-isa."

Hinila ko si Herza palapit sa akin at niyakap ito. Habang hawak ang phone sa kabilang kamay, ngumiti ako nang makita si kuya Ford na tumalikod at itinaas ang kamay.

He gave me a sign that means he is proud of what I have done.

Nagawa mang makuha ni kuya Altair si Hazel, hindi pa huli ang lahat para iligtas siya.

Ngayon na nagawa na namin ang protektahan siya sa abot ng aming makakaya, siya naman ang huling kikilos para sagipin ang babaeng mahal niya.

From: Kuya Ford

For my dearest younger brother, it was too rough as we met each other from the first time. You were too attached with the girl I loved but I concluded that you have no feelings to her. You are just protecting her from our older brother. You are proteting her when I am not on her side. Thank you for being a nice buddy. Thank you for being such a partner in crime. I owe you a lot. I just wished for your happiness that would be always with Herza. May both of you still together after this mission be done. - kuya Ford.



"Ford is here?" rinig kong tanong ni Mabel sa kabilang linya.

Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon