♡ 22 ♡

47 2 0
                                    

Lean's PoV   
   
   
  
Gustong-gusto ko siyang sabunutan habang natutuwa siya sa pag-alis ng babaeng halos paiyak na.

I can't go near on her since mayroong ibang tao na nagmamasid sa paligid. I don't know if he's related to the b*tch but I just decided to hide where I'm right now.

Mukhang mahirap silang kalabanin.

Akala ko, maayos ang lahat ng mga naiwan dito. Ayun pala, matagal na silang ginugulo ng babaeng 'to.

Nag-unat pa ng kamay ang kinaiinisan kong babae atsaka tumingala sa langit.

"She's a pity person. Pero ang malas niya kasi eh. Sa dinami-rami ng pwede niyang pagkatiwalaan, sa hindi pa katiwa-tiwala."

Nang mawala na ang babae at ang napakamisteryosong lalaki na nagtatago sa mga puno, lumabas ako sa pinagtataguan na lugar.

Lumapit ako sa fountain at tiningnan ang repleksyon ko sa tubig.

The water is so clear like a glass. Walang halong buhangin o dahon sa malinis na tubig.

Buti pa ito, napakaklaro. Pero ang sitwasyon at ang naging dahilan ng lahat, walang-wala sa pagkamaayos nito.

Bumuntong hininga ako at tinahak ang dinaanan ng babaeng paiyak kanina.

Nakarating ako sa isang tahimik na music room at nakita ko siyang umiiyak sa tabi ng grand piano.

Balak ko sanang hindi magpakita pero huli na nang madali ko ang piano para makalikha ito ng ingay.

"S-Sino 'y-yan?"

Lumabas ako sa pinagtataguan ko at hinarap siya.  
  
   
 
Hanggang sa muli. Ihanda mo na ulit ang pagkikita natin after some years, Hazel.  
  
  
  
This is the time that we see each other again. Masaya siya... sila ng iwanan ko ang lahat.

Wala palang masaya kapag iniiwan mo ang isang bagay. Akala mo, magiging maayos ang lahat dahil inaakala mong ikaw ang nakakaistorbo o nakakasira sa kanila.

Ayun pala, may iba pang mas masaklap kaysa sa akin.

"L-Lean?"

Ngumiti ako kaya tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sahig at agad pinahid ang luha.

"Di ka man lang nagsabi sa akin na uuwi kana pala."

I can't respond despite of her forced smile. Nag-iisip ako ng pwede kong sabihin para maiwasang masaktan siya.

Lumapit sa akin si Hazel at tinapik ako sa balikat. Parang kanina lang, ako ang nakangiti sa kanya.

Pero baliktad ang nangyari.

Siya na ang nakangiti ngayon at yung dapat na nagtataka dahil dumating ako, ay kung saan pa ako napapunta.

"Sorry ha? Hindi ko natupad yung pangako ko."

Marami pa siyang sumunod na sinabi sa akin pero parang narindi na ako sa katahimikan ng lugar.

O baka naman nawala na yung focus ko sa kausap ko dahil iniisip ko yung sinabi niya kanina.  
  
  
 
Weekend   
  
  
  
Nakipagkita ako kila Abyssa dahil para pag-usapan ang lahat ng mga nangyayari sa kanila.

I don't have friends. Hindi rin nila ako kaibigan. Nandito kami dahil sa isang bagay na hiniling ng taong minsan ko ng sinaktan.

Alam kong hindi niya gustong manggulo kami nila Abyssa. Pero dahil may kasalanan rin ako dahil napabayaan ko ang lahat, bumalik ako sa pilipinas para ayusin ang mga problema.

Loving YouWhere stories live. Discover now