♡ 8 ♡

63 3 0
                                    

Shamy's PoV         
     
           
       
"Hazel, nandyan ka na pala."

Ngumiti ako para mapigilan siyang umiyak. Kung ano man ang rason kung bakit parang malungkot siya, wala akong alam d'on.

Nakatitig pa rin siya sa fountain kaya ako na ang lumapit sa kanya.

"Hazel?"

Lumingin siya sa akin habang nakangiti.

"Natulala na ako sa ganda ng fountain."

"Sus, maganda ba 'yan? Mukha ngang may lumot na eh. Tingnan mo, baka mamaya marami na d'yang tadpoles."

"Pero maganda pa rin sa paningin ko."

Suddenly, I felt that she has this something that can be related on the fountain.

"Maganda daw. Pangit kaya."

"Ang pessimist mo kahit kailan."

It's only a fountain. Wala naman akong nakikitang maganda d'on. Malinis na tubig lang kaya ang umaagos. Di bale kung barya, matutuwa pa ako.

"May balak ka pa atang magmoment sa tabi ng fountain." biro ko.

And here it is, natahimik na naman ang kasama ko.

"No. It's already over."

Ha?

"Ano Hazel?"

Umiling siya at natawa ng mahina.

"Sabi ko it's already over na ang vacant hours natin. And it means, time na para pumasok sa susunod klase."

"Ok?"

Nauna siyang maglakad palayo habang ako ay nakatayo pa rin sa lugar na malapit sa fountain.

As she's walking away, iniisip ko tuloy kung bakit parang may nakikita ako sa kanyang tao na related sa fountain.

Hazel Angela Condez, sino ka ba talaga?   
  
   
   
~~♡~~  
    
    
   
Nakikinig ako sa klase ngayon at parang hindi nagsisink-in sa utak ko ang dinidiscuss ng professor namin.

What's wrong with me? Kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko. Bakit hindi na lang yung mga formulas? Bakit meron akong iniisip na mas importante kesa sa discussion na 'to?

After my several classes, tumambay ako sa Counseling Booth at baka matulungan ako nitong tanggalin ang nararamdamang stress.

"Good afternoon po."

May pumasok na babae sa booth at mukhang new customer siya.

"Hi. Please be sitted."

Umupo siya doon sa vacant seat na katapat ko at nagsimulang maghalungkat sa dalang bag.

"Welcome to our Counseling Booth. Free to counsel for any achy breaky past life."

May inabot siyang papel sa akin kaya nagtaka ako.

"Kayo po si ate Shamy, right?"

"Yes."

"Actually, hindi po ako magpapacounsel. May nagpapaabot lang po nito sa inyo."

Wow, may dumating sa aking love letter. Tsk.

"Kanino galing?"

Wala kasing naka-indicate na pangalan kaya hindi ko alam kung sino ang nagbigay. Basta puting envelope ito at may wax seal.

Loving YouWhere stories live. Discover now