♡ 35 ♡

64 1 0
                                    

Acey's PoV     
      
      
      
I also have faults like them. Tinakasan ko ang problema na hindi ko akalaing magiging malala.

Habang patuloy na pumapatak ang ulan, bigla kong naalala ang nakaraan.

"Acey..."

Mabel has changed a lot. Akala ko'y hindi siya ang nakita ko kanina sa tapat ng kanilang bahay.

I smiled at her before my tears fell down from my eyes. Kanina ko pa pinipigilan ang tuwa at lungkot na nararamdaman ko. Mas lalo itong hindi tumigil dahil nakita ko ang bestfriend ko.

I slowly walk towards her. Habang lumalapit ako sa kanya, nag-uunahan sa pag-agos ang mga luha ko. Kasabay ng malakas na ulan, mas lalong nababasa ang mukha ko.

I took her in my arms when I finally reached her. Yakap-yakap ko si Mabel at hindi ko na napigilan ang sarili kong humagulgol.

"I-I'm sorry M-Mabel... I'm sorry f-for the problem I caused to our p-peer group... I'm sorry dahil ngayon lang ako bumalik..."

Mabel patted my back that gave me the feeling of warmth welcome. Namiss ko siya gaya ng pagkamiss ko sa kanilang lahat.

"Ssshh. Walang may kasalanan sa'ting lahat. Don't blame yourself too much."   
 
I'm lucky to have her as my girl bestfriend. Hindi ko alam kung anong buhay ang meron ako ngayon kung hindi kami nagkakilala noon.

Kailanman ay hindi siya bumitaw sa pagiging matalik kong kaibigan. I'm very blessed because she's always by my side. She waited for me to come back in our province.     
       
     
     
~~♡~~      
      
     
    
Pinatuloy ako ni Mabel sa kanilang bahay at nagkataong siya lang ang tao dito. Ngayon ay nag-iisa ako sa kwarto niya habang hinihintay siyang bumalik mula sa kusina.

Matapos ayusin ang sarili, nakita ko si Mabel na pumasok sa kanyang kwarto. May dala siyang isang tasa ng kape at agad itong binigay sa'kin.

"Drink this para mawala ang panlalamig mo."

I smiled at her. "Thank you."

Hininaan ni Mabel ang aircon sa kwarto at tumabi sa akin. Ilang minuto kaming hindi kumikibo sa isa't-isa bago niya binasag ang katahimikan ng lugar.

"I know you were surprised when you saw me last time. I'm acting different from what I used to. Kahit paulit-ulit kong ipaliwanag ang katotohanan tungkol sa pagbalik ng normal kong kilos at pag-iisip, hindi ako magsasawang sabihin ito sa inyong lahat."

Mabel hug her legs and look at the picture that was hanged on the wall.

"Because of a car accident, nagkaroon ako ng trauma na nakaapekto sa pag-iisip at kilos ko. To tell you the truth, I'm slowly going back to normal when we're still in first year college."

Ngumiti sa akin si Mabel.

"Nakakapagtaka ba kung bakit hindi ko pinapakita ang normal kong kilos sa inyo? Dahil ito sa minsang pagbabalik ng trauma sa akin. May pagkakataong nakokontrol ko ito. Pero ang magandang balita, minsan na lang umatake ang pagka-childish ko."

Ibinaba ko ang hawak na tasa sa tea table at tiningnan rin ang litrato sa pader.

"Almost a year na rin nang may mabalitaan kayo sa akin. Bumalik ako dito dahil nabalitaan ko ang nangyari sa inyong lahat. Huli na pala nang malaman kong nawala na ang grupo natin."

"Anong nangyari? Bakit hindi ka nagpakita sa amin?"

Am I ready to tell her the most painful experience I've ever felt?

Loving YouWhere stories live. Discover now