♡ 14 ♡

72 2 0
                                    

Hazel's PoV    
    
    
    
We're going back to the start where it all started. When I open my eyes, a single light has entered the dark place. Even though everything is normal, I don't know why I feel there's something unnatural is going to happen.

"HAZEL! CELESTINE! YUNA! MABEL! GUMISING NA KAYO!"

Gising na ako bago pa man sumigaw si Patch para pabangunin kami. Tumingin ako sa gilid at nakitang nakapameywang ang leader namin na nakasimangot.

Si Patch talaga. Hindi na nagbago.

Nakangiti akong tumalon paalis ng double deck at hinarap si Patch.

"Patch!" sabay yakap ko sa kanya.

"Anong ngini-ngiti mo d'yan, Hazel Angela?! Ikaw ang nakaatas sa paghuhugas ng mga pinggan ngayon!"

Hindi ko na pinansin ang pag-aalburoto ni Patch at dumiretso sa kusina para masimulan na ang nakatokang trabaho.

"BEEESSST! Good morning!"

Niyakap ako ni Celestine sa likod. Tinapik ko yung kamay niya at tumatawa kaming nagkukwentuhan habang gumagawa ng gawaing bahay.

Sumunod na pumasok ng kusina ay sina Mabel at Yuna para tumulong sa paghahanda ng mga kobyertos at plato.

"Good morning!" bati ni Mabel sa aming lahat habang isa-isang inilalapag ang mga kutsara at tinidor sa mesa.

"August na pala bukas. Ang bilis ng araw." sabi naman ni Yuna na siyang naghahanda ng mga plato.

Kakaunti lang ang ligpitin sa lababo kung kaya't natapos na ako sa ginagawa ko.

Tumulong rin ako kay Best na ihanda ang pagkain at nang matapos na, saka pa lang pumasok si Patch sa kusina.

"Aish. Ganyan dapat. Lagi na lang ako yung gumagawa ng gawaing bahay eh."

Umupo na kami sa mga sariling upuan para makapagsimula nang mag-almusal.

Matapos ang kainan, nagsiayos na kami ng sarili para makapasok na sa school.

"Guys! Good Morning!" bati sa amin ng isang babae na nakatirintas ang buhok at nakasalamin.

Binati namin pabalik siya at pinasabay sa paglalakad. She's Ahn, ang anak ng landlord na nagmamay-ari ng dorm na tinutuluyan namin.

Siya yung tumulong sa amin para marating namin ang Free Academy dito sa Maynila.

Swerte dahil nakatulong na siya sa pagbibigay ng daan para malaman ang F.A., inanyayahan pa niya kami sa dorm nila na mangupahan.

"Kamusta ang weekend?" panimula ni Ahn sa usapan.

She's talkative at medyo sabog minsan. Mabait naman 'yan kahit ganyan.

Dahil may sarili ng mundo ang iba, ako na ang nagsalita.

"Same lang. Ikaw ba? Gumala ka kasama ng mga kaibigan mo?"

Medyo nalungkot ang mukha nito. "Nope. Hahaha. Dapat pala sumama na lang ako sa inyo kahapon sa mall. Sabi na eh, maeepic failed ulit ang plano namin."

"Uso naman ang drawing."

"Tama!"

"Next time, sumama kana kasi."

"Sure!"

After ng ilang minuto, nakarating na kami sa Free Academy. Medyo marami na ang tao dahil magtatime na rin.

Pero ako? Mamaya pa naman ang first subject ko. Gusto ko lang maging maaga sa school dahil walang tao sa dorm. Halos araw-araw kasi sabay ang pasok at pag-uwi ng apat.

Loving YouWhere stories live. Discover now