♡ 13 ♡

58 2 0
                                    

Shamy's PoV    
   
   
  
Ipinasok ako ng estranghero sa isang madilim na lugar ng hotel. Isa rin itong hall pero parang hindi na ginagamit.

Pabagsak niya akong pinakawalan kaya halos masalubsob na ako sa sahig.

"Sino kayo?! Anong kailangan niyo sa akin?!"

Oo, gasgas na ang linyang 'to sa mga pelikula at storya. Pero kung pareho tayo ng posisyon ngayon, hindi mo maiiwasang tanungin ang mga 'to dahil sa takot.

Hindi ako sinagot ng ilang lalaki na nakamaskara kaya patuloy akong sumisigaw.

Nakakapagtaka man, pero huli na noong marealize kong baka sound proof ang lugar na 'to.

Hindi kasi sila siguro t*nga na hahayaan akong sumigaw dito ng sumigaw kung may makakarinig sa amin.

Hindi pa man ako napapaos, may narinig akong mga yabag ng paa na nagpatigil sa aking pagsigaw.

"I-Ikaw...?"

Ganto na ba siya kasama? Mas masama pa sa inakala ko?

Tinanggal niya ang kanyang maskara kaya mas lalo kong nakilala ang lalaking nasa harap ko.

"Anong gagawin mo sa akin?!" sigaw ko sa kanya.

"What is your connection to Hazel Angela Condez?" kalma pero puno ng pagbabanta ang boses niya.

"Kaibigan ko siya! Ano bang problema niyo sa akin?! Pakawalan niyo ako!"

Lumapit siya sa akin at marahas na itinayo ako gamit ang isang kamay. Masakit ang ginawa niya dahil nakita kong bumakat ang kamay nito sa braso ko.

"Ano bang kailangan niyo sa akin?! Lalo kana Louie!"

Seryoso lang ang tingin niya sa akin at mas lalo itong nagpadagdag sa sama ng loob ko sa kanya.

"I'm here to warn you, Shamy. Never ask about Hazel's ex-boyfriend."

Ano bang problema nito sa ex-boyfriend ng kaibigan ko?! Bakit?! Siya ba ang bagong boyfriend ni Hazel?! Nagseselos ba siya?!

"Anong karapatan mong diktahan kung ano man ang gagawin ko, ha?! Bakit ako makikinig sa isang tulad mo, Louie?! Boyfriend ka ba ni Hazel?!"

Sinabi ko na ang mga gusto kong sabihin. Dahil dito, nakita kong napagitla siya kaya nagtaka ako.

What's with him?

Totoo nga na magkakilala sila ni Hazel?

"Pakawalan niyo ako!"

Dahil sa isang tunog ng cellphone, bigla na lang umalis sila Louie at naiwan akong mag-isa sa hall.

Ito na ang pagkakataon ko para makatakas.

Habang papalabas ng hall, hindi ko maiwasang isipin ang dinatnan ko kaninang duguang tao.

Gusto ko siyang hanapin.

Pero wala na akong oras.

Gusto ko nang mahanap si Hazel kung nasaan man siya.

Sa may hallway, nakita ko ulit si Hazel na nakasandal sa wall na malapit sa elevator.

Muli kong isinigaw ang pangalan niya at tiningnan ako ng may pag-alala sa mukha.

"Hazel...." hingal na hingal kong sabi.

"Shamy, ok ka lang? Ano 'tong nasa braso mo?"

Kinuha ko yung panyo na nakaipit sa short ko sa loob at itinali sa may pasang parte na braso ko.

Loving YouWhere stories live. Discover now