♡ 5 ♡

58 3 0
                                    

Mabel's PoV  
  
  
  
And the rain is pouring down just like what I saw to them.

Binuksan ko ang payong at itinapat ito sa babaeng nababasa ng ulan. Naramdaman niya sigurong hindi na siya nababasa kaya lumingon siya sa kanyang gilid.

"M-Mabel?" tanong ng babaeng pinapayungan ko.

"Patch, bakit ka nagpapaulan? Magkakasakit ka."

Itinulak niya ako palayo kaya nababasa ulit siya ng ulan.

"Bakit ka nandito?"

"Nakita kitang nababasa ng ulan. Ikaw? Bakit ka--"

"Umalis ka na."

"Pero Patch--"

"Umalis ka na! Aalis na rin ako. Huwag ka nang mag-alala. Ok lang ako."

Tumakbo na siya palayo sa akin at naiwan akong nag-iisa sa tahimik na kalye. Humigpit ang hawak ko sa payong habang tinitingnan kung saan nawala si Patch.  
   
   
   
The rain will stop when the sun will rise. How about it's still night? Are you going to wait for a lot more time in order to see the light?   
  
   
  
Pagkagising ko kinabukasan, nakita ko si Van sa kwarto ko na parang may hinahalungkat sa cabinet.

"Van?"

Bigla siyang humarap sa akin habang nakatago ang mga kamay sa likuran.

"A-Ate, gising ka na pala."

Kinusot-kusot ko yung mata ko at nakita sa whole body mirror yung reflection ng likod niya.

"Para kanino 'yan?" tanong ko.

"Ha?"

"Yang itinatago mong regalo."

Huminga siya ng malalim bago ipakita sa akin yung regalong itinatago sa kanyang likuran.

"Ate, ikaw na lang ang magbigay kay Iza."

"Bakit ako?"

"Malelate na ako sa school."

"Eh? Hindi ka malelate, wala kayong pasok ngayon. Bisperas ng cityhood day natin ah?" Sus, di niya ako maloloko. Akala niya hindi ko natatandaan na anniversary ng cityhood dito sa bayan namin? Nagkakamali siya!

"Ano kasi--"

"Pwede ba tayong mag-usap mamaya? Sa dinning area, to be exact."

Tumango yung kapatid ko sa akin at niyaya siyang lumabas ng kwarto.

Matapos makababa sa unang palapag ng bahay, pareho kaming umupo sa dinning table. Kakain kasi ako ng umagahan. Ang kapatid ko naman, tahimik lang sa tapat ko.

"Van, may problema ba?" panimula kong tanong sa kanya.

"W-Wala."

"Magsabi ka ng totoo. Hindi ako magagalit. Alam mo ang ibig kong sabihin."

Medyo naghehesitate pa siya sa sinabi ko.

"Tungkol ba 'yan kay Iza?"

Boom! Nakuha ko ang atensyon niya dahil sa pangalan na binanggit ko. Sabi na, tungkol sa kanyang kakambal ang problema. Si Iza lang naman kasi ang poproblemahin niya ng todo-todo.

"Kaya ba may regalo dahil may bagong nanliligaw sa kanya?"

Umiling ito kaya nagtaka ako.

Loving YouWhere stories live. Discover now