♡ 26 ♡

56 2 0
                                    

Patricia's PoV  
 

  
Hingal na hingal akong tumigil sa pagtakbo at tiningnan ng masama ang lalaking sinundan ko.

Kanina, malapit sa cr, nakita ko siyang nakikinig sa usapan ng dalawang babae.

Hinabol ko ito at dinala ako sa likod ng main building. Mainit dito dahil hapon pa lang at dahil sa liwanag ng paligid, kita ko ang mukha niya.

"Sino ka at bakit mo sinundan yung dalawang babae sa cr?!"

Inaasar-asar pa ako nito dahil nakangisi siya habang nakapamulsa sa harapan ko.

"Sumagot ka!"

"Obligado ba akong sagutin 'yang tanong mo?"

"Oo! Dahil--"

Napatigil ako sa pagsasalita nang maalala ang lahat.

"O, bakit ka natahimik? Kaano-ano mo ba yung dalawa? Ang pagkakaalam ko, hindi kayo magkaklase. At mas lalong hindi kayo magkaibigan dahil mula sa trato mo sa kanila... alam ko na kung anong meron sa inyo."

Naikuyom ko ang aking mga kamay at gustong-gusto ko siyang suntukin.

"Kaibigan mo ba sila?"

"H-Hindi." sabay iwas ko ng tingin.

"Hindi pala. Pero bakit ka galit?"

"Dahil siguradong may masama kang balak sa kanila."

Pinaningkitan niya ako ng mata at humalakhak pagkatapos na mas lalong nagpainis sa akin.

"You are Patricia Ricacho from BS BioChem, right?"

"Paano mo ako nakilala?" Who the hell is this guy?

"I'm Altair--"

"Hindi ako interesado kung sino ka!"

"Alam mo ba kung ano ang pakay ko sa'yo?"

"Ano bang kailangan mo sa akin ha?!"

"Dahil gusto kong itanong kung may kilala kang Ford ang pangalan."

Wow, for all the people on us, ako pa ang nilapitan niya.

"I don't know whoever you're talking to."

Bakit niya tinatanong kung kilala ko si Ford?

"I need to talk on him about something else. Akala ko may kilala kang tao na may ngalan na Ford."

"Tsk. Mukha ba kong information center para pagtanungan ng nawawalang tao?" bulong ko.

"Anyway, hindi lang 'yan ang gusto kong malaman mula sa'yo."

Hindi na ako nakinig sa mga sinasabi niya dahil natuon na ang atensyon ko sa taong binanggit kanina.

Why is he looking Ford on me? May alam ba siya na magkakaibigan kami?

Atsaka matapos silang maghiwalay ni Hazel a month ago, hindi na nagparamdam si Ford sa aming lahat.

Psh. Ano pa ba ang pakialam ko kung sumulpot siya sa harapan namin? Tulad nila, hindi ko rin siya lalapitan pa.

Pampagulo lang sila sa buhay ko.

Masama ang tingin ko kay Altair habang pinapanood siyang nagsasalita. Ito ang unang beses na nakita ko siya. Hindi kami magkakilala. Pero bakit may nakakahawig siyang kakilala ko?

Nagseryoso ang mukha niya kaya mas lalong nakumpirma kong may kamukha nga siya.

"So, ayun lang. Ikaw ba, may kilala ka ring Gun ang pangalan?"

Loving YouWhere stories live. Discover now