♡ 4 ♡

59 3 0
                                    

Shamy's PoV   
    
  
    
Pinatay ko yung t.v. dahil boring yung palabas. Nakapangalumbaba lang ako nang may isang babae ang dumaan sa harapan ng booth.

That girl. Hindi ko siya kilala pero medyo famous ang isang 'yon for being a Dean's Lister. Malimit ko siyang nakikita na mag-isa kapag nakakasalubong ko. We don't know each other's name at wala rin akong balak makipagkaibigan sa kanya.

Medyo may pagka-mataray kasi ang babaeng 'yon. Parang mahirap kaibiganin.

Sa gitna ng aking pag-iisip, nagulat ako nang makitang umupo si Herza sa aking katapat na upuan.

"Musta ngayong day? Madami na bang nagpa-counsel?"

It was no other than my best friend... AGAIN.

"Waley eh. Hanga nga ako kasi walang bumisita."

"Ayaw mo 'non at kakaunti na lang ang mga broken-hearted dahil sa powers mo."

"Asa namang nakatulong ng sobra yung mga advices ko. Alam mo namang pampalubag loob lang ang mga 'yon."

As if namang great adviser ako 'no. Sabi nila, ang laki ng naitutulong ng mga advices ko. Hindi ko lang alam kung totoo ang mga sinasabi nila dahil malimit itong chismis lang.

"Nagsasabi ako ng totoo, beshie. May nagpasalamat kasi sa akin last time at para daw ito sa'yo. Dahil sa inadvice mo sa kanya, naging free na siya sa boyfriend niyang malandi."

Ok.

Biglang sumagi sa isipan ko yung nagpapacounsel kahapon.

"Wews? Di nga? Sino may sabi?"

"Ang pagkakatanda ko, siya ata yung nagpunta dito kahapon?"

"I knew it!"

"Sabi ko sa'yo ang magical ng advice mo eh." she said while smiling.

Bumalik yung boredom ko kahit maganda ang narinig ko kay Herza. Mahirap paniwalaan ang mga sinabi niya dahil ito ang unang beses na may nagpasalamat sa akin after ko silang bigyan ng advice. Malay natin at baka nagkataon lang 'yon.

Inilapat ko yung likod ko sa sandalan ng upuan at medyo nag-inat ng kamay.

"Nagkataon lang 'yon."

"Huh? Hindi naman siguro, beshie."

"Magic does not exist in this world."

If it really is true, why people can't use this to make their lives become easier?

Ang hirap kaya mabuhay ng walang mahika. Hindi mo alam kung may lakas ka sa mga bagay-bagay. Hindi mo kayang kontrolin ang oras. Hinding-hindi mo kayang angkinin ang isang bagay na panandalian lang.

Tahimik ngayon si Herza sa tapat ko habang nakikinig ata ng music. I remembered something again from the past. The past. The most darkest and scariest place of my life. It is worse than my greatest nightmare.

May nagpacounsel sa akin before. That time, magsasarado na ako ng booth nang dumating siya.

She asked me if pwede pa ba siyang makahabol sa pagpapacounsel.

Medyo masakit ang likod ko 'non dahil sa pagkakaupo magdamag.

I was going to say that we're already closed when she begged for few minutes just to tell me her problem.

Yung time na 'yon, mabibilang mo pa sa daliri ang mga bumibisita dito sa booth namin.

I don't know kung bakit nagtitiwala siya sa akin at sa mga sasabihin kong advice.

Loving YouМесто, где живут истории. Откройте их для себя