♡ 1 ♡

78 4 0
                                    

Hazel's PoV

"HOY GISING NA AT BAKA MALATE TAYONG LAHAT!!!"

Naalimpungatan ako nang makaramdam ng pagkalabog sa ilalim ng higaan. Bumangon ako at nakitang nakapameywang si Patricia habang masama ang tingin sa akin.

"Ano na naman ang ikinaiinit ng ulo mo, Patch?" sabi ko habang nagkakamot sa ulo.

"Ikaw magluto! Ilang araw na akong nag-aasikaso dito sa apartment ah!"

Napairap si Patch noong nag-stretch ako ng kamay. Haaayyy, si Patch talaga oh.

Lumabas si Patch ng kwarto kaya tumingin ako sa ilalim ng higaan.

"Best, no need to worry. Ako na magluluto." nakangiting sabi sa akin ni Celestine.

"Sure." sabi ko.

Nakita ko sina Yuna at Mabel na nagising. Niyaya ko na sila papunta ng kitchen.

Noong nasa kitchen na kaming apat, nakita ko si Patch na nagsasaing. Akala ko ba kami ang pinagluluto niya? Eh anong tawag niya sa pagsasaing ng bigas?

"Patch, sabi mo kanina kami na ang bahala sa pagluluto?" tanong ni Yuna sa kanya.

Padabog na inilagay ni Patch yung kaldero sa kalan at nagulat kami nang buksan niya ito. Lumakas kasi yung apoy. Akala namin maaabot kami eh.

"Bagal niyo. Pero bukas hindi na ako ang magluluto."

"K. Whatever." sabi ni Celestine at may hinalungkat sa refrigerator.

Pare-pareho kaming nagdodorm nina Patch, Best, Mabel at Yuna sa isang apartment na malapit sa school.

Naalala ko yung unang luwas namin dito sa Maynila. Akala namin ay maliligaw kami. Pero may tumulong sa amin na tao para makarating dito. And to our surprise, sa Free Academy rin siya nag-aaral.

We enrolled in Free Academy. This is already our third year in college. And gaya ng sinabi ko, maganda talaga ang school na 'to.

I don't know kung paano kami nakapasok dito. Free Academy was not simple like other private schools. Hindi sila basta-basta pumapayag ng mga enrollees.

Madaling nakapasok sila Mabel, Celestine, Acey at Yuna sa F.A. Ganun rin naman yung nangyari sa akin. But for Patch, natagalan siya bago makapasok.

Lucky for us na nakapasok kami sa F.A. ng tahimik at matiwasay. Pero tahimik nga ba ang buhay namin dito?

It depends sa side na titingnan niyo.

"Guys, tara na."

After ng daily routine namin, niyaya kami ni Yuna palabas ng apartment. Sa tapat ng bahay ng landlord, nakita namin ang isang magarang sasakyan kung saan ang nagmamay-ari 'non ay walang iba kung hindi si...

9th Month of the Year.

"Kuya Seppy! Kyyaaahh~ Wait, bakit ka nga pala nandito? May pasok ka pala tuwing umaga?" tanong ni Celestine sa kuya niyang ewan ko ba kung seryoso o medyo naiinip.

"I do have classes during morning." simpleng sagot ni kuya Sep at pumasok na siya sa kanyang sasakyan.

"Guys, una na kami ha?" sabi ni Yuna sa amin bago sumunod kay kuya Sep.

Nang makaalis na yung sasakyan, nagsimula na kaming maglakad papuntang F.A.. Gaya ng dati, walking distance lang ang pinapasukan naming school.

"Hindi ka pa sumabay sa kuya mo. Gusto mo pang mainitan ng araw." reklamo ni Patch kay Celestine.

Loving YouWhere stories live. Discover now