♡ 36 ♡

70 2 0
                                    

Kean's PoV    
   
   
    
I'm back.

Matagal na akong wala sa Free Academy pero bumalik ako dito dahil sa babaeng minamahal ko.

Nakangiti akong pumasok sa main gate habang bitbit ang isang bouquet of sunflowers na paboritong-paborito niya.

May bitbit rin akong isang box ng chocolates na kung saan halos wafers ang laman nito.

Tumigil ako sa lobby at kinuha ang phone ko sa bulsa ng pants para tawagan siya.   
  
  
  
[Hello?]   
  
  
   
Ang tagal rin naming hindi nagkikita simula noong sa Cavite na ako pumapasok.

"Nasaan ka?" tanong ko.

Bago pa niya sabihin kung nasaan siya, agad ko itong nakita na palabas ng lobby.  
   
  
   
[Babalik na ako sa classroom namin. Bakit mo nga pala natanong?]   
   
   
   
Saktong pagtalikod niya, nakita ako ni Rena.

"Kean?" tawag niya sa akin para kumpirmahin na ako talaga ang nakita niya.

Ini-end ko na ang tawag at lumapit sa kanya.

"Huwag ka na munang bumalik sa classroom niyo. Bigyan mo muna ako ng oras ngayon."

Tumango ito at ngumiti sa akin.

"Sure. Actually vacant namin ngayon. Swerte ka at mamaya pa ang klase ko."

Niyaya ko siya sa likod ng Main Building para doon kami tumambay.

Finally, makakausap ko na ulit siya. Nakakatuwa at natyempuhan ko agad si Rena dahil hindi na ako nahirapan na hanapin siya sa buong campus. Kahit alam ko ang class schedule niya, nagpanggap pa rin ako na hindi ko ito alam para isorpresa siya.

"Bakit ka nga pala napadalaw dito? Wala ka bang klase?"

"Wala ngayong araw. Grabe, namiss kita Rena. Buti nga at nagkataong pwede ka ngayong oras." sabi ko bago hawakan ang kanyang kamay.

Namula ang kanyang pisngi dahil sa ginawa ko. Gustong-gusto ko siya na nagbublush dahil nakakatuwa siyang panoorin habang kinikilig. Alam kong natutuwa rin si Rena sa ginawa ko dahil mas lalo siyang nahihiya kapag pinapakita ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal.

Hanggang sa makarating kami sa likod ng Main Building, hindi ko pa rin binibitawan ang kamay niya.

"Mukhang miss na miss mo talaga ako ah." pang-aasar niya.

"Tagal na kasi nating hindi nagkita. Ikaw, namiss mo ba ako?" tanong ko at hinalikan ko pa ang kamay niya.

"Medyo OA na ang pagiging sweet mo Kean ha. Kapag ako hindi nakapagtimpi dito, hindi kita papauwiin sa Cavite eh."

"Hahaha! Sige ba. Saan mo ako papatuluyin? Diretso na ba sa bahay niyo?"

Mas lalong namula ang kanyang mga pisngi dahil sa biro ko. Pabiro niya akong tinulak na sinuklian ko naman ng isang mahigpit na yakap.

I love Rena since she's true to herself. Magkaklase kami sa West Academy since elementary at schoolmates naman noong second year college. Nagkataon lang na lumipat ako ng school kaya hindi na kami nagkikita ngayon.

"Kean, hindi ka ba nahihirapan sa sitwasyon natin?" sabi niya.

"Hindi. Basta nararamdaman kong mahal mo ako, kahit pa abutin tayo ng ilang taon na LDR, kakayanin ko."

Tiningnan niya ako ng diretso sa mata.

"Bumalik ka na lang kaya dito sa Free Academy?"

Gusto ko rin naman na magkasama kami ngayong college pero hindi pwede. Pinangako ko kasi noon sa sarili ko na hindi na ako babalik dito.

Loving YouWhere stories live. Discover now