Special Chapter 3

37 1 0
                                    

Luke's PoV  
   
  
  
Whenever I see a crying infant infront of me, I keep remembering my memories when I was still a kid.

Lalo na ang araw-araw na pagpapanggap ko bilang tunay na anak ng mga taong kumalinga sa akin. Kahit sabihin nilang huwag kong itago ang katotohanan, ako pa rin ang nagdesisyon na hindi ito sabihin sa iba.

Ang nasa isip ko noon, ayokong ipahiya sila Mama at Papa. Inampon nila ako dahil wala sila ni isang anak. Hindi naman sa ikinahihiya ko ang pagiging ampon. Ayoko lang na kung anu-ano ang marinig ko sa iba tungkol dito.

Mayaman ang mag-asawang umampon sa akin. Kahit maginhawa ang kanilang buhay, may isa silang problema at iyon ang walang kakayahan na magkaroon ng sariling anak.

Nang dumating ako sa buhay nila, dito naging mas maayos ang kanilang pagsasama. Sobra-sobra ang pagmamahal nila sa akin dahil itinuturing nila akong isang anak na mismong nanggaling sa kanila.

I am very lucky to have them. Napakabait nila hanggang sa puntong pinapayagan nila akong bisitahin ang mga tunay kong kapatid. Malimit nilang pinapaalala sa akin na binigyan nila ako ng magandang buhay hindi dahil sa legal nila akong inampon.

They told me that when I finally finished my studies, I should help my siblings too.

Minsan iniisip ko, sana sila na lang ang tunay kong mga magulang. Halos perpekto na ang buhay ko kasama sila. Ito ang pinapangarap ng halos lahat ng mga tao.

Isa na doon ang taong mahal ko.

Celestine came from a broken family. Naghiwalay ang mga magulang niya matapos itong madiagnose na merong leukemia. That time, their financial source is unstable. Ito lagi ang pinag-aawayan ng kanyang mga magulang at nang lumala ito, nagdesisyon silang maghiwalay.

Napapunta sila Sep at Celestine sa mama nila habang si Celestial ay inalagaan ng kanilang mga lolo at lola. Dahil na rin siguro sa tagal ng panahon at sobrang liit pa ni Celestine nang maghiwalay ang kanyang mga magulang, nakalimutan na nito ang kanyang kakambal.

I admit that I hurted her so many times. Hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang tumino noong kabataan ko pa. Marami ng pinagdaanan si Celestine. Mula sa malubha nitong sakit at pangungulila sa mga tunay na magulang, ang tanga ko na sinaktan ko rin ito ng paulit-ulit.

Nakuntento kasi ako na maiintindihan niya kung bakit ganito ako. Sinusubukan ko siya kung kaya niya akong tanggapin sa kabila ng mga pangit sa katauhan ko.

Noong first year highschool kami, aminado akong hindi seryoso ang nararamdaman ko para sa kanya. That time, what I need is someone who can accept who I am. I become interested on her not because of her popularity and looks.

Her bravery picked my curiosity that's why I was challenged to have a romantic relationship with her.

What was her likes and dislikes in a guy like me?

Few years ago, tanda ko na dumalaw siya ulit sa Free Academy upang makasama ako. Whenever she visits the school, lagi siyang may kasama na kaibigan at ito'y walang iba kundi si Hazel.

"Babe, hindi kaya'y mainip ang kaibigan mo habang hinihintay ka dito sa Free Academy?" tanong ko kay Celestine habang nakatingin kay Hazel na tahimik lang sa tabi ng fountain.

"Nope. Pati I already told her kanina na pwede siyang umuwi if ever matagalan akong magstay dito. Mukhang nag-eenjoy naman siya sa school niyo. Hahaha! Sino ba ang hindi maaamazed sa ganitong school? F.A. is a prestigious school!"

Napangiti ako sa sinabi niya.

"I see. Hindi pala siya mainipin."

"Yup! She has a good personality rin kaya huwag ka ng magtaka. By the way, when we're ready to make our relationship public, ipapakilala kita sa bestfriend ko."

Loving YouWhere stories live. Discover now