♡ 41 ♡

77 2 0
                                    

Gun's PoV  
 
    
 
Hindi ba delikado ang pagpunta mo sa pribadong lugar ng F.A.?  
  
 
  
Herza asked me about this before I got back in this school. It is so dangerous to cross the border of an enemy. I had survive from a fight before but I guess I can't make it right now.

Lalo na at isinama ko pa si Mabel. Mas lalo akong hindi makakahingi ng tulong kay kuya Louie dahil matagal ko nang alam na nakikipagtulungan siya kay kuya Altair.

Magulo kung sino ang kampi sa amin o hindi. Wala ring makakapagsabi kung sino ang kalaban o hindi.

At mas lalo silang maguguluhan kung kakampi rin ba nila ako o hindi.

Agad akong pumunta sa unahan ni Mabel at isinangga ang sarili mula kay Altair. Hindi pwedeng may mapahamak pa sa kanila. Mas lalong hindi pwedeng mapahamak si Mabel dahil misyon ko ang protektahan ang bawat tao na kakampi ko.

"Mabel, tumakbo kana paalis dito." bulong ko.

"A-Ano?"

Ramdam kong naguguluhan si Mabel sa mga sinabi ko. Pero dapat niya agad maintindihan na iligtas ang kanyang sarili. Hindi ko kakayaning protektahan siya kahit si Altair lang ang nandito.

"Mabel, please. Umalis kana."

"Hindi kita pwedeng iwan dito!"

"SINABI KO NANG UMALIS KANA!"

Dahil na rin siguro sa takot, narinig kong tumakbo si Mabel paalis ng likod ng main building. Hinarap ko si Altair ng buong tapang kahit may takot rin akong nararamdaman.

"Ito ba ang hinahanap mo?" at may pinakita siya sa aking papel na kung saan kita ko ang wax seal nitong may parang infinity na symbol.

"I stole it from someone who's near to you."

Ngumisi siya na agad nagparamdam ng kaba sa akin.

"May ginawa ka bang masama kay Herza?!"

"Wala akong tinutukoy na pangalan. At bakit ko ipapahamak ang mahal ng kapatid ko?"

"Huwag ka nang magtangkang magsinungaling pa! Hindi ba at may plano kang mas pahamakin ang mahal ni kuya Louie?!"

"Louie?" At nagmaang-maangan pa siya na parang walang alam kung sino ang binanggit ko.

"Ah, ok. Natandaan ko na kung sino siya. Si Gun lang pala ang tinutukoy mo."

At mas lalo itong ngumisi sa akin.

"Ako si Gun." sabi ko.

"You are Altair."

"Stop messing around! Ito ang pangalan ko dahil ito ang nasa birth certificate ko!"

He chuckled as he feel that I'm going to be so mad later on. Pinipigilan kong sugurin siya dahil wala akong mapapala.

Siguro at lumalim ang iniisip ko, bigla ko na lang siyang nakita sa gilid at naramdaman ko na lang ang sakit sa aking tyan at bumagsak sa lupa.

"You are just smart as if you could read my mind with that ability. Pero hindi mo pa rin matutumbasan ang bilis ko. See? MUHAHAHAHAHA! Hindi mo agad nailagan ang atake ko sa'yo."

Habang nagtitiis ako sa sakit mula sa pagkakasuntok niya sa akin, lumuhod ito para tingnan ako.

"You can't protect everyone he loves if you're that weak."

I know that I am weak. Pero kahit na mahina ang pisikal kong katawan, lalaban ako dahil may ipinangako ako.

Bago siya umalis...

Loving YouWhere stories live. Discover now