♡ 61 ♡

42 2 0
                                    

Hazel's PoV

N-no...

"LEEAAANN!!!"

Naramdaman kong tumulo ang mga luha ko nang makita siyang unti-unting bumabagsak sa sahig.

Kumalat ang napakaraming dugo sa damit niya na nagmumula sa isang kutsilyo na nakasaksak sa kanyang balikat.

Nanginginig ko siyang hinawakan at hindi pa rin mapigilan ang mga luha ko na bumagsak mula sa mga mata.

"Lean!!!" Hindi ito mangyayari sa kanya kung hindi ako nandito. Kasalanan ko pa na napahamak rin siya dahil sa akin.

Mapapahamak rin ang iba kung ililigtas nila ako. Sana hindi na sila dumating dito. Ayoko nang may mapahamak pang-iba.

"That's an example for someone who wants to sabotage my plans. Hindi ko na rin mahintay pa ang iba na dumating... para mas lalo mong hindi makalimutan ang araw na 'to."

Umupo siya sa sahig at madiin na hinawakan ang panga ko.

"Anong iniiyak mo dyan, Hazel? Bakit ka naaawa sa taong minsan ay pinahamak ang kaibigan mo?!"

Hindi ako sumagot dahil hinayaan ko lang na umiyak ang sarili ko. Pagod na ako dahil sa buong araw na pagkakakulong dito. Isang araw na rin akong hindi kumakain kaya wala na akong lakas para harapin siya.

"Ano na ngayon ang gagawin mo? Labanan mo ako kung ayaw mong may mapahamak pang iba! Di ba, ang tapang-tapang mo daw noong highschool?! Ilabas mo na ngayon 'yang kayabangan mo!"

Kung pwede lang dumugo ang bibig ko dahil sa ginagawa niya, baka nangyari na ito kanina. Pahigpit ng pahigpit ang pagkakahawak niya sa panga ko.

"LABANAN MO AKO!"

Dahil nakakalas na ang mga tali ko sa kamay at paa, kaya ko na siyang sugurin ng walang hirap. Hindi ko nga lang pinapakita na nakaalpas na ako dahil baka mauna siyang makakilos sa akin.

"Hindi kita lalabanan. Pakawalan mo ako."

"Ano ako tanga?! Bakit ko papakawalan ang babaeng umagaw sa atensyon ng taong mahal ko?! Hindi mo ako mauuto Hazel! Mamamatay ka muna bago ka makalaya at makabalik kay Ford!"

Tumungo ako at umaktong nanghihina. Iniipon ko pa ang lakas ko para labanan siya mamaya.

Ang nagawa ko na lang ay alalahanin ang mga araw kung saan kaibigan pa ang turing ko sa kanya.

Kahit kasi may binabalak siyang masama sa akin, alam kong masama pa rin ang gumanti sa kanya dahil pare-pareho lang kami na nagkakaroon ng kasalanan.

~~♡~~

"Akala ko ba alam mo yung daan papunta sa F.A.?"

Now I remember the day when we are still looking for directions on how we will get ourselves in our new school.

Hindi ko kasama noon si Ford dahil nasa New York siya para magbakasyon. Kaya ang mga kasama ko sa enrollment ay sila Patricia, Celestine, Mabel at Yuna na lumuwas ng Maynila para hanapin ang Free Academy.

"Bakit ba kasi hindi na lang tayo nagdownload ng mapa sa official website nila? Mas nahihirapan tayo dahil sa Google Maps eh."

"Guys, please relax ok? Mahahanap rin natin ang F.A. Malapit na tayo for sure doon."

"Tss. Hay nako, kapag tayo naligaw ng todo Celestine--"

Loving YouWhere stories live. Discover now