Special Chapter 1

47 1 0
                                    

Avery's PoV  
  

 
Siguro naman lahat tayo ay pinangarap na magkaroon ng prince charming noong bata?

Gaya na lang sa mga napapanood kong fairytales, Disney Princesses pa 'yan, basta yung out of the world ba yung story.

I don't have any boyfriend or boyfriendsssss since birth. Focus lang ako sa mga friends ko kahit ngayon.

Lumipas ang highschool life ko na wala akong naging special someone. Sabi ng ilan, dito mo daw mararamdaman yung pagkamagical ng isang love story.

They are right on what they have said. Highschool life is awesome and a happy memory.

Masaya naman ako kasama mga friends ko before. Kahit ba may plastikan sa aming nagaganap kapag kasama si Lean, I know what love word means.

Sa ngayon, malapit nang mag Valentines Day. Busy na ulit ang mga couples sa pagpaplano kung saan sila pupunta para magdate. Plus yung mga ibibigay nilang simpleng regalo sa mga partners nila.

Yung iba naman, todo na ang pagrerehearse para sa surprise nila sa mga special someone nila sa life.

E ako?

Wala lang. Ganto pa rin.

"Avery dear, aalis ka ulit ngayon?"

Si Mom yung nagtanong sa akin. Wala siyang work ngayon since few days ago. Nagdecide kasi sila ni Dad na magkaroon ng bonding up to Chinese New Year.

"I have no work today and tomorrow. Pero may pupuntahan pa rin ako."

Tumango naman si Mom sa naging sagot ko.

I am already an adult and ganto pa rin ka-sweet sila Mom at Dad sa isa't-isa. Hindi kumukupas ang relationship nila kahit matagal na kami ni kuya na graduate from college.

They are happy that they have each other. Syempre kasama na doon yung nandito pa rin kami ni kuya na close sa kanilang dalawa.

Halos lahat nasa kanila ng dalawa. They are one of the successful business tycoons in the Philippines. Kahit pa nagmamay-ari ang family namin ng ilang malalaking companies, hindi nawawala sa amin ang closeness sa isa't-isa.

I hope sana ganto rin ako in future. Although nasa future na ako, as a manager of one of my family's business, iba pa yung sinasabi kong future.

What I mean is having someone special that will be with you on the rest of your life. Being husband and wife ganon.

Noong lumaki na ako at naging highschool, nawala na sa isip ko yung nangangarap na balang araw ay makakatagpo rin ako ng sarili kong prince charming.

Kaso kahit sabihin ko pang magmadre ako sa harap nila Mom at Dad, pipigilan nila ako sa desisyon kong walang plano na humanap ng para sa akin.

After I decided to stay away from Lean, akala ko noon ay hindi na magugulo ang pangarap kong maging masaya na walang kumokontrol.

My parents aren't strict. Pero dahil sa mga cliché movies or stories na siguradong napapanood or nababasa niyo, alam ko nang alam niyo na kung ano yung gusto kong sabihin.

Last year of my highschool life, tanda ko pa that time yung pinaka-kinaiinisan kong araw sa buong buhay ko.

Pagkauwi ko noon sa bahay, sumalubong sa akin si Mom habang malawak ang ngiti sa akin.

"Avery dear, pinaghanda kita ng meryenda mo. Look! It's your favorite strawberry and cream crêpe."

Medyo nakasimangot ako 'non kay Mom dahil hanggang sa sinimulan ko ng kainin yung crêpe, hindi naaalis ang ngiti niya.

Loving YouWhere stories live. Discover now